Chapter 25

1.4K 31 0
                                    

           Yssa's POV

Pagod na pagod na ako. Pero handa akong ibuwis ang buhay ko para makabawi sa lahat ng maling nagawa ko. Salamat kay Hautia dahil pinakita niya sa akin ang tunay na ako. Hindi ako masamang tao.

"Prinsesa ng apoy, sumuko kana. Ang isa sa inyong kasama at patay na" lumingon ako kay Hautia na nakahiga na sa lupa.

"Hindi! Lumaban siya hanggang sa kanyang huling hininga, at yun din ang gagawin ko!" Sabi ko. Mabilis kong inilapat ang aking mga kamay sa kanyang mukha tsaka sinunog. Malaki naman ang nadale sa kanya.

"Buti nga sayo!" Sabi ko. Kita sa sunog niyang mukha ang galit at pagkainis. Lumapit siya sa akin tsaka ako tinusok ng espada, dahil sa bilis niya ay diko ito naiwasan kaya tumama ito sa aking hita. Napaluhod ako sa sakit.

"Papatayin kita!" Sabi niya.

Kita ko si Layla na naluluhang nakatingin sa akin, sinenyasan ko siyang gumawa ng malaking ipo-ipo at agad naman niyang ginawa. Ang malaking ipo-ipo ay agad kinain ang hari. Nasa loob ng ipo-ipo ngayon ang hari, gumawa ang apoy mula sa aking palad. Lahat ng pwersa'y ibinuhos ko dito. Buong lakas ko itong pinalaki tsaka itinama sa ipo-ipo. Kumalat ang apoy sa katawan ng ipo-ipo, dinig ko ang sigaw ng hari sa loob. Susunugin kita! Diko na kaya. Pagod na pagod na ako, tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon