Your Maid 29

1.6K 51 2
                                    

Chance.

"Layla, I'm talking to you. Please talk." Nakatingin sa akin si min ng nakakunot ang noo.

Hindi ko namalayan na nakatayo lang kami dito at nakaharap sa akin si min. Masyadong na-occupied ng utak ko ang mga pangyayari, kani-kanina lang na-disappoint ako sa hindi pagsulpot ni andoy pero ngayon nagbubunyi ang puso ko dahil kasama ko ang taong mahal ko.

"A-uhmm s-sorry, what did you say?" Napakagat ako ng labi dahil madilim niya akong tinignan.

"I said, did you eat already or you just waited for that bastard?" Hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.

Nararamdaman kong iritado na siya at parang gusto niya na ako sapakin kung hindi lang ako babae dahil sa pagiging shunga shunga ko. Pero syempre joke lang alam kong mabait na tao si min. OA lang ako mag isip.

Dahan dahan akong napailing at bigla nalang siya tumalikod.

Akala ko iiwan niya ako pero narealize ko na hawak hawak niya parin ang kamay ko kaya halos kaladkarin na ako ni min dahil matangkad siya at malalaki ang hakbang.

Hindi ko maintindihan ang kabog ng puso ko dahil magkahawak nanaman kami ng kamay, ang lambot at ang init ng kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Palihim akong napangiti sa sarili ko habang nagpapatianod sa kaniya.

Maya maya pa ay huminto kami sa mga stall, dinala niya ako sa mga streetfoods sa loob ng perya.

"I bet you eat those kind of food?" Lumingon sa akin si min.

Napatingin naman ako sa mga pagkain. May turon, bananaque, kwek-kwek, tokneneng, fish/chicken/squid ball, kikiam, pati na rin ang mga ihaw ihaw. Bigla akong napalunok dahil namiss ko ang ganoong klase ng pagkain lalo na noong nasa korea ako, paborito kasi namin ang street foods. Bonding na naming pamilya ang kumain ng ganitong klase ng pagkain.

Bigla nalang tumunog ang tyan ko kaya napatingin ako kay min, nakatingin na siya sa akin. Akala ko di niya maririnig dahil sa ingay ng perya pero napa-'tsk' nalang siya at tinalikuran ako at humarap sa tindera, binitawan niya rin ang kamay ko.

Bigla akong nalungkot pero hindi ko nalang pinahalata, kinalabit ko si min at tumingin siya sa akin na magkasalubong ang kilay. Napakataray talaga ng lalakeng ito.

"What?" Iritado niyang saad.

"I have money, you don't need t--"

"We are dating, just let me." Aniya at tinalikuran ako.

Kakalabitin ko pa sana siya kaso baka magalit na, kaya hinayaan ko nalang. Napakagat labi ako at nagpipigil ng ngiti kapag sinasabi niyang 'date' namin ito.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni min sa tindera dahil maingay dito sa perya. Mga videoke, sigawan ng tao sa rides, hiyawan ng taong nanalo sa mga palaro. Basta nakikita ko nalang na nakangiti yung babaeng tindera na sa tingin ko ay ka-edad ko lang at parang kinikilig pa. Napa-irap nalang ako at naghanap ng mauupuan. Ang harot.

Maya maya pa ay hinanap ni min kung nasaan ako, nakita niya rin ako agad at dala dala niya ang mga binili niya. Napanganga ako nang ilapag niya ang dala niya dahil binili niya lahat ng klase ng tinda na nandoon.

"M-min it's too many. I-I can't--"

"Who said you'll eat alone?" Umupo sa tapat ko si min, tsaka niya ako binigyan ng tinidor.

"You like to taste it?" Saad ko, tumango naman siya.

"What if the recognize you if you remove your mask?" Taranta kong tanong nang ibababa niya na ang mask niya.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon