Chapter 10

1.6K 39 0
                                    

               

                     Kath's POV

Wala ako sa mood para magturo sa mga bata ngayon. Nakakainis si Jae! Palagi na lang siyang ganyan! Diko alam kung bakit sa dinami-dami ng mababait na lalaki ay sa kanya pa ako na hulog. Oo tama kayo, mahal ko si Jae bata pa lang kami. Pero di niya napapansin dahil manhid siya!

Nakakadurog ng puso. Mahal ko si Jae pero may gusto siyang iba, at si Hautia yon. Okay lang, kung saan siya masaya ay pipilitin ko na lang maging masaya para sa kanya. Nagseselos ako! Selos na selos na ako pero hindi ako kontrabida para awayin at kamuhian si Hautia.

Tamang babae ang nagustuhan mo Jae. Maganda si Hautia ay gwapo ka. Bagay kayo! Napapapunas na lang ako ng luha ko. Tsaka mabait si Hautia, ang inosente niya. Kaya pati si Asher halatang may gusto sa kanya. Sana pagdating ng araw hindi mahirapan si Hautia na mamili kung sino sa kanila. Mahalaga si Hautia sa akin bilang isang kaibigan kaya ayoko siyang makitang nahihirapan. Tatanggapin ko na lang, na hindi ako ang gusto mo Jae.

Pagkagising ko kaninang umaga ay wala si Hautia sa kama niya. Kung saan saan na naman siguro nagpunta yon. Hanapin ko kaya siya? Masyado pa kasing maaga eh, kaya tulog pa ang ilan. Iilang tao pa lang ang gising, makatanong nga sa halaman na to.

"Magandang umaga, magandang rosas. Nakita mo ba si Hautia?" Tanong ko sa rosas

"Siya po'y nagtungo sa gubat nang mag isa" sagot niya. Sa gubat? Delikado doon ah? May mga dwende at di malamang halimaw ang nakatira doon.

"Bakit siya nagtungo doon?" Tanong ko

"Hindi ko po alam binibini, ngunit ang ilang mga puno'y humihingi ng saklolo. Isang makapal na usok ang kanyang sinundan" sagot niya. Mabilis akong tumakbo sa gubat. Makakapal ang damo pero lahat sila'y humihiga para makadaan ako. Sinusundan ko na lang ang mga damong nagsisihigaan upang matungo kung saan si Hautia.

Pagdating ko dito sa gubat ay napaluhod na lang ako sa nakita ko. Marami sa mga punong kahoy ang sunog na. Hindi! Sinong may gawa nito?! Sinong may gawa!

"Hindee!!!!" Humahagulgol kong sigaw. Ang mga punong kahoy at ilan sa mga halamang gamot, patay na! Wala na! Hindi to pwede! Ang mga punong walang kamalay-malay ay namatay dahil sa sunog. Bakit hindi ko ito narinig?! Bakit hindi ko naramdaman?!

"Wala na ang aking mga kasama, binibini" sabi ng isang kahoy na nabalutan ng yelo. M-may yelo? Si Hautia? Tumayo ako at lumapit

"Bakit diko kayo narinig?!" Humahagulgol kong tanong sa kahoy

"Humingi kami ng saklolo binibini, ngunit sarado ang isip mo dahil sa pag-iisip sa ibang tao. Hindi mo naramdaman dahil iba ang nandiyan sa puso mo" paliwanag niya! K-kasalanan ko?! Natulala na lang ako sa narinig ko.

"Kung hindi dahil sa magandang binibini na ito'y malamang pati kami ay sunog na din" hawak ng kanilang sanga si Hautia na walang malay. Hindi ako makaimik.

"Ginawa niyang yelo ang mga apoy na nagkalat sa gubat. Ibinigay niya ang buong lakas niya upang patayin ang apoy. Habang buhay naming pasasalamatan ang binibining ito" sabi ng kahoy. Napaluhod ako tsaka humahagulgol sa iyak.

"Patawarin niyo ako, patawad. Hindi ko sinasadya, hindi ako karapat dapat na sundin niyo. Patawad" umiiyak kong paghingi ng tawad

"Hindi mo kasalanan ang nangyari binibini. Ngunit ayon sa sabi ng aking kasamahan ay galing sa inyong kaharian ang babaeng gumawa ng isang malaking apoy upang sunugin ang buong gubat" sabat ng isang kahoy

"Huliin siya!" Sulpot ng mga dwende.  Malayo na ang lugar na ito sa kaharian namin. Pinalibutan ako ng maraming dwende tsaka tinutukan ng patalim ngunit ang mga patalim na hawak nilay mabilis na parang dahon na tinangay ng hangin sa kung saan.

"Huwag na huwag niyo siyang sasaktan!" Sigaw ni Owen. Napatingin ako sa kanila, kasama niya si Asher, Jade at Jae.

"Hautia?!" Mabilis na lumapit si Asher kay Hautia na walang malay. Wala na akong nagawa kundi nakaluhod habang umiiyak.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Asher sa akin habang buhat si Hautia na walang malay

"Sinunog ng babaeng ito ang kagubatan! Lahat ng punong kahoy lalong lalo na aming tahanan ay kinain ng apoy" turo nila sa akin

"Hindi magagawa ni Kath yan!" Sabi ni Jae

"Pero nagawa niya! Kung hindi dahil sa binibining puti ang buhok ay pati kami nasunog ng buhay!" Galit na sabi ng dwende

"P-patawad, hindi ko sinasadya na hindi pakinggan ang paghingi niyo ng saklolo. Patawad, simula ngayon. Tinatanggalan ko na ang sarili kong pamunuan ang lahat ng tanim na nabubuhay mapa-lupa man o sa ilalim ng tubig. Hindi ako karapat dapat para sundin niyo" sabi ko habang umiiyak. Tumayo ako tsaka tumakbo papuntang kung saan man ako dinala ng mga paa ko.

Masakit sa puso, mabigat sa damdaming makita ang mga punong kahoy at halaman na kinain ng sunog, sira at patay na dahil sa akin. Ipinikit ko na lang ang mata ko, ayokong makita ang mga halaman na umiiyak dahil sa akin. Tinakpan ko ang tenga ko, ayokong  makarinig ng malalakas na hikbi mula sa mga halaman. Kung sino man ang may ari ng apoy na iyon, pagbabayarin ko kayo!

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now