Loving You 10

7 0 0
                                    

Kaith's POV

Kapagod tumakbo hay! Ano ba naman kasi tong si France, bigla bigla nalang nanghahabol hindi ko naman inaano. Tinanong lang naman nina Erica kung anong nabilitaan nila na si France may kayakapan so ayun sinabi ko kung ano yung nakita ko.

Mabuti nalang at nakapagtago ako dito sa ilalim ng Desk ng teacher ng Grade 10 - S. Nandito din si France pero nasa may pintuan lang siya. Makapal po mukha ko kaya ako nakatago dito.

"France? What are you doing here?" Dinig kong tanong nung isa sa mga Grade 10. Sa pagkakaalam ko, itong boses nato, ito yung kayakap ni France kanina.

"May hinahanap na baklang kabayo. Nakita mo ba siya?" Tanong niya naman dito. Megedness, kung sasabihin niya kung nasaan ako, siguradong katapusan ko na. Sadista pa naman yang si France. At ano raw? Baklang kabayo? Nahiya naman ako sa kanya, Baboy ramo.

"Ahh, wala eh pasensya ka na ah. Tignan mo nalang sa ibang classroom baka nandoon yun." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Salamat ng marami, jusko hindi ko alam kung saan kaya ako pupulutin pagnahanap niya ako.

"Talaga lang ba?" Dinig kong boses sa likod ko kaya dahan dahan akong lumingon at nakita ang pagmumukha ni France na ngayon ay nakangisi ng nakakakilabot.

I'm doomed!

Tinignan ko naman yung lalaking kausap niya at nakita kong nagkibit balikat lang ito.

Traydor!

Kumiripas ako ng takbo at nagtungo sa rooftop. Hingal na hingal na nga ako dito eh. Tumingin naman ako sa likod ko para tignan kung nakahabol ba si France and to my luck, hindi siya nakahabol. Kapatid yata ako ni Vice Ganda, ang bilis ko tumakbo.

Lalakad na sana ako para magpatuloy na magtago ng may marinig akong ungol mula sa isang kwarto.

Lumaki ang malaki kong mata na ala tarsier. O M to the G!!! may nag aano dito sa rooftop!! Jusko day!!!

"HULI KANG BAKLA KAAA ANONG GINAGAWA MO DIYAN?!" Dinig na dinig ko ang sigaw ni France kaya napatalon ako sa gulat.

"AY BABOY RAMONG SI FRANCE!" Gulat kong sabi. Kunting push nalang talaga't ilelechon ko na to si France. Jusmee. Hindi naman mataba si France ang sexy nga niya eh at kutis mayaman. Alam niyo yun? Pati kasi condo niya pamayaman.

"Anong baboy ramo?! Look at this fabulous curves, bayoot. Jusme, you called this baboy? I didn't even know na baboy this days are so sexy, fabulous and beautiful." Mayabang niyang sabi. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. I rolled my eyes.

"Nga pala, anong ginagawa mo dito? Ba't ka napadpad dito sa rooftop?" Tanong niya sa akin. Seariously? Itatanong mo pa yan France? Ain't the answer obvious already? Jusko day!

"Nagmamarathon siguro France at masaksihan ang kababalaghan sa rooftop, lam mo yun?" Sarkastik king tugon sa kaniya. Napatampal naman siya sa noo niya at nag roll eyes.

"Umayos ka nga Kaith." Sabi niya sa akin. Aba! maayos naman ako dito ah? Siya lang ang hindi maayos, che!

"Whatever, France. Oh? di mo ba ako bubugbugin?" Tanong ko sa kaniya. Delikado na baka ma ambush ako neto. Mabuti na yung ready diba?

"Ahhhhhh" Bigla kaming nagkatinginan ni France at nanlaki ang mga mata naming malalaki. De joke, sa'kin lang yung malaki kay France hindi. Singkit kasi tong babaitang ito eh. Parang may dugong chinese japanese korean? Jelly jelly ace gold fish?

"N-narinig mo yun?" Kinakabahan niyang tanong. Napalunok naman ako sa sinabi niya.

"O-oo i-ikaw?" Tanong ko naman sa kanya. Napalunok din ang gaga at dahang dahang tumango.

"OOOHHH!!" Palakas ng palakas ang pag ungol sa loob ng pintuan sa harap namin kaya nagkatinginan kami ni France at tumango.

Parehas kami ng iniisip, 'SIPAIN AT TIGNAN KUNG MAY NAGAANO BA SA LOOB. OPLAN:TOKHANG!'

"I'll count on three. Ready? one... two... THREE!!" Pagkasabi na pagkasabi niyang three sinipa namin ang pintuan at nagulat kami sa nakita namin.

JUSMEYO MARIMAR!

Si kuyang janitor lang naman ng school namin may pinapanuod. Alam niyo na? 18+ Rated SPG? Ganurn.

Gulat naman na napatingin si kuyang janitor sa amin. Pati nga kami nagulat eh jusme lang.

"A-anong ginagawa niyo rito?!" Tanong sa amin ni kuyang janitor at dali daling in-off ang cellphone niya. Sus manoy, wag ka nalang mahiya jusme.

"A-ah? Ahh!!! Ano kasi manong eh may narinig kami na nanghihingi ng tulong? Akala namin may tumatawag ng tulong dito sa room na ito. Baka kinidnap ganurn manong, lam mo naman po hehe people this days are so ajujuness? We're sorry po. We'll pay for the expenses." Palusot ni France.

Wait...

What?! Kami ang magbabayad sa sirang pintuan na yan?! Nahihibang na ba to si France? Hindi niya ba alam magkano ang mga pintuan dito sa school na to?! Jusme naman  Ni piso nga wala ako eh paano nalang kaya yung 16,000 pambayad sa sirang pintuan?

Pinanlakihan ko ng mata si France at ang bruha nag 'Shh' sign lang sa akin.

"But promise us kuya that you'll not tell anyone about this na kami ang nakadamage sa pintuang ito. Please lang po mapapatay ako ng mga magulang ko nito." Pagmamakaawa ni France kay manong.

Mapapatay? Bakit naman?

Alam niyo? Gustong gusto kong tanungin si France tungkol sa mga magulang niya kaso nahihiya akong i-open up eh. Alam niyo naman, hindi pa kami masyadong magkakakilala, ilang weeks pa lamang siya dito sa school namin pero I can really feel this strong bond between us.

"Sige sige, basta't kayo ang babayad sa nasira niyong pintuan ah?" Sabi ni manong sa amin. Tumango naman ako bilang tugon at ganun din si France.

"Salamat po Manong! Makakaasa ho kayo!" Masiglang sabi ni France kay Manong.

Did anybody already described how France looked like? I mean how her appearance looked like? Well, kung hindi pa, let me do it.

Hmmm, I can say na maganda siya, makinis, maputi, chinita, matangos ang ilong, mataas ang buhok at black na black, maninipis na mga labi at pinkish pa ito mga besh ha? at nakaglasses siya. Oo, nakaglasses siya, near-sighted kasi ang babaita kaya ganun.

Pero kahit naman ganun siya, maganda pa rin naman. Like suited sa kanya mag eye glasses. Pero pag tinanggal niya yan, kabog kayong lahat sa beauty niya! Jusko day!

"Oh? Let's go na bayot. Baka naghihintay na si Johnmark babes mo." sabi niya at minention pa talaga ang crush ko.

Yes, crush ko si Johnmark Manuelo. May problema ba kayo? Mali bang magmahal sa kaparehas ng gender? Dapat ba talaga na lalaki't babae ang pwedeng magmahalan?

Jusme naman people. It's 2019 already wake up! de charut, tulog kayo ulet.

Pero seriously talking, curious ako sa family ni France. Hindi niya pa kasi minention yung families niya sa amin eh. Kaya napag desisyonan kong magtanong.

"France, uhhhmmm." Hindi ko alam kung paano sisimulain ang pagtanong.

"What? Spill it out." Utos niya sa akin. I inhaled and exhaled.

"What is your family like? Where are they? Why are you living alone?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

Napatigil naman siya at natahimik.

"Well, may family disregarded me." Simply niyang sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.

I don't know what to feel. Like ang casual niya lang sagutin yung tanong na yon!

Pag ako yun, siguro hindi ko na kakayanin. Hindi ko na kakayanin ang mawala si Johnmark sa buhay ko eyyiiiieee. Okay ang landi ko na.

Pumasok na kaming dalawa ni France sa classroom at umupo na sa aming upuan. Sumubsob ako sa armchair ko para matulog.

Ikaw ba naman ang habulin ng isang baboy ramo na sexy, hindi ka ba papagodin?

Hindi kalaunan ay nakatulog na nga ako.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now