Loving You 1

24 2 30
                                    

France Chesca's POV

Super excited ko ngayun. Alam niyo ba kung bakit? Syempre hindi di ko pa sinabi eh. Charut lang, first day ko kasi sa school na papasukan ko ngayun. Makikita ko na ang long time crush ko. Kinikilig ang lola niyo mga bes.

France Chesca Alvarade at your service. 15 years of existence. I believe na ang mga balyena'y hindi na sa tubig nakatira kundi nasa tabi ko na pala. Sabay tingin sa matabang mama sa tabi ko. Charot kuya hehe.

Nasa jeep ako ngayun patungong heaven. De joke lang, nagjejeep ako patungo sa patutunguhan. Alam niyo kung saan? Sa Skyland University. Taray diba? May sky na tapos may land pa, two in one saan ka pa?

"Bayad po" Sabi ko at inabot ang bayad kay kuya na nasa harapan ko.

Parang hindi niya yata ako narinig? Ulitin nga.

"Bayad ho." Ulit ko.

Aba't bingi ba to?! ba't hindi man lang niya kinuha ang bayad ko at ibigay sa driver? Yung ibang pasahero naman ay tuleg. Kaya siya nalang talaga ang pag asa kong maipasa ang bayad kay manong driver.

"Kuya! pakiabot nga ho ng bayad ko!" Sigaw ko sa kanya. Finally, humarap siya sa'kin at mga te ang pangit niya. De joke lang.

Agad niya namang kinuha ang bayad ko at ibinigay sa driver. Tumingin siya sa'kin pero inirapan ko lang siya. Wag mo ko matitingin tingin kuya, ang bingi mo kanina nakakagigil ka.

Nang makita ko na ang building ng school ko pumara ako sa jeep at bumaba na.

This is it France! Makikita mo na ang long long time mong crush. Pero bago landi dapat study. Crush ka lang muna France. Pero enebe nemen kung matukso ako anong gagawin ko? Bahala na nga si batman.

Huminga akong malalim at pumasok na sa gate ng campus. Ang ganda talaga dito. Napagisipan ko na bago ako pumuntang principal's office, maglilibot muna ako. Mag aala dora ang maganda niyong lola.

Napadpad ako sa cafeteria nila. Cafeteria pa lang alam na alam mo nang pangmayayaman talaga. Nako baka hindi ko maafford mga pagkain dito. Scholar lang po ako dito kaya ganern.

Umalis na ako sa cafeteria kasi baka maubos yung pera ko paghindi ko maawatan ang sarili kong mahalin ka yie. Charot, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong bumili. Ang mamahal pa naman ng mga pagkain dun.

Sunod ko namang pinuntahan ay ang garden. Parang paraiso mga prend. Pero mas nagmumukhang paraiso kung kasama niyo ako ayie. De joke lang ang harot din eh no? Pumunta ako sa may puno at sumandal.

Ang ganda ng hangin rito ang fresh. Mas nagiging fresh kasi nandito ako. Charot na naman.

"What are we doing here?" May narinig akong isang boses ng babae.

"Happy birthday, baby." Boses naman ng lalaki ang narinig ko.

At dahil chismosa ang ate niyo mga baby sumilip ako sa kanila.

Nganga ang lola niyo. Ang ganda nung girl. Para siyang doll. Mataas na buhok at ang puti niya. Ang tangkad niya rin. One word for her 'Perfection'. That word suits her really.

Hindi ko kita yung mukha ni boy kasi sagabal yung puno eh kaya naisipan kong mag ala spiderman at umakyat sa puno. Ang galing diba? Palakpakan.

Base sa likod ni boy halatang mayaman at gwapo pero hindi pa rin kita yung mukha eh. Hindi nagtagal nag ring na ang bell hudyat para magsisimula na ang klase.

"Thank you for this surprise. I love it." Sabi naman nung babae at hinalikan si boy sa pisnge. Ew, PDA.

Nung makaalis na sila bumaba na ako sa may puno. Nako nako nako, delikado ako dito. Endangered na ang kagandahan kong 'to.

Hinatak ko na ang daan papuntang impyerno este principal's office pala. Habang naglalakad nagtingin tingin din ako sa paligid.

Kahit yung dingding din eh mamahalin. Hindi makakarelate ang dati kong paaralan dito. Balita ko raw may swimming pool din sila. Ang yaman mga pre.

Nang makarating na ako sa principal's office kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Good morning sir." Bati ko sa kanya.

"Good morning din miss Alvarade. I was expecring you to come earlier." Sabi niya sa'kin. Patay, eh kasalanan ko bang ang ganda ng paaralan niyo? Nakikiusyoso din po kasi ako sa magjowa kanina.

"I'm sorry I'm late sir. Nawala po kasi ako. Sobrang laki ho kasi ng paaralang ito." Pagsisinungaling ko. Ayan France diyan ka magaling eh. Ang pagsisinungaling ang greatest talent mo.

"It's okay, I understand since this is your first day but please do not do it again." Sabi niya at inabot ang isang form.

"That's your schedule and your class is Class 3-Star. Have a nice day miss Alvarade." Sabi niya sa'kin

Lumabas na ako sa office niya at nagsimulang maglakad.

I hope so too, sir principal.

Silently Loving YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant