Chapter 2

2.5K 67 2
                                    

Promise ate ha?" Bumitaw siya tsaka ngumiti. Kahit hindi ko siya tunay na kadugo, mahal na mahal ko parin siya.

"Mag aaral ka ba ngayong pasukan ate?" Tanong ni Rhian habang nagsusulat. K-1 na kasi siya ngayong pasukan, mayaman sila mama dahil matalinong business man si daddy. Si mama naman music teacher sa highschool kaya siya lang nagturo sa akin mula pa nang bata ako. Hindi ako pwedeng makihalubilo sa mga tao, kundi lahat sila'y magiging yelo.

"A-ahmmm. Anak, alam mo naman ang  sitwasyon ng ate mo eh. K-kaya ako nalang ang magiging teacher niya hanggang sa hindi pa siya nakakauwi sa kanila" sabi ni mama. Lumaki akong walang kalaro, walang kaibigan at hindi alam ang nangyayari sa kapaligiran. Hindi ko nga alam kung anong hitsura nang paligid. Yung sinasabi nilang mall, gusto kong puntahan. Yung park na sinasabi nila, anong meron doon? Yung school na sinasabi nila, anong meron doon?

"Ha? Uuwi kana ate? Iiwan mo na kami ni mama?" Malungkot niyang tanong. Hindi ako makasagot. Diko alam kung paano ipaliwanag sa kanya na magkaiba kami. Tao siya, halimaw ako. Hindi ako pwedeng tumanda dito, babalik ako sa mundo kung saan nararapat ang mga kagaya ko

"Kailangan niya kasing umuwi anak" sabi ni mama

"Eh bakit po? Diba dito naman bahay mo ate?"

"Hindi kasi malaya ang ate mo dito anak, gusto mo ba siyang makitang nahihirapan? Palagi siyang nakakadena anak" paliwanag ni mama

"Ate, huwag mo akong iiwan" agad akong niyakap ni Rhian

Kung pwede ko lang baguhin ang pagkatao ko, ginawa ko na. Kaso hindi, hindi ko kaya.

Lumipas ang maghapong dito lang ako sa kwarto ko, nakakulong. Inaantay na lang ang oras nang pagiging halimaw ko, tuwing alas sais ng hapon ay nagiging puti ang mata ko, kusang naglalabasan ang mga yelo sa kamay ko. Nagiging yelo lahat ng bagay na dumidikit sa katawan ko, lahat ng taong nakikita ko ay aking sinasaktan kaya't takot akong lumapit sa kapatid at mama ko. Pinakandado ko na din ng maayos ang pinto para diko mabuksan pag halimaw na ako.

Ramdam ko ang paglamig ng palad ko, kusang gumagalaw ang katawan at kamay ko. Hindi ko kayang pigilan, pilit kong pinipihit ang doorknob upang buksan at lumabas pero ang bilis nitong nabalutan ng yelo. Gusto ng katawan kong manakit ng tao, gusto ng katawan kong pumatay pero ang isip at puso ko, please! Kung sino ka man na kumokontrol sa katawan ko, mabuti pa'y patayin mo na lang ako. Ayoko nang ganito, hindi ako mamamatay tao.

Unti-unting naging yelo na din ang damit ko. Lahat nang mga bagay dito sa kwarto ko ay matutulis na yelo. Masakit at naninigas ang buong katawan ko. Lumapit ako sa bintana at pilit itong binuksan ng kamay ko ngunit napaka tigas ng bakal. Pinasadya ko ito upang maging ligtas ang mga tao sa paligid ko.

"Pakawalan niyo ko dito!!!" Kusang bumubuka ang bibig ko

"Papatayin ko kayong lahat!!" Patuloy ako sa pagwawala at paglabas ng yelo mula sa mga palad ko.

Sanay na ako, bata pa lang ako ay ganito na ako. Sa loob ng ilang taon ko dito sa mundo ng mga tao ay ni kahit anong aral ang gawin ko'y hindi ko kayang kontrolin ang sariling katawan ko.

"Aahhhhh!!!!" Mas lalong nagagalit ang katawan ko dahil hindi ako makalabas. Kating-kati ang kamay kong pumaslang nang tao. Please lang, huwag niyo nang hintayin ang kaarawan ko. Kunin niyo na ako!

Isang oras din ako sa pagiging halimaw, hanggang sa unti-unting nanghihina ang katawan ko. Natutunaw na din ang lahat ng yelong bumalot sa buong silid ko. Ang pino at parang gatas na yelong bumalot sa katawan ko ay naging tubig na kasama ng damit kong punit punit. Wala akong saplot na nakahiga dito sa sahig. Hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumayo ako at binalot ng kumot ang katawan ko. Kapag tulog ako, pumupunta si mama dito para dalhin ang kumot ko. Hindi kasi pwedeng magkaroon ng kama dito dahil mababasa lang din ng yelo kaya dito na lang ako sa sahig natutulog. Hindi din pwede sa akin ang mainit dahil nang hihina ako.

Pagkatapos kong takpan ang katawan ko ay binuksan ko ang pinto. Bukas na ito pagsapit ng umaga noong dipa ako nakakadena. Lumabas ako tsaka naligo sa ka kwarto ko. Dalawa ang kwarto ko, ang isa ay kwarto ko pag tao ako. Ang isa ay kwarto ko pag halimaw na ako. Nakahanda na din ang panligo kong may ice, lumalakas ako kapag puro malamig ang dumidikit sa katawan ko. Ang pagkain ko na lang ang mainit na pumapasok sa katawan ko. Haysstt, buhay halimaw.

"Ate?" Si Rhian agad ang bumungad sa akin. Pumasok siya dito sa kwarto ko at  umupo sa tabi ko.

"Ate, si mama umiiyak" malungkot na sumbong ni Rhian habang sinusuklay ko ang kulay puti kong buhok. Ibang klase lang talaga, pati pag ligo naka balot ang kamay ko hanggang sa pag hawak ng suklay naka gwantes parin.

"H-ha? Bakit daw?" Nagtatakang tanong ko

"Ewan ko po" sabi niya. Ibinaba ko ang suklay tsaka lumabas at nagtungo kay mama

"Ma?" Tawag ko sa kanya nang makapasok ako dito sa kwarto nila ni Rhian. Nahuli ko siyang agad nagpunas ng luha. Umupo ako sa harap niya

"Anak, sa susunod na araw na ang kaarawan mo" sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko

"Alam mo anak, kahit dika nanggaling sa sinapupunan ko sobrang mahal kita" sabi niya tsaka tuluyan ng lumabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan

"Mahal din kita ma" sagot ko.

"Sa saktong araw ng kaarawan mo ay ang huling araw na ng pagsama-sama natin" humahagulgol na si mama sa iyak.

"Mag-iingat ka doon ah? Ayokong ibalik ka pero mahal kita Hautia, kaya kahit sobrang bigat sa pakiramdam na malayo ka sakin anak, kakayanin ko para sayo. 17 years na nakakulong ka lang dito, walang kaibigan maliban sa amin nila Rhian at ako. Yung daddy mong lahat ginawa para sa atin, para sayo pinatay pa nila."

"Yung 17 years na yon anak? Tama na yon! Subukan mo naman maging malaya. Doon, magkakaroon ka ng kaibigan. Makikita mo ang mundo niyo" mapait na ngiti ang pinakawalan ni mama

"Kung sana anak, may kapangyarihan din ako kagaya ng tunay mong magulang babaguhin ko ang katauhan mo. Gagawin kitang isang taong malaya" niyakap ako ni mama habang humahagulgol. Masakit sa akin ang umalis dahil ito ang nakasanayan ko pero hindi pwede.

"Ate...mama" umiiyak na din na Rhian ang yumakap sa amin.

"Mag iingat ka don ate. Huwag mo akong kakalimutan ha?" Sabi ni Rhian.

"Pangako"

Note: bukas po yung next update!

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon