Loving You 4

20 0 0
                                    

Mark Clarence's POV

Hello mga kapwa ko bakla. Siguro alam niyo naman kung sino ako diba? Ako lang naman pinakamagandang kabayo sa balat nang lupa. Oha! oha! Anong mase-say niyo sa akin? Diba waley?

"Hoy bakla! tama na yang pag-iimagine mo kay Claude mo." Narinig ko ang tawag ni Dion sa akin.

Naparoll eyes ako dahil nakakasira siya nang moment ko.

"Hindi si Fafa Claude ang iniisip ko no!" Depyensa ko sa sarili ko.

"Ikwento mo sa clouds, Mark. Siguro hindi lang si Claude ang iniisip mo eh. Baka madami pa. Nako nako nako, isa kang napakadelikadong nilalang Mark Clarence." Sabi ni Mhel.

Hindi ko nalang sila pinansin at nanuod nalang ng TV. Nasa bahay nga pala kami ni France. Ang bongga nang lola niyo ha. Ang yaman. Well, hindi daw to bahay niya, condo niya daw to sabi niya. Ewan ko kung anong full story pero yun yung sabi niya.

Tinignan ko kung ano ang ginagawa nilang lahat and as expected yung usual na ginagawa nila. Si Mhel nagbabasa na naman ng story sa wattpad. Si Kim naman ayun todo cheer sa mga oppa niya na mga asawa niya kuno. Si Brianne naman hayun kasama ang Vice president nang classroom namin si Kaith. Bakla po rin si Kaith mas malandi pa nga yan keysa sa'kin eh. Si BJ at si Kelvin naman naglalaro ng Mobile Legends. Ewan ko rin ba kung bakit ang adik adik nila diyan. Ang balita ko rin alam rin ni France kung pano yan laruin eh. Si Erica naman nakatuon sa cellphone niya at halatang may kachat.

Pumunta ako sa tabi ni Dion na busy kakain.

"Oh? What's your kailangan?" Conyo niyang tanong sa'kin.

Napahawak ako sa dibdib ko sabay nganga. Lumapit lang ako sa kanya para umupo wala akong kailangan.

"Yung betlogs ni Fafa Claude gusto ko. Bakit kukunin mo?" Sagot ko sa kanya. Gulat naman siyang napatingin sa'kin.

"Gusto mo samahin ko pa nang hotdog niya eh." Sabi niya sa'kin. Nagkatinginan kaming dalawa at natawa.

"Telege be Dien? Gesteng geste ke ehehe." Malandi kong sabi sa kanya.

Iniimagine ko pa lang ang hotdog na yun naglalaway na ako. Siguro naman hindi maliit yung ano niya. Alam niyo yun? Yung ano niya.

"Nakakadiri ka, Mark." Nandidiring sabi niya sa akin. Hindi nalang alo umimik at kinuha ang fries sa harap ko.

Habang kumakain napaisip ako kung nasan yung may-ari nang bahay nato at bakit hindi ko siya nakikita.

"Pst. Baboy." Tawag ko kay Dion. Inis niya naman akong tinignan kaya nagpeace sign ako.

"Ano?!" Inis niyang sabi.

"Nasan si France?" Tanong ko sa kanya. Natahimik naman siya nang ilang minuto at sandaling napatulala sa lamesa.

Lumingon lingon siya na tila may hinahanap. "Ewan. Nakita mo ba?" Tanong niya pabalik sa'kin.

"Oh meh gesh. Kaya nga kita tinatanong diyan eh kasi baka alam mo pero ba't mo ko tinanong pabalik?" Tanong ko sa kanya. Napatulala na naman siya again at binigyan ako nang question mark look.

"Bakit nga ba?" Napahilamos naman ako sa mukha ko dahil sa kanya.

"Hoy mga pokpok! Alam niyo ba kung nasan yung may-ari nang bahay nato?" Tanong ko sa kanila.

"Ewaners." Sagot ni Erica na patuloy chat sa phone niya

"Nope." Sagot rin ni Mhel na nagpatuloy din sa pagbabasa.

"Tanginugh, back! pota. Wala, hindi namin siya nakita." Sagot naman ni Kelvin habang naglalaro.

Seriously? Nasan na ba kasi yung babaeng yun?

"Nakita ko siyang lumabas kanina. Nagpaalam pa nga siya eh. Di niyo ba narinig?" Sabi ni Dion sa amin.

Isa isa kaming umiling bilang sagot. Eh? Ba't di ko napansin o di kaya narinig siya na nagpaalam sa amin? Oh well, baka busy ako kakatingin sa mga fafables sa labas kaya siguro di ko narinig.

***

France Chesca's POV

Iniwan ko muna yung mga bago kong kaibigan sa condo ko para bumili nang maluluto mamaya. Oo, mag oovernight raw sila sa bahay ko. Di nga ma sink in sa utak ko nung sinabi nila sa'kin yan eh.

Nasa grocery store ako ngayon namimili nang bibilhin.

Sunod kong tinignan ang pile of instant noodles. Hinanap ko yung samyang na super hot? Like na like ko kasi yung mga spicy foods eh kasi hot ako. Wala sa first stack kaya tinignan ko sa second stack, wala rin. Napatingin naman ako sa third stack, wala rin. Tas yung pinakamataas na stack naman.

Amputcha, nasa taas ka lang pala. Tinry kong abutin yung noodles kaso mukhang hindi ko abot eh. Hindi ba naman kasi ako pinagpala nang height ni Papa God. Sadyang Voluptuous body lang at magandang mukha lang ang binigay niya sa'kin.

Ampucha, kahit anong talon ko para makuha yun wala epek pa rin. Pinagpapawisan na ako dito oh. Tatalon na sana ulit ako kaso may kamay na humawak sa balikat ko at inabot yung noodles para sa'kin.

Napansin kong hindi nakatali nang maayos ang sintas nang sapatos ko kaya inayos ko muna to bago ko tignan yung lalaking tumulong sa'kin.

Parang nagslowmo yung paligid ko. Ampucha, sa dinami dami pang tao siya pa. Kuya, crush kita noon pa ano ba. Gusto kong sabihin yan sa kanya kaso hindi ko kaya eh.

Nakatulala pa rin ako sa kanya nang bigla niya akong niyugyog sa balikat ko.

"Miss!" Tawag niya sa'kin.

"A-ah?" Takang tanong ko.

"Ito oh. Nakita kasi kitang nahihirapang kunin ito kaya naisipan kong tulongan ka kaya heto." Sabi niya sabay abot nung samyang na hawak hawak niya.

"I love you." Biglang sambit ko kaya nagulat siya.

"A-ay este Thank you pala hehe. U-una na ako kuya ah! Nice meeting you." Sabi ko at kumiripas nang takbo.

Bigla kong naalala yung ibang pinamili ko kaya bumalik ako.

"Hehe nakalimutan ko hehe. Sige babye." Sabi ko sa kanya tapos hinatak yung push cart papuntang soft drinks section.

Hindi ko na talaga kaya at nagsisigaw tapos tumatalon na ako sa kilig dito. Pinagtitinginan na nga ako eh pero walampake ang ate niyo. Nakakakilig lang talaga eh.

"Iiihhhhhhh!!!!!" I shriek loudly kaya natakot ang bata sa tabi ko.

"Mommmyyyyy!!!" Sigaw nung bata at tumakbo.

Natakot ko yata. Pero bahala na. Best day ever ko to!

Hinding hindi ko lulutuin ang Samyang nato kasi bigay niya sa'kin.

Kahit na mabulok kang Samyang ka, hinding hindi kita itatapon hihi.

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now