Chapter 17

1.4K 45 0
                                    


                 Hautia's POV

Naalala ko yung maliliit na taosa gubat. Puntahan ko kaya sila? Pero delikado at baka makita ako ng mga kalaban huliin pa ako. Nandito pa kasi akong kwarto ko at nagsasanay mag isa. Masaya ako dahil kaya ko na kahit papano. Ano kayang gagawin ko para makapunta doon?

Ah! Alam ko na! Nagsuot ako ng hanggang paa at makapal na jacket na may sumbrero at maingat na lumabas ng kaharian. Pagdating ko dito sa gubat ay nagpahinga ako sandali sa may bato tsaka pinagpatuloy ang paglalakad.

Umabot din ako ng mahigit isang oras siguro sa pag lalakad at narating ko na ang gubat na kay bakas na sunog. Nasaan na kaya ang mga dwende? Wala na sila dito sa tahanan nila.

"Sino ka?!" Tutok ng matulis na patalim sa akin ng mga dwende. Tinanggal ko ang nakatakip sa mukha ko at humarap sa kanila. Agad naman nilang binaba ang mga sandata nila at yumuko

"Patawad binibini, hindi namin sinasadya" paghingi nila ng tawad.

"Ayos lang. Kamusta na kayo" tanong ko

"Maayos lang kami binibini. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang dwendeng napakahaba ng balbas

"Gusto ko lang kayong kamustahin, nakakalungkot lang ang nangyari sa gubat na ito" sabi ko tsaka umupo sa putol na kahoy upang magpahinga.

"Mukhang pagod na pagod ka binibini. Halika sa amin tahanan upang makakain at makapagpahinga" anyaya nila.

"Sige ba" sagot ko. Gutom na din kasi ako. Pagdating namin sa bahay nila ay isang hanggang balikat kong pintuan ang bumungad sa akin. Pumasok kami at pagpasok sa loob ay simple at malinis. Mataas din kahit papano ang kisame nila pero naaabot ko. Ang kanilang maliliit na upuan at maliit na lamesa. Ang cute!

"Umupo ka binibini" umupo ako sa isang maliit na upuan. Natawa nalang ako, ang cute naman dito.

"Maghanda kayo ng makakain para sa binibini" sabi ng siguro hari din nila

Mula sa hapag kainan ay inilapag ang isang piraso ng letsong baboy at limang letsong manok. Mga alak at ilang mga pagkaing hindi pamilyar sa akin.

"Binibini, pagbabawalan kana lang naming tumikim ng alak upang hindi malasing pagkauwi mo" sabi ng lalaki

"Ayos lang. Hindi din naman ako umiinom eh" ngiting sagot ko

"Tayo na't kumain" sabi ng lalaki. Umupo sila at nagdasal muna bago kumain

"Ama namin na nasa kalangitan. Maraming salamat po sa mga pagkaing ito. Amen" napangiti ako. Buti pa sila marunong kumilala ng Diyos sa langit samantalang ang iba hindi manlang marunong magpasalamat. Hayyy... Binigay sa akin ng lalaki ang isang buong manok at kumuha sila ng sarili nilang pagkain.

"Binibini, ano pala ang iyong pangalan?" Tanong ng lalaki

"Ako nga pala si Hautia Ysabelle Collins" sagot ko.

"Hautia.... Ysabelle.... Collins? Anak ng hari at reyna? Prinsesa Hautia?" Sabi ng lalaki. Tumayo sila mula upuan at lumuhod sa harap ko

"Prinsesa" tawag nila sakin habang nakaluhod sa harap ko

"Teka, magsi-tayo kayo. Hindi ako Diyos para lumuhod kayo. Ituring niyo akong isang kaibigan" sabi ko ng nakangiti

"Maaari ko ba kayong makilala?" Tanong ko nang makabalik sila sa kanilang mga upuan

"Ako si Smag"

"Ako si Lao"

"Ako si Cheepy"

"Ako si Akkoy"

"At ako naman si Broos" pakilala nila.

"Paano niyo nakilala ang aking mga magulang?" Tanong ko

"Ang iyong ama ang hari ng gubat na ito. Siya ang sinusunod ng lahat ng mga halimaw na namumuhay dito. Siya ang aming hari, masamang tao ang iyong ama hanggang sa minsan niyang makita ang iyong ama na naligaw sa gubat na ito. Nagkagusto siya sa iyong ina at di nagtagal ay ganon din ang naramdaman ng iyong ina. Ang dating masamang hari ay naging isang mabuting asawa't anak sa inyo ni reyna Aubrey. Nang isilang ka ay hindi sadyang napagsama ang kapangyarihan nila sa iyo kayat nagbunga ito ng isang napalakas na pwersa at lakas ng kapangyarihan. Hindi ito matanggap ng apat na kaharian kaya nais ka nilang paslangin. Nagkaroon ng isang malaking digmaan sa pagitan ng limang kaharian noong buwan pa lang ang nakakalipas mula nang isilang ka. Natalo ang kahariang pinamumunuan ng iyong ina kasama ang dalawa niyang kaibigan kayat minabuti ng iyong ina na itago ka mula sa ibang mundo para sa kaligtasan mo" kwento ni Broos.

"Diba't hari din ang aking ama? Lumaban din ba kayo para sa inyong hari?" Tanong ko

"Maraming dwende at ilang nilalang galing dito ang nagbuwis ng buhay para sa hari ngunit hindi kami sapat sa dami at lakas ng apat na kaharian." Cheepy

"Madami kayo? Nasaan ang iba?" Tanong ko

"Sa luwang ng gubat na ito ay nagkanya-kanya na kami simula nang mamatay ang iyong ama. Mula nang mamatay ang aming hari ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sa lugar na ito. Kayat minabuti naming magtago na lang sa mga ilalim ng punong kahoy. Dumami ang mga masasamang nilalang at nagkalat sa buong gubat" Broos

"Nasaan na ngayon ang aking ina?" Tanong ko

"Nang makabalik siya galing sa ibang mundo ay itinago namin siya ngunit sa labis na pagmamahal sa iyong ama na yumao ay mag-isa niyang sinugod ang kampo ng mga kalaban kayat walang awang ginahasa at pinatay ang iyong ina" Akkoy

"Umasa kaming magbabalik ka prinsesa Hautia. Hindi kami nawalan ng pag-asang magbabalik ka upang magkaroon ng katahimikan sa lugar na ito" Lao

"Gagawin ko ang lahat upang maibalik ang dating sigla at saya ng gubat na ito. Lalaban ako para sa mga buhay na nawala, lalaban ako para sa kalayaan ng lahat" sabi ko.

"Aasa kami prinsesa. Tutulong kami"  sabay nilang sambit.

Ipinapangako kong hindi ko kayo bibiguin. Lalaban ako, hanggang sa huling hininga ko.

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now