Loving You 11

3 0 0
                                    

France Chesca's POV

August ngayon mga baby at ang meaning sa August ngayong school year ay Intramurals! Yes! Intramurals na ngayon kaya todo work work work ang mga ate't kuya niyo ngayon oha oha!

Mga hardworking students kami kaya gayahin niyo kami!

"Guys martilyo nga please!"

"Oh heto! Catch!"

"Putspa ka! ba't mo binato ha?!"

"Ang layo mo eh alangan naman paliparin ko gago lang?"

"Pag ako nakalapit diyan Mark basag yang betlogs mo!"

"Catch me baby! Mwah!"

Opo, yes po mga kaklase ko po talaga yan. Hiyang hiya nga po ako sa kanila eh. Ako lang kasi yung matino dito. Samantala ang iba naman ay kung hindi sumobra sa pagiisip, kumulang naman.

Halimbawa, "Brianne!! Anong tawag sa babaeng manok?!" Tanong ni Reexe sa President namin.

"Ano?!" Tanong niya naman habang naggagawa ng isang bagay na kami lang ang nakakaalam.

"Edi, Sheken HAHAHAHAHAHA!"

"HA HA HA, okay." Walang emosyon naman na sabi ng aking mga kaklase.

"Guys guys!" Tawag ko sa kanila.

Lumingon naman sila sa'kin kaya ngumisi ako bago magsalita, "Ano ang pinakalapit na bansa sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanila habang nakangisi pa din.

"Oh ano?" Tanong naman ni Reexe.

"Edi China Bank! HAHAHAHAHA" Sabi ko at tumawa sa sarili kong joke.

Di na nila ako pinansin na namamatay na sa kakatawa sa sarili kong joke. Bakit ba? Self-support ako kaya wag kayo. Bakit ba kasi di sila natawa? Nakakatawa kaya yun.

Di ko nalang sila pinansin at nagsimula nang nagtrabaho. Nakaassign akong icalligraphy ang sulat para sa booth namin kaya kumuha muna ako ng papel at plinano kung ano dapat isulat ko dun.

Di nila ako sinabihan kung ano dapat isulat ko eh kaya ako na ang magiisip.

Film booth kasi yung gagawin namin. Magfifilm showing kami dito tas nagbebenta din ng foods para extra kita na din. Ilalabas namin lahat ng chairs namin at papalitan ng foams and unan para comfy habang nanunuod ng film.

"Hoy mga shibalers, anong isusulat ko dito?" Tanong ko sa mga kaklase kong anaka sa mga trabaho nila.

Nagtanong nalang ako kasi wala na akong maisip na ilagay. Gagi, di pa naman ako matino pag nagiisip ng pangalan. Baka ipangalan ko dito 'b4By gHuRl$ f1Lm b0OtH' taena nalang baka masapak pa ako ng adviser namin. Ayoko masapak.

"Hoy, Brianne, ano daw ipapangalan natin sa booth."

"Ba't ako tinatanong niyo?"

"Ikaw President eh."

"Wala akong maisip. Kayo ba?"

"Hot and young boys and girls film booth"

"Gagu ka Nate! baka anohin tayo ni Maam Rivera niyan!

"Bakit? Ano ba iniisip mo sa Hot and Young ha? Ikaw Eman ha! Iba na iniisip mo"

"Ha?"

"Hatdog mo hilaw."

"Taena niyo! Pag walang sasagot, yung pangalan na binigay ni Nate ilalagay ko taena niyo!" Medyong inis kong sabi sa kanila.

May lumapit naman sa'kin na kaklase ko na si Emma at tinanong niya ko, "You okay France-chi?"

"Yes, Emma-chi, am fine. I just can't think of a name right now." sagot ko sa kanya habang himas himas ang nuo ko.

"Emma-chi, what's a nice name ba? to name our booth?" Tanong ko sa kanya.

She put her hand on her chin at nag aktong nagiisip pa kaya ako din ginaya ko siya.

"How about uhhhmmm..."

"Uhhhhmmmmm?"

"Wait. Uhhhmmmmm..."

"Nagdadasal kayo? Nung ginagawa niyo? Muntanga kayo promise. Ganto hitsura niyo oh tas may uhhhmmm pa kayo." Singit naman ni Keyzi tas ginaya kami kaya natawa ako sa kanya.

"Nagiisip kami name ng Booth natin para ma icalligraphy ko na. Eh kaso wala akong maisip na name kaya tinutulongan ako ni Emma mag isip eh wala rin maisip yung gaga kaya nganga kami." Paliwanag ko sa kanya.

"Cuddley Cinema nalang kaya tutal medyo fit for cuddling naman yung booth natin kasi instead of chairs we use pillows and foams." Sabi ni Keyzi.

"Oh, I agree! it sounds cute too!" Pagsang-ayon ni Emma sa kanya.

Bigla namang nagliwanag mukha ko sa sinabi Keyzi.

I took her hand and held it while looking at her and said, "OWEMJI THANK YOU ZIZI," I paused and look at Emma and also thanked her, "AND EMMA-CHI!"

"Eww, let go of my hands and start doing your work." Sabi naman ni Zizi at pilit na binabawi kamay niya sakin.

I chuckled.

Kahit kailan talaga maarte ang babaeng yun pero mabait naman may pagka attitude nga lang.

After I've got the name, pumunta muna ako sa banda kung saan nila ginagawa yung poster ng booth namin. Drinawing lang yun ng dalawang kaklase namin na magagaling sa drawing at magkapatid pa.

"Ate Eli and Fel, I already got a name for our booth. Just send the Poster to me once your finish ah? I'll work on the calligraphy. I'll just go and grab some food sa canteen." Sabi ko sa kanila.

"Yeah, sure!"

"Okey dokey!"

"Oh by the way, want me to grab you some snacks? I know both of you are hungry so let me do the honor," agad naman silang ngumiti at kanya kanyang sabi ng gusto nila.

So I went out to grab some snacks na kasi gutom na ako at medyo gusto ko lumabas ng classroom. Ewan, may gusto siguro akong makita hihi.

Di naman kalayuan yung room ng crush ko tas madadaanan ko din yun papuntang canteen kaya medyo sumilip ako dun para tignan kung ano ginagawa niya.

Kunting silip lang ako tas boom!

Kita ko na siya tas wala pala siya ginagawa pero kita ko naman yung mga pawis na nagtatagaktakan mula sa nuo niya kaya I assume na break nila o nagpapahinga lang.

Shems! ang pogi talaga kahit pinagpapawisan na!

I saw him getting something from his bag and I saw a towel and he gently pats it all over his face dahil pawis na pawis siya.

Nakita kong may sinabi yung kaklase niya kaya medyo natawa siya.

Kalerki! Ang sarap niya tignan pag tumawa. Parang anytime tatalon mula sa ribs ko ang puso kong tumitibok ng walang iba kundi siya lang. Char!

Pero di nga, pano ba maging towel?

Parang gusto ko na ata maging towel.

Di na silip ginagawa ko ngayon nagmamasid na ako taena. Pag ako nahagip dito, wala na, tatalon na ako mula sa rooftop hanggang langit.

"Hoy gaga ka, anong ginagawa mo diyan?" Napatalon ako sa gulat ng mag biglang sumundot sa gilid ko ay bumulong.

"Gaga lang? ha? Mika?" Kaibigan ko 'to na kaklase ni Vencint na may gusto din sa isang kaklase ko.

May gusto siya sa kaklase ko, ako naman gusto yung kaklase niya. Kaya chikahan kami kung anong pinaggagawang kagagohan ng mga crushie namin.

"Wala ah! papunta lang akong canteen para bumili ng snacks." Pagdadahilan ko.

Totoo naman! papunta nga akong canteen para bibiling snacks pero medyo motibo ko din yyng sisilip hehe.

"Bilisan mo bumili may chika ako sayo about sa crushie mo."

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Apr 15 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Silently Loving YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя