Loving You 6

14 1 0
                                    

Dion Velle's POV

"May one whole kayo? Pahinge."

"Sinong may one whole diyan?! Babayaran ko two times!!"

"One whole one whole!!"

Ganyan ang eksena sa loob ng classroom namin ngayon. Walang mga assignment eh. Ngayon pa nila naisipang gawin ang assignment na binigay sa amin.

First subject pa naman namin yang assignment na yan. Buti nalang nagawa ko na yung sa akin. Good girl eh.

"Dion, may one whole ka ba?" Tanong sa akin ni Frits.

Minsan talaga napapaisip ako kung lalaki o baklush ba itong si Frits.

"Wala." Maikli kong sagot sa kanya.

"Iihhhhh!! Sino bang may one whole diyan?!" Sigaw niya at pumunta sa ibang direksyon.

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa si France.

"Hey France! May assignment ka na?" Tanong ko sa kanya.

Napatigil naman bigla si ate gurl at mukhang napaisip ng malalim.

"May assignment pala? Asan dun? Yun bang binigay ni Ma'am sa atin kahapon?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang tugon sa kanya.

"Yup. Tapos ko na kaso hindi ako sure sa mga sagot ko eh." Sabi niya.

"That's okay. Same tayo. Actually, hindi ko nga gets yung diniscuss natin kahapon eh. Ikaw? Gets mo ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman yung gaga kaya natawa ako. Natawa din siya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang singit ni Kim sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni France at humalakhak.

"Wala. Inaano lang namin si Mark. Diba Mark?!" Sabi ko at tinawag si Mark.

Tinignan naman kami ni Bakla. Yung mukha niya, mukhang nalilito na ano.  Binigyan ko siya ng Sumagot-ka-look.

"Ha? Ah Oo!" Dinig kong sabi niya kaya natawa ako.

Anyways, highway, railway, subway, Gutom na ako!!

Hindi pa nga nagsisimula ang klase gutom na ako.

Tinignan ko kung ano ang ginagawa ni France kasi plano ko kasing isama siya sa cafeteria eh. Wala lang, gusto ko lang magpasama bakit ba?

Nakita ko siyang nakasubsub sa arm chair niya. Ay gaga, tulog na naman to.

"France!! Nandito crush mo!!" Sigaw ko sa kanya.

Agad agad naman siyang gumising at tumitingin tingin sa paligid.

Hindi ko talaga mapigilan kaya humalakhak na ako. Eh kasi naman, crush niya lang pala yung makakapag gising sa kanya. Nako nako nako, kung  alam ko lang kung sinong crush yan siguro tinali ko na yun at hihilahin ko dito.

"Samahan mo ko sa cafeteria please?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Nagpapacute pa ako ha!

"Gutom ka na naman ba?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Ewan ko sayo Dion. Saan mo ba nilalagay mga pagkain mo ha?" Tanong niya sa akin at dahang dahang tumayo kaya tumayo na din ako.

"Sa tiyan malamang." Sagot ko at nagpunta sa pintuan namin.

"Saan kayo pupunta?!" Dinig kong tanong ni Kaith.

Nilingon ko naman siya at kinindatan, "Secret." Sabi ko at tumawa.

"Ew kadirdir." Dinig ko namang sambit ni Kaith.

Lumabas na ako sa classroom namin.

"Ey France, sinong crush mo?" Tanong ko sa kanya.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now