Chapter 4

2.2K 58 1
                                    

                  Hautia's POV

Huling araw, huling pagkakataon upang makayakap ang aking kinikilalang ina at kapatid. Ayokong umalis, ayokong iwan sila pero kailangan eh. Napatingin ako sa orasan. Alas sais na ng hapon, diko maiwasang hindi maiyak. Aalis na ako, pupunta sa lugar kung saan ako nanggaling.

Ramdam ko ang pag-init ng paligid. Dulot ng init na aking nararamdaman ay ang pag hina ng aking katawan. Nag-iisa ako ngayon dito sa kwarto kung saan ako kinukulong sa tuwing sumasapit ang alas sais ng hapon.

Napahiga ako sa sahig at nanghina. Hinahanap ng katawan ko ang malamig kaya't hinubad ko ang gwantes ko upang maglabas sana ng yelo mula sa palad ko ngunit ni kaunti'y walang lumabas siguro dahil sa panghihina ko. Mainit, para akong iniihaw. Tulong! Please!

Diko na kinaya ang labis na paghina ng katawan ko kaya hinayaan ko na lang. Saan na ba yung susundo sa akin? Diko na kaya. Mahinang-mahina na ang katawan ko. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

"Siya na ba si Hautia Ysabelle Collins? Ang ganda-ganda niya naman!"

"Namumula ang bibig nang parang pulang mansanas!"

"Ganyan din si maam Aubrey noong nabubuhay pa siya diba, puti din ang buhok"

"Ang tangos ng ilong oh, ang amo pa ng mukha"

"Tsaka ang haba ang pilik mata niya,  sana ganyan din ka kinis kutis ko. Siguro kakaiba ang mga beauty product ang meron sa pinanggalingan niya?"

Ilan lang yan sa naaaninag ng tenga ko habang tulog ako. Amoy ko ang bango ng paligid ko, gusto kong dumilat pero parang ayaw ng mata ko? Ayoko pang bumangon dahil sa lambot ng hinihigaan ko, malamig dito. Ang sarap sa pakiramdam.

"Layuan niyo siya, wala kayong karapatan na lumapit sa kanya!" Biglang sigaw ng malakas na boses ng babae.

"Sorry po maam" sabi ng mga babae ka kanina pa nagdadaldalan sa tabi ko.

"Inutusan kayo ni mama dito para alagaan siya! Hindi upang titigan ng titigan!" Boses ulit ng babae. Dahil sa ingay nila ay napadilat ako.

Napatingin ako sa kisame. White at blue'ng kurtina? Eh wala namang ganito kalalaking kurtina sa bahay ah? Nananaginip ba ako? Napatingin ako sa buong paligis, may ilang pares nang mata ang nakatingin sa akin. Bumangon ako at kinapa ang sarili ko. Bakit naka bistida ako? Napansin ko ding wala akong suot na gwantes. Totoo ba to? Hinawakan ko ang lamesa malapit sa akin upang i-check kung may kapangyarihan pa ako pero walang nangyari. Tao na ako? Dina ako halimaw? Yiiehh!

"Hi" nakangiting bati ng babaeng maiksi ang buhok. Ang ganda niya naman.

"H-hello" bati ko pabalik. Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? Nasaan sila mama?

"Nandito ka sa kwarto namin ni Kath at dito kana din matutulog. tsaka yung peke mong mama at kapatid naiwan sa mundo kung saan ka nanggaling" sabat ng isang babaeng mahaba at kulot ang buhok habang nakangiting naglalakad palapit sa kama n hinihigaan ko. Manghuhula siguro to? Alam kung anong nasa isip ko eh

"Hindi ako manghuhula. Ito ang kapangyarihang taglay ko. Nakakabasa ako ng isip at nakikita ko na bago pa mangyari. Ako nga pala si Jade." Pakilala ng babaeng mahaba at kulot ang buhok

"Ako naman si Kath." Pakilala ng babaeng nakaupo sa harap ko.

"Kaya kong utusan lahat ng pananim, kagaya nito" humarap siya sa bulaklak na nakapaso at tinitigan. Kusang gumalaw ang sanga nito at pinitas ang sariling bulaklak tsaka binigay sa akin. Nagtataka akong tinanggap ang bulaklak

"Kagaya ko, kaya mo ding palabasin ang yelo mula sa katawan mo" sabi ni Jade. Muli akong napatingin sa buong silid. Malinis at maluwang. May malalaking kurtina tsaka may mga parang snow na disenyo.

"Mas maganda sa labas" ngiting sambit ni Jade. Nakakabasa talaga ng isip no? Napangiti ako, sa buong buhay ko hindi ko pa nakita kung gaano kaganda ang kapaligiran. Hindi pa ako nakalanghap ng malamig at sariwang hangin, puro kasi Aircon sa bahay.

"Pwede ba?" Masayang tanong ko

"Syempre/ oo naman!" Sabay nilang sagot habang nakangiti. Dali-dali akong bumaba sa kama tsaka tumakbo palabas.

"Uy Teka!" Kath

"Baka gusto mong magsuot muna ng tsinelas no?" Napatingin ako sa aking mga paa. Ey? Wala pala akong saplot sa paa. Mabilis lumapit sa akin ang isa sa mga babaeng nagkukumpulan kanina sa tabi ko at ipinasuot ang tsinelas ko.

"Salamat" sabi ko.

"Tara na!" Natatawang anyaya ni Kath

Naglakad kami palabas ng kwarto at paglabas namin ay ang malakas at malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Nakangiti akong humarap sa bahay na pinanggalingan ko. Isang malaking bahay pero kwarto lang ito sa loob na walang kusina.

Ikinalat ko ang paningin ko, ang ganda! Para akong nasa panaginip! madaming bahay na malalaki pero puro kwarto lang ito. Damo ang tinatapakan namin, madaming bulaklak na iba-ibang klase't kulay. Madaming punong kahoy at madaming prutas! Ang sarap ng hangin! Tumakbo ako papunta sa gilid ng ilog, madaming isdang lumalangoy! Tsaka napakalinaw ng tubig!

"Ang ganda naman dito!" Puri ko.

"Pasyal pa tayo?" Kath. Tumango ako habang nakangiti

Habang naglalakad kami ay madaming mga tao ang naglalakad. Lahat sila naka bistida, yung iba naman ay abala sa pagtatanim ng bulaklak. Lalapit sana ako sa kanila nang nagulat sa nakita ko. Yung babaeng naglagay ng buto sa lupa, itinaas ng babae ang kanyang dalawang kamay kasabay ng mabilisang paglaki ng tanim na kani-kanina lang ay isang maliit na buto. Napaatras ako, lumapit naman ang babae at gumawa ng tubig mula sa dalawang kamay niya tsaka ginamit pandilig.

"Sila ang estudyante ko" turo ni Kath sa mga taong nagtatanim ng bulaklak.

"Eh kanino naman yung gumawa ng tubig?" Tanong ko

"Estudyante yan ni Asher. Kaibigan namin, at siya ang makakasama mo para turuan ka sa paggamit ng kapangyarihan mo." Jade

"Ahh...." Ako

"Yung mga taong naggugupit ng damo, yan ang ilan sa mga estudyante ni Owen. May kakayahan silang gumawa ng mga matitibay na patalim mula sa kamay nila" Sabi ni Kath

"At yung naka upo doon!" Turo ni Kath sa mga babae

"Kulog at kidlat ang kapangyarihang taglay nila" Kath

"Madaming kapangyarihan, iba ibang uri ngunit hindi nila ito ginagamit sa tama. Kagaya niyang parating" sabi ni Jade. May babaeng pula ang buhok at may kasamang isang babae.

"Oh, maligayang pagbabalik prinsesa ng nyebe" nakangising sabi nito.

"Balita ko napaka lakas mo daw" dagdag niya

"Ano na naman kailangan ko, Yssa?" Matigas na tanong ni Jade

"Relax ka lang Jade, gusto ko lang kamustahin si Hautia Ysabelle Collins-ang prinsesa ng nyebe" sabay tingin sa akin pataas pababa. Biglang may lumabas na apoy mula sa laylayan ng bistida ko. Pinagpag ko ito pero ayaw mamatay. Tinulungan ako ni Kath at Jade pero ayaw maalis, mainit! Nanghihina ako

"Tigilan mo siya, Yssa!" Sigaw ng lalaki kasabay ng pagbuhos ng tubig sa katawan ko at namatay ang apoy.

"Asher.." tawag ni Kath at Jade

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now