Chapter 16

1.4K 34 0
                                    


                     Asher's POV

"Musta ang halik kagabi?" Tukso ni Owen. Gago talaga to!

"Mahusay ba siya humalik?" Dagdag ni Jae

"Mga gago kayo! Sarili niyong buhay pakialaman niyo!" Sabi ko. Napaka inosente niya talaga. Parang wala lang sa kanya yung halik ko kagabi. Hindi din siya marunong makipag halikan.

"Baahh! Parang timang oh! Yiiehh totoo nga! Masarap ba siya humalik?" Para talagang gago tong dalawang to. Gumawa ako ng tubig tsaka sila binuhusan nang magising. Ang aga-aga nandito sila nambubulabog.

"Tarantado!" Owen

"Lamig!" Reklamo ni Jae

"Napapangiti lang ako dahil napaka inosente niya" sabi ko

"Yiiehh!" Owen

"Anong yiiehh?! Sapakin kita eh" sabi ko

"Ibig sabihin niyan, palagi mo ng mahahalikan si Hautia?" Ngiting sambit ni Jae

"Ganun na nga" sagot ko habang nakangiti.

"May gusto kaba sa kanya?" Tanong ni Owen

"Ganun na nga" sagot ko ulit t pumikit habang nakangiti

"Inlab ang loko!" Nagtawanan silang dalawa

"Pero paano si Yssa?" Biglang tanong ni Jade na bagong sulpot

"Kyyahh!" Tili ni Jae

"Makatili naman 'tong baklang to!" Sabi ni Kath tsaka nagpakandong kay Jae. Sila na ba?

"Mahal mo naman" sagot naman ni Jae

"Oo na! Oo na!" Kath

"So paano nga si Yssa, kung mahal mo na si Hautia?" Tanong ulit ni Jade

"Gagawin lahat ni Yssa para manatili ang relasyon niyo" sabi ni Jade

"Pero si Hautia ang mahal ko, makikipag hiwalay ako kay Yssa" sabi ko.

"Eh ang tanong, si Hautia ba may gusto ba sayo?" Kath. Sumikip bigla ang dibdib ko

"Nasaan ba siya?" Jae

"Nagpaiwan sa kwarto eh, ayaw niyang pumunta dito." Sabi ni Kath

"Bakit daw?" Tanong ko kay Jade. Tsismosa din to eh, siguradong alam niya ang nasa isip ni Hautia

"Kaw ang tsismoso hindi ako!" Jade. Sabi na eh, pati isip ko pinapasok niya!

"Nahihiyang humarap sayo si Hautia dahil sa halikan niyo kagabi. Tsaka ayaw ka niyang makita" sagot ni Jade

"Bakit daw?" Tanong ni Owen

"Nasaktan siya..." Jade

"Nasaktan saan?" Jae

"Si Asher na lang ang aalam niyan. Mabuti pa'y lumabas na tayo upang kumain" sabi ni Jade

Nasaktan siya? Saan? Nagseselos ba siya? Bakit ayaw niya akong makita? Galit ba siya sakin?

"Tama na yang kakatanong mo sa isip mo Asher. Para ka lang tanga" Jade

"Tsismosa!" Sabi ko sabay irap

"Hmmmm!" Jade

"Kumain na ba si Hautia?" Tanong ko

"Hindi daw gutom" Kath

"Gutom na yon" Jade

"Asher" sulpot ni Yssa

"Jade" tawag ni Yssa sa pangalan niya tsaka lumapit at may hawak na juice

"Dinalhan kita ng juice para maiinom. Gusto ko kasing makipag kaibigan sayo kung okay lang?" Yssa

Sandali siyang tinitigan ni Jade tsaka tinignan ang basong hawak niya. Tinignan niya din si Layla na hindi mapakali sa likod. Ngumisi si Jade

"Maaari mo bang ipainom muna kay Asher yan bago ako?" Sabi ni Jade

"H-hindi! Ah! Ang ibig kong Sabihin ay para talaga sayo to" plastik na ngiti ni Yssa

"Talaga?" Kinuha ni Jade ang baso tsaka inilapag sa harap ko. Kinindatan niya ako. Agad ko naman naiintindihan ang bawat senyas ng kanyang mata. Kunwari ko itong ininom nang biglang hablutin ni Yssa

"Huwag!" Yssa. Nabasa tuloy ako

"Sa susunod na gumawa kang plano ay yung hindi ko malalaman. Sa susunod galingan mo nang hindi ka magmukhang talunan. Alam mo kung ano ang kakayahan ko" sabi ni Jade

"Hindi ko alam na may lason yan" kunwaring pag aalala ni Yssa

"Kasinungalingan! Lumayas ka sa harapan ko!" Sigaw ni Jade

"Dipa tayo tapos" sabi ni Yssa

"Hindi ako takot" Jade

"Ang sama talaga ng ugali ni Yssa" sabi ni Owen

"Teka, wala paba si Hautia?" Tanong ko.

"Puntahan mo kaya" sabi ni Jae

"Dalhan mo na din ng pagkain" sabi ni Kath. Tumango ako at nagdala ng pagkain. Pagdating ko dito sa loob ng kwarto nila ay wala siya dito. Hinanap ko siya pati sa likod pero wala. Bumalik ako kila Jade

"Oh bakit?" Jade

"Wala siya doon?" Sabi ko

"Ha?" Kath

"Saan naman yon nagpunta?" Tanong ni Owen

"Jade. Dimo ba siya marinig?" Tanong ko

"Hindi eh, tsaka parang nasa malayo siya" sagot niya.

"

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon