Loving You 9

14 0 0
                                    

France Chesca's POV

O to the M to the G!!!!

Sabihin niyo nga sa'kin na hindi to panaginip lahat kasi ayaw na ayaw ko ng gumising shutang ina mga sist!!!

Naglalakad kami ngayon ni Ven. Ven na nga lang tawag ko sa kanya masyadong mataas yung Vencent nakakasayang ng laway. Anyways, naglalakad kami papuntang school ngayon.

Oha oha! hindi kayo makakarelate ano? Hindi kasi kayo magkapitbahay ng crush niyo, so sad.

Pasimple ko siyang tinitignan habang naglalakad kami at ngingiti ako hihi. Para na nga akong aso dito eh ewan ko ba. Pero ang sarap pala sa feeling yung makakasabay mo sa pagpasok si crush ano? Yun bang gustong gusto mong pigilan ang oras?

Hindi ko naman namalayan na nandito na pala kami sa school kaya medyo lumungkot ako kasi hindi ko na naman siya makikita ng ilang oras.

Hays, sana nga pala hindi ako nagstop ng grade 1. Same batch sana kami ngayon.

Totoo nga yung sinasabi nila, nasa huli talaga ang pagsisisi.

"Oh? Ba't parang malungkot ka diyan France?" Tanong niya sa akin.

Lumingon naman ako sa kanya.

Shutang ina, kahit saang anggulo mo tignan ang gwapo mo talaga nakakalaglag panty ka dong!

"Wala lang naiisip ko lang kasi kung gaano kahirap ang mawala ka sa buhay ko,"tugon ko. Nakita ko namang lumaki yung mga mata niya kaya dali dali kong binawi yung sinabi ko, "Syempre joke lang." Dagdag ko pa.

Ewan ko ba kung totoo ba yung nakita ko pero may pagkadismaya yung nakita ko na emosyon sa mata niya. Ewan ko lang ha pero hindi ako Ophthalmologist para malaman yun. Lalong lalo na hindi ako assumera para umasa.

"Oh? ba't parang nagulat ka?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at umiling.

Bilib na talaga ako sa sarili ko! Nako! Kung hindi lang sana tayo magkasama ngayon edi sana nagsisigaw na ako sa kilig dito. Pero kasama naman kita ngayon dapat behave muna ako. Mamaya ko na ipapakita pagkademonyo ko sa classroom.

Doon ako maghahasik ng lagim.

"France, gusto mo bang ihatid kita sa room niyo?" Bigla bigla niyang tanong.

Nagulat ako. Dahil sa gulat ko muntik na akong masubsob sa lupa at makakain nun pero mabuti nalang at nasalo niya ako at ngayon ay nagyayakapan na naman kami sa corridor.

Shutang ina! Kalandian 101: Pagulat gulat lang, kailangan madapa para may makapa!

"Oh my gosh its a Porn!" Nakarinig ako ng isang tili ng isang tuko kaya dali dali ko siyang tinulak. Umiwas kaagad ako ng tingin at siya din.

Mabuti nalang maaga pa ngayon kundi magiging issue at sikat na topic talaga ako nito sa school.

Tinignan ko kung sino yung tumili at nakita ko ang kaibigan kong si Kaith. Tong baklang to kala mo naman kung anong masama sa pagyayakapan. Mabuti na nga lang yakap lang yung sa'kin, hindi laplap.

"Uh, Ven 'wag mo nalang ako ihatid. Salamat nalang." Sabi ko sa kanga at ngumiti. Nginitian niya naman ako at nagwave.

Dali dali kong pinuntahan yung bakla at agad agad na sinambunutan.

"Ikawng bakla ka! Panira ka ng moment! Gusto mo bang manood ng live ha?! HA?! Panira ka ng moment eh! Pasalamat ka nga hindi laplapan ginawa namin dun kundi nako!! Kabahan kana kasi paniguradong matatalo kita doon!!" Gigil kong sabi sa kanya.

Ang epal epal eh ipaparape talaga kita kay Mark tignan mo lang ipapakain kita sa pineapple grrr!! Gigil mo ko!!

"Aray naman France!! Aray mesheket! Wag yung buhok koooo!! Alam mo bang ilang oras akong nag ayos dito para mapansin ako ni John my dear?! Ha?!" Gigil niya ring tugon sa akin.

Hindi ko siya tinigilan at patuloy pa rin ako sa pagsapak sa kanya.

"Alam mo din bang ilang taon ko na yun hinihintay mangyari ha?! Ngayon na may part 2 na kami, naninira ka pa!! At kailan ka pa naging arabo ha?! May pa dear dear ka pang nalalaman!! Akala mo naman dear ka din niya pero hindi!!! HINDIII!!!" Padalos dalos kong sabi sa kanya.

Hingal na hingal akong tumigil at tinignan siya. Gulo gulo na yung buhok niya tas yung kaunti niyang lipstick ay nasa may pisngi na niya. Para ko nga siyang nirape eh.

Sa mga gustong sumira sa moment namin ni Lalabs ko, maghanda na kayong matikman ang lagim ko.

"France naman eh!! Hindi ko sinadyang makita yun ano ka ba!! At saka kasalanan ko bang nasa corridor kayo naglalandian? Ha? Kahit sinong tao France mapapasigaw nalang kasi magaakala silang maglalive action kayo doon." Sabi niya sa akin. Inayos niya naman ang buhok niya at kumuha siya ng compact mirror at tinignan ang sarili niya.

"Ay!!! May nakita akong halimaw sa mirror," Sabi niya. Naparoll eyes ako sa sinabi niya. Tanga sino bang nasa salamin? edi sarili niya, "Ay ako pala to. Gash! ang hagard ko na tignan France oh!! Look!!"

"Whatever, Kaith. Punta na akong classroom ako duty ngayon." Pagpaalam ko sa kanya. Hindi niya naman ako pinansin at nagpapatuloy sa paghehestirikal.

Nakarating na ako sa classroom namin at nadatnan ang isa naming lalaking kaklase na si Marko.

To be honest, may nangyaring hindi maganda sa pagitan namin kaya ayaw na ayaw ko siyang pansinin. Tsh.

Nagsimula na akong maglinis. Nagwalis ako sa mga sulok at sa iba pang lugar sa loob ng classroom hanggang sa nakaabot ako sa place niya. Pero imbis na tumayo siya, hindi siya kumibo.

"Alis." Cold kong sabi sa kanya. Hindi siya nakinig at nagpatuloy pa din kakatitig sa akin.

Hindi ko nga inexpect na magiging kaklase ko ulit siya ngayon. Nagtransfer kasi siya noon eh wala nga tong paalam sa amin bigla bigla nalang nawawala and I'm very much don't give a damn about it.

Hindi na talaga kinaya ng pasensya ko at sinipa ko yung table niya. Masyadong malakas yung pagkasipa ko kaya siguro natamaan siya sa tiyan niya. Bigla naman itong tumayo at lumabas.

Buti nga sa kanya. Matuloyan ka sana.

Di kalaunan nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Pumunta sa direksyon ko si Erica na may nakakalokang ngiti sa labi niya.

"Uy France, ano tong nabalitaan namin ha?" Mapang asar niyang tanong sa akin.

Kumunot naman ang nuo ko dahil sa tanong niya.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko uli sa kanya. Nagtaas baba naman ang dalawa niyang kilay na para bang nanunukso.

"May kasabay ka raw pumasok kanina tas nagyakapan pa raw kayo sa corridor? Uyyyy sino yun ha?" Asar niya sa akin. Bigla nalang lumaki ang mata ko at nilingon siya.

"Sino nagsabi sa'yo niyan?" Tanong sa kanya.

"Si Kaith." Sagot niya sa akin. Dali dali naman akong tumayo.

Patay ka sakin, bakla ka.

"KAAAIIIITTTHHHHH!!!" Sigaw ko sa bakla. Nakita ko kung paano lumaki ang malako na niyang mata at dali daling tumayo para tumakbo.

Tumakbo siya papalabas ng classroom kaya sinundan ko siya.

Grr, may lahi nga sigurong kabayo tong baklang to ang hirap habulin.

Nakita ko siyang lumiko sa isang room kaya sinundan ko ito. Hindi ko naman lubos maisip kung saang room ako napadpad ng makita ko ang the love of my life na nagtatakang nakatingin sa akin.

Oh my lupa kainin mo na ako at ipatira sa bikini bottom.

"France? What are you doing here?" Tanong niya sakin.

Jusko diosdados naway sumakabilang buhay na ang kaluluwa ni Kaith.

Shutang ina!!! Nakakahiyang araw nato!!!

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now