Chapter 10

7.7K 193 13
                                    

WALANG imik na tinungga ni Charles ang beer na nasa basong tangan niya. Nasa bahay sila ng kaibigan na si Howard para i-celebrate ang birthday nito. Wala sana siyang balak na pumunta pero napilitan siyang pagbigyan ang kaibigan.

“Hi, guys! Sorry I’m late!” malakas na sabi ni Georgina nang pumasok ito sa pinto. “May pinuntahan pa kasi ako.”
Nilapitan ni Georgina si Howard, hinagkan ng dalaga sa pisngi ang lalaki at iniabot dito ang bitbit na regalo. Sinamahan ni Nathania na kumuha sa kitchen ng pagkain si Georgina.

“Where’s Stacy?” tanong ng babae nang bumalik ito at naupo sa tabi niya.

“Inaasikaso ni Stacy 'yong para sa exhibit niya next week,” si Benedict ang sumagot sa babae. “Pero ang sabi niya ita-try niyang sumunod rito kapag kaya pa.”

Napatango-tango si Georgina at tiningnan siya. “Eh, si Danielle?”

“Hindi siya sumama,” tipid na tugon niya.

Hindi na nag-usisa pa si Georgina. Nakipag-kuwentuhan na ang babae sa mga kaibigan nila habang kumakain ito. Maya-maya ay nagbukas siya ng beer at saka tumayo at nagtungo sa veranda.

Inilabas niya ang kanyang cell phone at sinubukang tawagan si Danielle, pero hindi pa rin sumasagot ang babae. Tatlong araw na siyang hindi kinakausap ng nobya. Ang sabi ni Stacy ay makakabuting palipasin muna niya ang sama ng loob ni Danielle. Si Stacy rin ang nagpaliwanag sa kanya kung bakit ganoon na lamang ang sama ng loob ng nobya niya sa ginawa niyang paglilihim.

“May problema ba?” narinig niyang tanong ni Georgina. Sinundan rin siya nito pagkalipas ng ilang sandali.
Hindi siya nagsalita.

“Come on, I’m your best friend. Sabihin mo sa akin baka matulungan kita,” ani pa nito.

Nanatili siyang walang imik.

“Dati kahit gaano kaliit na problema nagsasabi ka sa akin. Pero mula noong maghiwalay tayo hindi ka na nagko-confide sa akin. Kahit naman break na tayo, we’re still best of friends, 'di ba? Ang usapan natin hindi magbabago 'yon, 'di ba?” anito na para pang nagtatampo. “I’m still your best friend, right?”

Tumango siya. “Oo naman.”

“Then go on, tell me kung ano ang problema mo. Ano ba kasi 'yon?” pangungulit pa nito.

Napahinga siya ng malalim bago siya nagsalita. “Si Danielle, alam na niya ang tungkol sa atin noon. She heard you at ang isa pang babae na nag-uusap noong nasa Sasaki tayo.”

Sandaling hindi nakapagsalita ang dalaga. “Hindi mo ba ipinaalam sa kanya ang tungkol sa atin noon?”

Umiling siya.

“Is that the reason why she didn’t come with you?” tanong nito.

Tumango siya. “Sumama ang loob niya dahil bakit hindi ko raw sinabi sa kanya ang naging relasyon natin noon.”

“But that was ages ago. I mean, hindi na naman 'yon dapat maging issue, 'di ba?” agad na sabi ng babae.

“Oo, pero mahirap kasing ipaliwanag, eh. Mayroon kasing past si Danielle na parang ganito ang nangyari. So I can’t blame her kung isipin niyang may ibang dahilan kaya hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa atin noon,” aniya naman.

“If that was the case, then dapat nga talaga sinabi mo iyon sa kanya,” sabi ni Georgina.

Uminom siya ng beer at napatanaw sa malayo. “Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin at 'yon nga naisip ko na hindi na mahalagang malaman niya iyon.”

Napatango-tango ang babae. “Do you want me to speak with her?”

Tiningnan niya ito.

“I will explain to her na matagal ng tapos iyon and wala ng issue between us so wala siyang dapat alalahanin. Kahit papaano napalapit na sa akin si Danielle, and ayokong magkaroon kayo ng problema because of our past. Gusto ko na maayos agad ninyo iyan.”

❤Loving You So (Completed; Published under PHR)Where stories live. Discover now