Chapter 20

1.5K 34 0
                                    

                  

                          Asher's POV

"Pagod kana ba? Gusto mo buhatin kita?" Tanong ko kay Hautia. Pauwi na kasi kami tsaka naglalakad. Hapon na din eh, kaya kailangan nang umuwi.

"Okay lang ako" sabi niya sabay ngiti. Plano pa sana ng mga dwende at halimaw na ihatid kami baka daw mapahamak ang kanilang binibini/prinsesa pero anong silbi ko? Kung yung prinsesa ko ay mapapahamak?

"Hautia, p-pwede bang..." Diko maituloy.

"Pwedeng???"

"A-ah-w-wala. Sabi ko ang ganda mo" sabi ko na lang tsaka umiba ng tingin

"Hahaha. Ano nga?" Tanong niya

"Hmmm.. p-ppwede ba kitang ligawan?" Tanong ko. Napatigil siya kaya tumigil na din ako sa paglalakad

"Paano si-" mabilis kong hinila ang bewang niya tsaka hinila palapit sa akin. Napahawak naman siya sa dibdib ko.

"Isang salita pa tungkol kay Yssa, hahalikan talaga kita" banta ko. Napakagat naman siya sa pulang mga bibig niya. Natawa nalang ako, ang cute niya.

"Asher..." Tawag niya sakin habang yakap ko siya at nakahawak parin siya sa dibdib ko

"Yes mahal ko?" Ngiting sagot ko

"Diko alam kung bakit o papano nangyari to, kung kailan nagsimula pero..." Di niya natuloy at isiniksik ang mukha sa dibdib ko. Natawa ako

"Ano nga?" Tanong ko

"Gppwqgkdta" mahinang sabi niya habang nakasiksik parin ang mukha sa dibdib ko. Ano daw?

"Ha?" Sabi ko

"Gppwqgkdta!" Ulit niya. Ano daw?

"Ha? Linawin mo kasi" maalumanay na tanong ko tsaka inangat ang kanyang mukha pero tinabig niya ang kamay ko sabay siksik ulit sa dibdib ko.

"Linawin mo" sabi ko

"Gusto nga kasi kita!" Padabog na sambit niya. Niyakap ko siya tsaka lumawak lalo ang ngiti sa mga labi ko.

"Diko alam kung kailan nagsimula pero nung sinabi ni Yssa na boyfriend ka niya nasaktan ako. Nagselos ako, pero tinago ko kasi akala ko natural lang sa tao yon. Hindi ko kasi alam kung anong tawag don, pero sa tagal ko na dito natutunan ko nang masaktan, magselos, tumawa at maging masaya dahil sa inyong lima at lalong lalo na sayo." Sabi niya.

"Hmmm. Gustong gusto din kita Hautia. Sana pumayag kang ligawan ko" sabi ko nang makayakap parin kami

"Gusto kitang maging boyfriend" sagot niya.

"Tayo na?" Tanong ko

"Oo" sagot niya. Natawa ako, di pala uso sa kanya ang ligaw. Pero gusto ko yun!

"Bilis ah!" Sabi ko habang tumatawa

"Huwag kang tumawa! Nahihiya ako!" Sabi niya kaya tumigil na ako sa pag tawa pero yung ngiti sa labi ko ayaw mawala.

"Tara na" sabi niya

"Opo mahal ko" sagot ko sabay halik sa noo niya

Naglakad kaming pauwi habang akbay ko siya. Sorry Yssa, pero paano ako? Paano ako magiging masaya sa piling nang babae na kahit katiting wala akong nararamdaman para sa kanya? Mahal ko si Hautia Ysabelle Collins. Siya lang ang mamahalin ko hanggang nabubuhay ako.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Owen sa amin

"Tsaka bakit kayo magkaakbay?" Tanong ni Kath

"Hmmm. Masaya ako para sa inyo" sabi ni Jade. Tsismosa talaga to, inunahan na naman kami. Paano ba harangan ang isip namin sa babaeng to?

"Dimo mahaharangan" natatawang sagot ni Jade.

"Ha? Anong haharangan? Anong masaya para sa kanila?" Owen kay Jade pero nakangiti lang si Jade

"K-kayo na?" Tanong ni Jae. Nakangiti akong tumango.

"Huwaww!" Sabi nila tsaka nag apir. Itinago naman ni Hautia ang mukha sa likod ko

"Yiiehhh nahihiya siya" tukso ni Owen pero sinenyasan ko lang siyang wag tuksuin.

"Haha, natural lang yan Hautia. Si Asher din naman ikaw ng first love niya" ang daldal ng gagong to!

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα