Your Maid 42

1.7K 45 5
                                    

Forced to be with you.

Gulat siyang napatingin sa akin ng dahan dahan at pansin ko ang pag galaw ng kaniyang adam's apple.

"I think, I heard wrong." He retorted.

"I've been thinking about this." I said.

He sighed at umiling siya sa akin saka seryosong tumingin. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa table .

"I'm not pressuring you. Sinabi ko naman sayo na kahit hindi mo ako kayang mahalin, okay lang sa akin. This is my choice, I am choosing to be with you because I love you." He paused while smiling.

God, gaano ba ako kabuting tao noong past life ko? How do I deserve someone like him?

"Please, don't say something like that. Dahil kapag pintulan ko 'yan, agad agad tayong magpapakasal." He chuckled but his eyes remains serious.

Napatahimik ako. Masyado ba akong padalos dalos sa desisyon ko? Hindi naman out of the blue ko iyon sinabi, dahil napag isipan ko naman ito matagal na.

Wala namang masama diba? Alam kong natuturuam din ang puso magmahal sa taong nasa tabi mo, hindi ko lang magawa noon dahil hindi naman madaling kalimutan ang pagmamahal. He's my ideal too, I like him. Doon naman nagsisimula ang pagmamahal diba?

I'm not desperate to have a married life, it's just that, it's a long time we've been through. Kahit na hindi ako pilitin ng magulang ko, there's no other way for me and besides, everyone will be happy for me. Lahat ng tao sa paligid ko nasaksihan nila kung gaano ka-determinado si andrew sa akin.

I deserve to be happy, matagal na rin akong nagluluksa at nakakasawa na. Andrew deserves to get what he wanted too, he deserves to be happy.

"S-sorry." I said. He smiled and kissed my knuckles.

"I'm just here for you. Whatever your decision is, susuportahan ko. Hindi mo kailangan magmadali."

"What if I already made up my mind? What are you gonna do?" Napaisip naman siya saka muling tumingin sa akin.

"When that time comes, I'll be the happiest man on earth. Dahil pakiramdam ko, nasa akin na ang lahat. You're my everything."

He smiled and god, that's most comforting smile that I've seen in my whole life.

Nang matapos kami sa pagkain ay nag aya si andrew na manood ng movie. Ayoko sana dahil may pasok siya kinabukasan at mapupuyat siya, sabi niya naman hapon pa ang meeting, kaya naman pumayag na ako. Off ko rin naman kinabukasan.

"Anong papanoorin natin?" Tanong ko.

Binuksan niya naman ang malaking tv niya, nakaupo naman ako sa malaking sofa.

"You choose." Ngumiti siya saka binigay ang remote sa akin.

Pinili ko nalang ang titanic, dahil sa totoo lang hindi ko pa ito napapanood.

"Okay lang ba na ako pumili?" I asked.

"Oo naman. Manood ka na, maghahanda lang ako ng popcorn." Tumango naman ako at ngumiti.

Sinimulan ko na panoorin ang palabas. Tahimik lang akong nanonood habang pinipilit intindihin ang story, pero hindi ko magawa.

Dahil si min nanaman ang naiisip ko. Hindi parin ako makapaniwala na nasa harap ko siya kanina. He even said sorry to me. Hindi ko alam kung bakit sumisikip parin ang dibdib kong sa ideyang mahal ko parin siya. Akala ko dati, tanggap ko na ang kapalaran ko. Akala ko tanggap ko na magkaiba talaga kami ng mundo.

Pero nang makita ko siya kanina sa harap ko, para akong bumabalik sa dati.

Napailing iling ako sa aking naiisip. Hindi ko na dapat iniisip ang taong kasal na, mali iyon. Saka ano bang pakialam ko sa buhay ng iba? Hindi na dapat ako nanghihimasok sa buhay nang may buhay.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon