Chapter 26

1.4K 31 0
                                    

               Asher's POV

"Hetong sayo!" Malakas na suntok ang kanyang pinakawalan pero mabilis ko itong sinangga gamit ang malaking tubig na hugis kamay.

Lumingon ako kay Hautia, tapos na ang kanyang kalaban at wala na siyang lakas. Napansin ko din malaking ipo-ipo na nababalutan ng apoy habang si Yssa ay wala na ding malay.

"Patay na ang prinsesa mo!" Halakhak ng kalaban ko

"Yan ang akala mo!" Sabi ko tsaka siya pinulot ng malaking kamao at inilublob sa ginawa kong malaking tubig na hugis square na tubig upang hindi ito kumalat. naglabas siya ng malakas kidlat pero dahil sa nasa loob siya ng tubig na kapangyarihan ko ay siya din ang natamaan. Gusto niyang umangat mula sa tubig dahil hindi siya makahinga pero buong pwersa ko itong hinawakan Hanggang sa tuluyan na siyang mamamatay. Pagod ako pero agad akong tumakbo palapit kay Hautia tsaka si sinuri kung buhay pa siya o hindi na. Nakaluwag naman ako ng dibdib nang humihinga pa siya. Lumapit ako kay Yssa, buhay din siya. Gumawa ako ng isang tubig na hugis kamay tsaka binuhat si Yssa. Binuhat ko naman si Hautia tsaka ipinunta sa kaharian upang gamutin.

Ang lahat ng kasamahan namin ay pinabalik na din sa kaharian at sila, Jae, Jade, Kath at Owen na lang ang hinihintay. Babalik sila ng ligtas!

                Kath's POV

Pagod na ako, pero hanggat kaya ko ay lalaban ako. Pinuluputan ko ang kanyang paa at kamay tsaka binuhat at tinusok ng sanga ng kahoy ang dibdib ng aking kalaban. Bago siya nawalan ng hininga ay diko napansin ang isang patalim na ibinato sa akin

"Kaaathhh!!" Sigaw ni Jade tsaka mabilis na lumapit sa akin tsaka ako niyakap.

Ramdam ko ang matulis na tumusok sa harap ko pero hindi ito ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang dugo na lumabas sa bibig ni Jade habang nakadikit ang katawan niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang likuran, m-may nakatusok sa kanya?!

"Jade!" Nanginginig kong pagtawag sa pangalan niya. Ang espadang tumusok sa kanya ay umabot sa akin. Agad akong humiwalay sa kanya kasabay ng diko namamalayang pagbagsak ng katawan ko. Nagdilim ang paningin ko, namanhid ang buong katawan ko.


              Author's POV

"Jadee!!!" Sigaw ni Owen habang umiiyak na nakatingin sa dalawang dalaga. Mabilis niyang pinaslang ang kanyang kalaban tsaka lumapit sa dalawa.

"Jade?! Kath?!" Tawag ng binata sa dalawang dalaga ngunit duguan ang dalawa at wala ng buhay

"Hindi!!!" Sigaw niya. Napansin ito ni Jae kaya agad ding tinapos ang kanyang kalaban tsaka lumapit sa tatlo.

"K-kath? H-hindi! Hindi!!!" Sigaw niya. Mabilis binuhat ng dalawang binata ang dalawang dalaga at iniuwi sa kanilang kaharian. Agad naman binigyan ng lunas ang dalawang dalaga pero hindi ito sapat

"Ang kapangyarihan ni Hautia ang tanging kailangan para sa buhay ng dalawang dalaga" sabi ng reyna

"Pero maging si Hautia ay may sugat pa at wala pang malay! Wala na po bang ibang  paraan para maligtas ang dalawa?" Naiiyak na tanong ni Jae

"Wala ng ibang paraan" malungkot na sambit ng reyna. Napasipa na lang sa upuan ang binata. Umupo at umiyak sa tabi ni Hautia.

"Diko kakayanin pag nawala si Jade sa akin" sabi ni Owen habang hawak ang kamay ni Hautia'ng walang malay

"Gumising kana pakiusap? Nang magamot mo na siya. Maawa ka sakin" sabi ng binata.

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now