The Final

1.8K 47 4
                                    

             Hautia's POV

"Ahhh!! Asher!! Manganganak nako! Arayyy!!" tawag ko sa asawa ko nang  mabitak ang panubigan ko.

"Hautia?" Tawag ni Owen sa pangalan ko kasama niya si Jade.

"Tulungan niyo ko, asan ba si Asher?!" Tanong ko. Binuhat ako ni Owen at dinala sa kwarto namin.

"Wala siya eh, nasa mundo niyo kasama ang kambal" sabi ni Jade

"Arrayyyy!!! Eh ano ba ginagawa niya don?! Hindi niya manlang inisip na week ako manganganak?!!" Galit kong tanong.

"Nandito nako" sabi ni Asher na nagmamadali kasama ang kambal kong anak

"Mommy, manganganak kana?" Anak ko naman eh. Diba obvious?

"Labas muna kayo mga pogi" sabi ni kath na bagong dating.

"Oh anong ginagawa mo dito? Kasama ka sa lalabas!" Sabi ni Jade kay Owen

"A-ahh sabi ko nga" Owen

Isang oras na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas ang anak ko. Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga pero hindi pwede, baka mapahamak ang anak ko.

"Umiri ka lang Hautia, nakikita ko na ang ulo niya" sabi ng matanda

"Kaya mo yan mahal ko" sabi naman ng nag aalalang si Asher habang hawak ang kamay ko

"Iri pa" matanda. Umiri ako hanggang kaya ko. Maya-maya ay ramdam ko na ang paglabas niya.

Nang umiyak ang anak ko ay isang malakas na ulan, kulog at kidlat ang narinig mula sa labas. Dinig ko ng ingay sa labas. Nagkatinginan kami ni Asher. Biglang tumawa ang anak ko ng buhatin siya ng kanyang daddy sabay sikat ng araw sa labas.

"A-anong klaseng kapangyarihan meron-" nagtatakang tanong ni Asher sakin.

"Nakakakita na siya" sabi ni Jade habang nakatingin sa anak ko

"Ang kanyang kapangyarihan ay dipende sa mood niya" ngiting sabi ni Jade tsaka binuhat ang anak ko

"Uulan pag iiyak siya, makulimlim pag nalulungkot siya, aaraw at hahangin pag masaya siya, kukulog at kikidlat pag galit siya. Pero kagaya ng inaasahan, ang tubig at yelo ay pinagsama sa kanyang katauhan. Magkatugma ang yelo at tubig kaya't nagdudulot ito ng malakas na pwersa" pahayag ni Jade

"Napagandang bata" puri ni Kath

"Papangalan natin siyang, Ganda" sabi ni Asher na nakatingin habang nakangiti sa kanyang anak

"Ganda?" Ako

"Ganda, ang anak kong kasing ganda ng kalikasan" sabi niya.

"Tat-tay!" Biglang banggit ng anak kong sanggol. Nabigla kami. Siya ba yung nagsalita?

"Pap-pa!" Muling sabi niya.

"Alam niyo. P-parang gusto kong tumakbo!" Sabi ni Kath

"Siya ba yung nagsalita?!" Tanong ko

"O-oo" Jade. Kinuha ko anak ko tsaka pinaharap sakin. Tumawa ito

"Anak?" Tawag ko

"Mam-ma!" Banggit niya. Napaluha ako sa saya.

"Nagsasalita na siya?!" Nagtatakang tanong ng kambal kong anak

"Mama" sabi ko sa anak para gayahin ako

"Pap-pa!" Sabi niya. Tumawa si Asher habang naluluha sa saya

"Ang anak ko" Asher

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя