Loving You 3

21 1 0
                                    

France Chesca's POV

Hindi pa rin ako nakakamove on doon sa nakita ko. Kaya pala hindi siya nagparamdam sa'kin for over 2 years kasi may iba na naman pala siya. Well, para namang may kami nuon. Assumera mo France.

"Kanina pa ba kayo diyan, Dion?" Lumingon ako para tignan kung sino yung nagtanong at mga bes nganga na naman ang lola niyo. Ba't andaming magaganda't gwapo rito? OP na OP ako dito.

"Uh, duh? Oo, ang tagal niyo mga bruha gutom na gutom na mga baby dragons ko." Maarteng sabi naman ni Dion.

"Bagay nga na pangalanan mong baby dragons yang nasa tiyan mo kasi mukha ka rin namang dragon." Sagot naman nung lalaking badboy ang dating. Hmm, gwapo naman siya pero walang makakatalo sa the one and only ko.

"Sapak gusto mo, Kelvin?" Maangas na tanong ni Dion sa lalaking nagngangalang Kelvin. Ahh, siya pala si Kelvin. Ang cute nilang tignan. Ano kaya tawagan nila pag naging sila?

Baby dragon, Mama dragon at Papa dragon! Ang cute lang. Natawa ako sa mga kagagahan sa isip ko kaya napalingon sila sa'kin.

"Dion, mind introducing who she is?" Tanong nung babaeng sobrang ganda. As in, ang ganda niya talaga. Well, lahat naman siguro para sa'kin magaganda't gwapo.

"Oh, she's the new student. France Chesca Alvarade. Classmate natin siya ba't di niyo alam?" Nagtatakang tanong ni Dion sa kanila. Oo nga, classmate nila ako pero di nila ako kilala? Anong kagagohan yun?

"Uhh, tulog ako." Sagot ni Kelvin.

"Ako din." Sagot naman nung lalaking kamukha ni Kelvin. I guess he's Bahron ang kapatid ni Kelvin. The temperature brothers na nga lang ang tawag ko sa kanila.

"Hi, I'm Brianne West nga pala class president niyo." Sabi naman nung girl na sobrang ganda. Hindi siya gaanong maputi hindi din gaanong maitim. Sakto lang. Ang ganda ng kilay niya mga bes naturally arch yung kilay niya tapos yung lips niya naman ang nipis. Ang tangos din nang ilong niya.

"And I'm Erica Faith Gomez." Pakilala nung mataas na babae. Morena siya tapos sobrang round ng mga mata niya. Matangos din ang ilong niya at may ala kendall na lips. Bagay na bagay sa mukha niya. Ugh, lord nung umulan ba ng kagandahan pinatulog niyo po ba ako?

"Uh, guys? Pwede mamaya nalang yung mga introduction niyo? Gutom na gutom na talaga ako." Sabat naman ni Dion.

"Let's go to the cafeteria na guys. May gutom na baboy na kasi ang nagiingay eh kaya let's go?" Anyaya ni Erica sa amin kaya nagpunta na kami cafeteria.

***

Rain Vencent's POV

I thought namamalik mata lang ako but no. It is her. Yung babaeng sa dati kong school nuon. Nandito na siya sa school namin. Ugh, di ko gustong mag assume ha, para kasing sinusundan niya ako dito eh.

"Babe, anong tinitignan mo?" Tanong sa'kin ng girlfriend ko na si Liza. She's in the same class with me kaya ayun nahulog agad ang loob ko sa kanya.

Ang ganda at ang bait niya. Para siyang anghel na hinulog para sa'kin.

"Nothing. Let's eat?" Sabi ko sa kanya at kumain na kami.

***

France Chesca's POV

Nakita ko sila. Ang saya nila habang kumakain. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko mapigilang masaktan. Hindi naman ako nagpunta para sa kanya dito eh. Nandito ako para mag aral. Ay, bahala na nga lang si batman.

"Okay ka lang ba France?" Tanong sa'kin ni Mark. Tumango naman ako bilang sagot. Pero parang hindi siya naniwala.

"Eh? alam ko kaya kung saan ka tumitingin kanina kaya don't me." Ang daldal din nang baklang to eh no?

"Okay nga lang ako eh. Ano ka ba?" Sabi ko sa kanya. Pero deep inside masakit na.

"Guys, matanong ko nga? Does Chocolate contains cholesterol?" Seryosong tanong ni Mark sa amin.

"Bobo!"

"Oh my gosh, bobo lang?"

"Ay boba!!"

"Paano ba nakaabot ng high school tong baklang to?!"

Iba't ibang reaksyon ang natanggap ni Mark sa mga kaibigan niya. Hindi ako nagreact no hindi pa kami ganun ka close baka kung ano na ang isipin nila pag ganun.

"Yan kasi, landi nang landi hindi mo nga alam kung cholesterol nga ba yung nasa chocolate." Sermon sa kanya ni Dion.

"Eh ikaw? Ilan na nga ba mga crush mo? Sampo ata? hindi ko na mabilang, Dion! May gash, so sink nga ba sa ating dalawa yung malandi?" Sagot naman ni Mark.

"Atleast nag-aaral nang mabuti di katulad sayo." Sagot naman ni Dion.

Ewan ko ba pero parang may sayad tong mga new friends ko.

"Boom basag betlogs mo Mark." Sabat naman ni Kelvin. Inirapan ni Mark si Kelvin kaya napatawa nalang ako.

"So ganun nalang? Daldalan na lang tayo dito? Walang kainan? Ganun?" Sabi naman ni Kim.

"Ay oo nga pala kakain tayo. Sino mag oorder?" Tanong ni Dion.

"Umorder na sina BJ at Brianne ayun oh ang sweet nila." Nguso ni Kaith sa kanila.

"To be honest, parang may something na akong napapansin sa dalawa na yan eh." Sabi naman nung babae na nasa tapat ko habang nagscoscroll sa tablet niya.

"Oh, she's Naina Mhelaiza Alfonso. You can call her Mhel nalang. Addict sa wattpad yan kaya wag ka nalang magtaka kung bigla yang iiyak, tatawa o magagalit." Sabi ni Dion sa akin. Tumango maman ako habang tinitignan si Mhel.

I can say na mukha siyang mayaman. Magamda siya. Morena, matangos ilong, at clear skin. Mataas at pitch black din ang buhok niya. And I can say na mataas to.

"Here's all of our order. So kainan na!!" Sabi ni Brianne habang nilalapag niya yung mga order niya sa table namin.

May carbonara, fries, pizza, waffles at mga shakes. Unang nilantakan ni Dion yung fries tas kumuha siya nang Cookies and cream na shake. Kay Kaith naman ay yung carbonara kasi on a diet raw siya. Kay Kelvin naman ay yung pizza at waffle, takaw eh no? Kay Erica, Mhel at Kim naman ay kagaya kay Dion. Ako nalang ang hindu pa nakakakuha nang pagkain.

"Oh, France? Ano pang hinihintay mo? Kumuha ka na nang pagkain at kumain na. Malapit na matapos ang break natin kaya bilisan mo." Sabi sa'kin ni BJ.

Kumuha na ako nang makakain at kumain na.

***

Dismissal na namin ngayon kaya napagisipan naming pumunta sa mall. Ang yayaman nang mga friends ko mga bes. Biruin niyo? naglakad lang kami papuntang mall. Yaman diba?

"Here we are!" Excited na sabi ni Kim sa amin.

"Uh, ano bang gagawin natin dito sa mall?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang lahat bago sumagot.

"Kakain"

"Shopping yie."

"Maglaro syempre."

"Maghuhunting ng mga fafables diba Mark?"

Iba't ibang sagot ang natanggap ko sa kanila. Bet ko yung kakain, maglaro, at magshopping pero yung maghanap ng fafables? Super bet ako diyan! joke lang po. Baka hindi na ako papansinin ni crush neto.

Pumasok na kami sa loob ng mall at napagdesisyonan na kakain muna kami. Ewan ko ba sa tuwing bubuka yung bunganga ni Dion palaging 'pagkain' o 'kakain' ang lalabas.

Habang naghihintay sa order namin, nahagip ng dalawang mata ko ang isang tao na masayang nakipagtawanan sa isang babae. Ouch! mesheket!

Nilayo ko nalang ang tingin ko sa kanila.

I don't have the rights to feel this pain 'cause in the first place hindi niya ako kilala at wala siyang alam sa nararamdaman ko.

Silently Loving Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن