Your Maid 6

2.7K 61 2
                                    

Holding Hands.

"Hmm.." Sinampal ko ang bagay na nasa mukha ko at tumagilid sa kabilang side tsaka umayos ng higa.

Inaantok pa kasi ako ngunit may nararamdaman akong sumusundot sa pisngi ko. Sa tingin ko naman ay hindi pa umaga dahil hindi ko naman naririnig ang ingay ng alarm clock.

"Layla..." Patuloy parin ang pagsundot sa pisngi ko, naiirita na tuloy ako.

"Ano ba iyon?" Irita kong tanong tsaka unti unting dinilat ang aking mga mata.

Nanlaki ang mata kong tumambad sa akin ang maamong mukha ni Jeon, ang lapit lapit niya sa mukha ko diyos ko!

Napabalikwas ako ng wala sa oras at umupo sa kama habang nakatakip ng kumot, medyo madilim pa pero ano ginagawa ni Jeon sa kwarto ko?

Nanlaki ang mata ko, anong gagawin niya?

Bigla naman sumenyas si Jeon .

"Shhh!" At parang sinasabing huwag ako maingay. Kinalma ko ang aking sarili saka tumango ako bilang tugon.

"Wae?" Why? Tanong ko sa kaniya, naituro iyon ni Joon sakin kanina. Hindi ko kinakandado ang pinto kung sakaling may ipapagawa sila sa akin kaya malaya silang nakakapasok dito.

May hinanap siya sa bulsa niya at nilabas iyong selpon at nagsimula mag pipindot doon. Inabot niya iyon sa akin, pagkabasa ko ay nakasalin na pala ito Filipino kaya binasa ko ang ibig niyang iparating.

"Usap kami kahapon sino kasama mo mamaya sa market? Ikaw pili, pili mo ako pakiusap." Pagbabasa ko sa nakasulat sa selpon niya.

Pagtingin ko naman sa kaniya ay nakaluhod lang siya at nagpapaawa.

Epektib naman dahil ang kyut kyut niya. Natawa nalang ako tsaka tumango tango sa kaniya, nagulat ako nang yakapin niya ako habang nakangiti. Siguro nakasanayan nila na mangyakap, pansin ko rin kasi nitong mga nakaraang araw parang ayun ang pasasalamat nila.

Kaya niyakap ko na rin siya yun lang pala eh bibili lang naman ng mga kailangan sa palengke parang ang laking kagalakan naman na makasama ako sa palengke. Napailing nalang ako habang tumatawa sa ideyang iyon.

"Yaksok?" Promise? Inilahad ni Jeon ang hinliliit niya na parang dapat mangako ako.

Tumango nalang ako at tinugon ang rin ng hinliliit ko para mangako.

Ang kyut kyut talaga nitong si Jeon parang bata talaga kung umasta. Tumayo na siya tsaka ginulo ang buhok ko tsaka hinalikan ang ulo ko sabay takbo paalis ng kwarto.

Teka? Hinalikan niya ang ulo ko? Bakit parang ang touchy nila masyado?

Napailing iling nalang ako, ala-una palang ng madaling araw kaya natulog na ulit ako.

Kinaumagahan pagbaba ko papunta sa kusina suot ang kulang berde-puting uniporme ay nakita ko silang nakaupo doon. Patapos na sila kumain tsaka naman nakita ko si Jin na nagtitimpla ng juice habang nakasuot ng apron, nagtataka man ay nilapitan ko si rey.

"Rey? Bakit si jin ang nagluto?" Lumingon sa akin si Rey bago sumagot.

"Ikaw kasi pupunta sa market para bumili ng mga pagkain naubos na kasi. Heto pera tsaka listahan ng mga kailangan mong bilhin." Nagbigay naman ng halos sampung papel na pera si Rey sakin at listahan ng mga dapat bilhin.

Tumango lang ako tsaka ngumiti. "Oo nga pala mag ayos ka ng suot marami ka naman pang alis doon sa closet mo, tapos pumili ka sa nga kumag na 'to kung sino gusto mo isama para naman may pakinabang." Tumango lang ulit ako bilang tugon, tinuro turo niya naman ang bang boys, napatingin ako sa kanila ngunit nakatingin din sila sakin at parang tuwang tuwang lalabas sila.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon