Chapter 12

1.5K 35 0
                                    

             Yssa's POV

"Yssa, paano pag nalaman ng lahat ang ginawa natin? Paparusahan tayo? Papatayin tayo?" Nag aalalang tanong ni Layla.

"Wag ka ngang praning! Hinding hindi mangyayari yon!" Sabi ko. Ako din ay kinakabahan sa pagsunog ko sa gubat.

"Inutusan mo pa akong ihipan ang apoy para kumalat" sabi niya.

"Hindi nga tayo mabubuking! Hindi din tayo paparusahan!" Sabi ko.

Umpisa palang ito ng plano ko, sisimulan ko sa mga kaibigan mo Asher. Magtatapos sa babaeng yon! Ang mahirap ay kay Jade. Kaya niyang basahin ang isip at bawat galaw ko. Isusunod kita Jade. Para masimulan na kita Hautia. Ang akin ay akin, papatayin kita Hautia.

"Tsaka, ako ang magmamana ng korona. Hindi nila magagawa sa akin yon" sabi ko.

"Wala pang kasiguraduhang ikaw nga ang kokoronahan, sa tingin mo? Sa husay nila Jade, Kath, Jae at Owen lalo na kay Asher ay hindi matututunan ni Hautia kung paano kontrolin at palakasin ang kapangyarihan niya?" Sabi ni Layla

"Sisiguraduhin kong hindi mangyayari yon!" Inis kong sagot.

"Yssa!" Matigas na tawag ni Asher sa pangalan ko. Nandito kami kwarto ko ni Layla ngayon

"Bakit mahal ko? Na miss mo ba ako?" Tanong ko. Ang gwapo niya padin talaga kahit galit

"Alam mo kung ano ang ipinunta ko dito! Bakit mo ginawa yon?!" Madiin at galit niyang tanong

"Layla, mag uusap lang kami ng BOYFRIEND KO" sabi ko.

"Okay" Layla at lumabas

"Ano bang problema mo Yssa?! Sabihin mo!" Galit niyang tanong

"Wala. Tsaka ano bang pinagsasabi mo? wala akong alam sa sinasabi mo" denay ko. Alangan naman na umamin ako?

"Yssa-! Sinunog mo ang mga punong kahoy. Alam mong si Kath ang unang-unang masasaktan pag may nakikita siyang halaman na namamatay! Ang daming kahoy at halaman ang sinira mo! Pamilya ang turing ni Kath sa mga punong kahoy. Tapos sinunog mo ng parang wala lang?!" Mahina pero madiin at galit ang bawat pag bitaw niya ng salita.

"Wala akong ginawang masama! Nandito lang ako sa kwarto ko! Maghapon!" Sabi ko. Hapon na din kasi

"Sinungaling ka Yssa!" Sabi niya sabay alis.

Sinungaling na kung sinungaling! Ang mahalaga'y bumalik tayo sa dati!




                 Hautia's POV

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Asher nang magising ako. Ang sakit ng buong katawan ko. Nanghihina ako, nanghina ako dahil sa init ng apoy kanina.

"Kamusta na ang mga punong kahoy? N-namatay ba ang apoy?" Tanong ko habang nakahiga sa kama ko

"Ang iba ay sunog, ang iba ay buhay dahil sayo" sagot niya.

"Bakit mo ginawa yon? Alam mong hihina ka dahil sa apoy" sabi ni Asher sa akin

"Ayokong masira ang mga punong kahoy, tsaka alam kong mahal na mahal ni Kath ang mga yon. Kaya sinubukan kong pigilan ang nagkalat na apoy" sagot ko. Hinawakan ko kasi kanina ang mga kahoy na malapit nang kainin ng sunog at agad namang nabalutan ng yelo. Pumunta din ako sa gitna kung saan may mga sunog at pwede pang iligtas na kahoy. Hindi ko kasi alam kung paano gawing yelo ang isang bagay kahit diko hinahawakan kaya kahit sobrang init ay hinawakan ko na lang.

"Ang dami mo nang pasa ng apoy sa kamay at paa" nakita ko ang pagpatak ng luha ni Asher habang hawak ang kamay ko at nakapikit na hinahalikan.

"Okay lang naman eh. Ang mahala hindi lahat ng kahoy sunog" sabi ko.

"Hautia... Hautia?" Biglang sulpot ni Kath sa pintuan tsaka mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako habang umiiyak

"Salamat....salamat... salamat..." Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi niya. Sobrang halaga pala sa kanya ang mga punong kahoy at halaman

"Wala yon" sabi ko tsaka hinahaplos ang buhok niya

"Napakasama ko, hindi ko sila nailigtas. Napahamak ka din nang dahil sa akin" sabi niya

"Asher... Iwan mo muna kami" sabi ko. Tumango siya tsaka umalis

"Hindi mo naman kasalanan eh. Tsaka hindi ka Diyos na nakatira sa langit upang maging perpekto" sabi ko. Bumangon siya at nagpunas ng luha

"Ang dami mo nang pasa" sabi niya habang nakatingin sa mga pasa ko sa kamay. Napaso kasi ako

"Salamat sa pag ligtas sa kanila" sabi niya.

"Kahit sinong tao ang makakakita ay gagawin ang ginawa ko" sabi ko

"Paano kaba napunta doon?" Tanong niya. Sasabihin ko ba? Pagtatakpan ko ba si Yssa?

Nakita ko kasi sila ni Layla na nagpunta sa gubat. Naligaw ako kaya kung saan saan na ako napunta, hanggang sa may makita akong malaking usok kaya pinuntahan ko ito. Hindi ko napatay agad ang apoy dahil may nakita akong bahay na parang may mga tao sa loob. Maliit na bahay. Kaya pinuntahan ko at pilit binuksan ang mga nakakandadong pintuan nila.

Nagulat at natakot ako sa hitsura nila pero sabi nila wag daw akong matakot dahil hindi daw sila masamang nilalang. Napatingin ako sa punong kahoy na kinakain ng malaking apoy. Biglang pumasok sa isip ko si Kath kaya ko ginawang yelo ang mga punong malapit ng masunog para hindi kapitan ng apoy.

Sa pagkalat ng yelo ay namamatay ang apoy kaya kahit hinang hina na ako dahil sa init ay hinayaan kong maubos ang lakas ko para matapos at mapatay na ang sunog na ito. Alam kong si Yssa at Layla ang may pakana ng lahat ng ito.

"Hautia?"

"H-huh?"

"Sabi ko, paano ka napunta doon?" Tanong nya

"A-ahm.. g-gusto ko lang sana mamasyal, kaso yon ang nakita ko" pagsisinungaling ko.

"Hayyy.. salamat talaga" sabi ni Kath sabay yakap ulit.

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now