Chapter 9

4.2K 102 0
                                    

"HEY!" UNTAG ni Danielle kay Charles nang lapitan siya ng babae pagkatapos nitong umahon ng pool.

Parang noon lang natauhan na inalis niya ang tingin sa mga kaibigan na nasa malaking swimming pool. Nasa isang private resort sila sa Antipolo dahil nagyaya si Georgina na mag-swimming kanina. Nitong nakaraang linggo ay halos gabi-gabi silang lumalabas kasama si Georgina at ang mga kaibigan niya. Gusto kasing sulitin ni Georgina ang bakasyon dahil limang taon rin itong hindi nakauwi sa bansa. Wala naman silang magawa kundi pagbigyan ang babae.

"Hindi ka ba maliligo?" tanong sa kanya ni Danielle.

"Mamaya na." Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at marahan itong hinila patabi sa kanya. "Ikaw, saan ba nanggagaling 'yang lakas mo at parang hindi nababawasan? Kakagaling mo lang sa trabaho bago tayo nagpunta rito pero parang napakataas pa rin ng energy level mo."

Ngumiti ang babae. "Paminsan-minsan lang naman ito, eh. At saka nakakahihiya naman kay Georgina kung tatanggi tayo."

Hindi siya nagsalita. Napahinga lang siya ng malalim at muling sinulyapan sina Georgina at mga kaibigan.

"May problema ba?" pagkuway ay tanong ni Danielle.

Napatingin siya rito. Noon lang niya napansin na nakatitig pala sa kanya ang dalaga.

"Ilang araw ko nang napapansing tahimik ka. Ano ba'ng iniisip mo?" bakas ang pag-aalala sa tinig ng dalaga.

"Wala," pabalewala niyang sabi na nginitian pa ang babae.

Hindi ito nagsalita pero nanatiling nakatutok ang mga mata sa kanya.

Kinabig niya ito at niyakap. "Stress lang ako sa mga ipinapaasikaso ni Mama sa akin about sa properties ng pamilya. Huwag mo na akong alalahanin, okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko ngayon," pagdadahilan niya.

"Ganoon ba? Wait, titingnan ko if mayroon pa akong gamot for headache sa bag ko."

Aalis sana sa tabi niya ang dalaga pero mas hinigpitan niya ang yakap rito. "Huwag na, dito ka na lang. Mas bubuti ang pakiramdam ko kung andito ka sa tabi ko."

"Bolero!" nangingiting sabi nito bago ibinaling ang tingin sa mga kasama nila.

Napahinga siya ng malalim at masuyong hinagkan ang buhok ni Danielle.

Nakita niya na umahon sa tubig si Georgina at humakbang ito palapit sa kanila. "Charles, puwede mo ba akong samahan bibili lang ako ng gamot for my asthma. Medyo nahihirapan akong huminga, eh. May twenty-four hour drugstore naman na malapit dito, nakita ko kanina."

"Sige, okay lang," mahina niyang sabi.

"Danielle, okay lang ba kung hihiramin ko muna si Charles?" tanong pa ni Georgina kay Danielle.

"Sure," ani naman ng nobya niya at tumango pa.

"Gusto mo bang sumama?" tanong niya kay Danielle.

Umiling ito. "Huwag na kayo na lang ni Georgina," tanggi nito.

"Sandali lang kami," ani Georgina kay Danielle at ikinawit nito ang isang kamay sa kanyang braso at hinila na siya.

****

PASADO alas nuwebe na ng magising si Danielle nang umagang iyon. Kahit puyat ay nakakapasok naman siya, ngayon lang talaga hindi kinaya ng katawan niya. Mukhang sumuko na iyon sa pagod at puyat, ilang linggo na din kasing sunod-sunod ang paglabas nila nina Charles. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan na lamang si Aina upang ipaalam na hindi siya makakapasok sa trabaho.

Bumangon siya at sumilip sa bintana. Napakunot ang noo niya nang makita ang kotse ni Charles, mukhang hindi rin nakaalis ang binata para puntahan ang mga branches ng computer shop nito. Tiningnan niya si Stacy sa silid nito, tulog na tulog pa ito. Kagabi ay kasama nila itong lumabas at naparami ang inom ng babae kaya natitiyak niyang mamaya pa ito magigising.

❤Loving You So (Completed; Published under PHR)Where stories live. Discover now