Chapter 8

4.2K 91 0
                                    

PINARA ni Danielle ang taxi na sinasakyan sa tapat ng bar ng kaibigan ni Charles na si Vincent. Pagkagaling sa trabaho ay dumaan lang siya sa bahay para magpalit ng damit at nagtungo na siya roon. Kaninang tanghali ay tumawag sa kanya ang nobyo at sinabing magkita sila roon ngayong gabi.

Pagpasok sa bar ay agad niyang nakita ang banda nila Charles na nasa ibabaw ng stage at tumutugtog. Isang babaeng crew ang sumalubong sa kanya at inihatid siya nito sa lamesa na ipina-reserve daw ni Charles para sa kanya. Nasa bandang gitna ang lamesa sa pinakaharap ng stage. Nakita niya ang malapad na ngiti ng nobyo nang makita siya.

Pagkatapos ng awit na kinakanta ng banda ay nagpalit ng puwesto sina Benedict at Charles. Ang huli ay tumayo sa unahan katabi ni Nathania habang si Benedict ay pumunta sa dating kinatatayuan ni Charles.

“Good evening, everyone. Kanina na-welcome na kayo nina Benedict at Nathania but I knew you’re still wondering kung bakit narito ang banda namin instead of the Sir Bobby who serenade you with acoustic songs every Wednesday. Actually nariyan naman siya pero later pa siya magpi-perform,” ani Charles. “Medyo sumingit lang ho kami ng konti dahil I want to make this day special para sa isang taong napaka-halaga sa akin.”

Naramdaman niya ang paglakas ng kabog ng dibdib sa sinabi ng binata.

Muling nagsalita si Charles. “Few months ago, I met this woman na bigla na lang sumugod sa apartment ko para magreklamo about how I disturbed her sleep. Hindi iyon magandang simula para sa isang bagong magkapitbahay, but that’s exactly what happened that night. From there nagkasunod-sunod na ang iba pang hindi magandang pangyayari sa pagitan namin. 'Yong iba inaamin ko na sinasadya ko, I wanted to annoy her kasi nakakatuwang panoorin ang pagtaas ng kilay niya, ang pagsimangot hanggang sa halos magdikit na ang tip ng nose at ang upper lips niya, at ang pangungunot ng noo niya.

“But one day I realized na hindi talaga iyon ang ikinatutuwa ko. Natutuwa ako na pinapansin niya ako, kahit pa ba inis ang nararamdaman niya everytime I approached her. Then I realized that I was actually had fallen for her,” ani ng binata na hindi inaalis ang mga mata sa direksiyon niya.

Nag-init ang pisngi niya sa mga sinabi ni Charles. Lalo pa nang marinig niya ang malakas na kantiyawan ng mga taong naroon na para bang ichi-ni-cheer ang binata na magpatuloy pa ito sa sinasabi.

“One week na kaming in a relationship,” nangingiting patuloy ng binata. “And I want her to know how special she is so I grabbed this chance para gawin iyon. I’d like to sing a song na ginawa ko for her. I hope magustuhan niya at ninyo na rin.”

Nagpalakpakan ang mga naroon pero nang simulan ni Charles ang pagtugtog ng gitara ay agad ring tumahimik ang paligid. Maya-maya ay sinabayan na rin ito nila Vincent ng pagtugtog.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niya ang kantang inaawit nito, iyon ang kantang tinutugtog ni Charles noong nasa Tagaytay sila. Pakiramdam niya ay para siyang idinuduyan habang pinakikinggan ang pagkanta ni Charles. Tumatagos sa puso niya ang lyrics ng kanta.

I won’t promise anything, just my love
I won’t break your heart, I will hold you forever
Just give me a chance,
Give yourself one last chance…

Pagtapos kumanta ni Charles ay napuno ng palakpakan ang buong bar. Nagpasalamat ang grupo sa mga naroon at nakita niya ang pag-akyat sa stage ng isang lalaki na may dala-dalang gitara. Sa palagay niya ay iyon talaga ang magpi-perform ngayong gabi. Bumaba na si Charles sa stage at humakbang palapit sa kanya.

“Hi,” ani ng binata at dinampian siya ng halik sa labi. “Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa 'yo?” Naupo ito sa tabi niya.

“Kailangan mo pa ba talaga 'yong gawin?” kunwari ay sabi niya kahit ang totoo ay nalulunod na ang puso niya sa kilig nang mga oras na iyon.

❤Loving You So (Completed; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon