Your Maid 3

4K 70 6
                                    

Bang Boys.

"Ugh... Layla puyat ka na maaga ka pa bukas parang awa mo na!" Singhal ko sa sarili.

Nakatitig lang ako sa kawalan. Ginulo gulo ko ang buhok ko saka nagbago ng posisyon sa ika-limampung beses. Di kasi ako mapakali, alas dose na ng hating gabi pero nakahiga lang ako sa malambot na kutson ng kama na ito.

Kahit anong posisyon ko ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok ko. Nakakainis naman! Paano ba naman kasi itong utak ko tuloy tuloy na umaandar. Di kasi ako makalimot sa pitong lalakeng iyon kanina.

Diyos ko! Hindi ako sanay na makasama sa iisang bubong ang lalake!

Simula kasi noong niloko ako ng una kong minahal ay kinamumuhian ko na ang mga lalake. Tapos dito pito pa sila? Hindi ko sinasabi na gusto nila ako tulad sa magkasintahan ngunit hindi lang talaga ako sanay na may kasama sa iisang bahay!

Lalo na't ako lang ang babae.

Paulit ulit akong nagdadasal sa diyos na sana maging maayos ang pagtira ko dito. Mag isa lang akong babae dito diyos ko patawarin. Mukhang namamahay din ako dito. Namimiss ko na ang pamilya ko. Kahit kanina ay nakausap ko naman sila, iba parin ang magkakasama.

Napatingin ako sa mga lalakeng nasa harap ko.

"P-pito? Pitong lalake?" Gulat na gulat kong saad saka bumaling kay rey.

Tumango siya. "Oo, wag ka mag alala mababait naman mga iyan maloko nga lang kasi lalake."

Halos himatayin ako sa gulat! Hindi pa naman ako sanay na may lalake bukod kay itay at popoy tapos pito pa?!

"annyeonghaseyo leilla, je ileum-eun jeon-ibnida." Hello layla, my name is jeon.

Nabaling ang tingin ko sa isang lalakeng naglahad ng kamay. Kulay tsokolateng buhok, maputi at matangos ang ilong, medyo malaki ang mata at mapula ang labi.

Ang gwapo!

Nabaling ang tingin ko kay rey. "A-Ano raw?"

"Hi daw layla siya daw si Jeon." Saad niya.

"J-Jon?" Pag uulit ko.

"Hindi, Jeon. J-e-o-n, jeon."

"A-Ahh, ano sasabihin ko?" Wala akong alam na korean word!

"Annyeonghaseyo ka nalang rin."

Tumango ako at ibinalik ang tingin kay jeon sabay ngiti. "Annyeonghaseyo, jeon!"

Yumuko din ako tulad ng ginawa niya noong binati niya ako. Ngumiti rin siya at inabot ko naman ang kamay niya saka nakipag shakehands.

Nabaling ang tingin ko nang napa-ismid ang isang lalakeng mukhang pinakamatangkad sa kanila.

"English?" Tanong ng lalake.

Tumango ako ng tatlong ulit saka ngumiti. Kahit papaano naman ay marunong ako mag english kahit di sobra basta naiintindihan ayos na iyon.

May nag ring na telepono at agad naman tumayo si rey para sagutin iyon.

"Excuse me.." tumingin siya sa'kin. "Layla dito ka muna ha?"

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon