Chapter 7

4.3K 104 0
                                    

TAHIMIK na nakatulala si Danielle sa harap ng computer na nasa ibabaw ng office table niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya si Charles. Kahapon lang sila nakabalik buhat sa Tagaytay. Sa halos tatlong araw nilang inilagi doon ay hindi halos mawala sa tabi niya si Charles, talo pa nito ang anino na hindi humihiwalay sa kanya. Naiilang na nga siya kapag tinitingnan siya nito ay lalo pa siyang hindi mapakali sa ginagawa nitong pagdikit sa kanya.

“Hindi ka ba sasama sa aming mag-meryenda?” tanong ng kasamahan niya sa trabaho na si Arthur na siyang pumutol sa pag-iisip niya.

Nag-angat siya ng tingin at marahang umiling. “Mauna na kayo, susunod na lang ako.”

“Okay, sige. Maiwan muna namin kayo ni Aina, mamaya na raw siya bababa, eh,” ani pa ng lalaki bago ito lumabas ng guidance office kasama ang isa pa nilang kasamahan.

Napahinga siya ng malalim at ibinaling ang pansin sa mga files na nasa kanyang harapan. Ini-encode niya ang results ng developmental assessment test na ibinigay nila noong nakaraang linggo sa mga estudyante. Magdadalawang oras na buhat nang simulan niyang gawin iyon pero iilan pa lamang ang nai-encode niya.

Bahagya siyang napapitlag nang may magsalita sa kanyang likuran. “Mukhang malalim ang iniisip mo, ah,” ang kasamahan niyang si Aina iyon. Hinila nito ang isang upuan at naupo sa kanyang tabi. “May problema ba?”

Umiling siya. “Wala naman,” tipid niyang sagot. Sa lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay si Aina ang una niyang nakagaanan ang loob. Mabait at nakakatuwa kasi itong kausap.

Tumaas ang kilay nito. “Ano ba’ng wala, eh, kanina ka pa walang kibo. Hindi ka naman dating ganyan katahimik.”

“May iniisip lang ako,” aniya na iniiwas ang tingin rito.

“Seryoso ba?”

Napahinga siyang malalim. “Ewan ko. Hindi ko nga alam kung bakit masyado kong iniisip ang bagay na iyon, eh.”

Nangunot ang noo ng babae at mataman siyang tinitigan. “Huhulaan ko, tungkol sa lalaki ano?”

Napatingin siya rito. “Paano mo nalaman?”

Ngumiti ai Aina. “Dear, tatlo lang naman ang posibleng dahilan ng babae na nasa edad natin para magkaganyan. Una, problema sa pamilya, eh okay naman kayo ng parents mo. Except na lang sa konting tampo nila sa 'yo dahil sa pag-uwi mo dito sa Pilipinas. Second, problema sa pera, which is imposible naman yatang problemahin mo. At ang pangatlo, problema sa puso.”

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang din ang babae na wari ay hinihintay siyang magsalita.

“Ano? Ayaw mo pa rin bang mag-share?” ani Aina pagkalipas ng ilang minuto na pananahimik niya. “Bahala ka, sasakit ang ulo mo n’yan kakaisip.”

Napahinga siya ng malalim. “Oo tama ka,” mahina niyang sabi.

“Kailan ba naman ako nagkamali?” natatawang sabi nito. “At sino naman ang lalaking pino-problema mo? Siguro naman hindi si Hubert, 'di ba? Sabi mo naka-move on ka na sa kanya.”

Nakuwento na niya minsan sa babae ang nangyari sa kanya noon at sa dating nobyo. Tumango siya. “Oo naman, hindi si Hubert.”

“Eh, sino? Wala ka namang nakukuwento sa akin na nanliligaw sa 'yo, ah.”

“Si Charles,” tipid niyang sagot.

Umarko ang kilay ni Aina. “Charles? Sino’ng Charles? 'Yong kapitbahay ninyo?”

She nodded. “I think I’ve fallen for him.”

Nagulat siya ng matawa ang babae. “Hayan, sa kakapansin mo sa pang-aasar niya 'di mo napansin na nahuhulog na rin ang loob mo sa kanya. Minsan talaga kung sino 'yong tao na hindi natin ini-expect na mapapamahal sa atin sa kanila pa tayo napo-fall.”

❤Loving You So (Completed; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon