Your Maid 36

1.5K 46 0
                                    

Misconception.

Ilang araw na ako nagmukmok sa kwarto ko, wala rin naman ang bang boys at si rey. Mukhang matatagalan pa sila dahil busy sa comeback at concert.

Malinis naman ang buong bahay kaya hindi na muna ako gumalaw. Hindi din ako kumain muna, wala parin kasi akong gana hanggang ngayon. Alam kong hindi dapat ako nagpapabaya, kaso ayaw ko naman ipilit ang sarili ko kasi baka mapasama.

Bumangon ako sa aking kama, umupo nalang ako at tumanaw sa bintana. Lumalamig na ulit ng sobra ngayon sa korea, sa pilipinas malamang tag init parin doon. Pero kahit ganoon nakakamiss parin ang pilipinas.

Bigla kong naalala nanaman ang pamilya ko. Natawagan ko sila noong nakaraang araw at ayos parin naman daw ang lagay nila. Si inay ay malakas ang bentahan sa palengke, si itay ay namamasada parin. Ang nga kapatid ko nag aaral naman daw ng mabuti. Basta ayos na sila ay ayos na rin ako.

Pero namimiss ko na ulit sila, iba parin talaga kapag nasa bahay ka. Kung saan pwede mo gawin lahat ng gusto mo na walang huhusga sayo. Wala kang masasaktan at wala kang iiwasan. Lahat kayo ay iisa.

Simula nang mapunta ako dito sa bahay na ito at makilala ang bang boys, noong una ay takot ako dahil lahat sila lalake. Pero nang makilala ko silang lahat, parang pamilya na rin turing ko sa kanila. Sila iyong tinuturing kong pamilya dito sa south korea, hindi kasi nila pinaramdam sa akin na iba ako dito.

Kaya masaya ako dahil nakilala ko ang tulad nila, kahit na nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan nila yoong noon ay wala na sa akin iyon, nadala lamang sila ng galit saka humingi rin naman sila ng tawad. Hindi ko na ulit hahayaang may madamay pa sa ka-tanga-han ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nakagawa ako ng ikakabagsak nila.

Ilang beses na akong napabuntong hininga habang nakatanaw lang sa aking bintana. Ilang araw na simula nang kausapin ako ng girlfriend ni min. Ilang araw na rin di ko mapigilang mapaluha, hindi ko lang talaga maiwasang maging emosyonal. Ang hirap kasi eh, parang nadurog ako nang mapagtanto ko ang lahat ng mga sinabi ni Lee Hyun-Ae.

Ang girlfriend ni min.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi. Nanlalabo nanaman ang mga mata ko at namamaga, hanggang kailan ba ako titigil?

Kung pwede lang na pigilan ay matagal ko nang pinigilan. Pagod na rin akong umiyak, pero hindi ko kasi kaya eh. Kahit iyong nararamdaman ko kay min ay kung kaya kong pigilan, edi sana matagal ko na itong ginawa.

Pero hindi eh. Mahal ko si min, kahit hindi talaga dapat noong umpisa palang.

Hindi niya alam kung gaano ako kasaya kapag nilalambing niya ako. Kung gaano ako kapigil na huwag siyang patulan sa ginagawa niya. Kung gaano ko ka-gustong yakapin siya, kung gaano ko ka-gustong mapalapit sa kaniya. Wala siyang ideya na sobra sobrang pagpipigil ang ginagawa ko para huwag siyang bigyan ng pag asa.

Akala ko lang naman kasi mahal niya ako.

Akala ko lang pala talaga ang lahat.

Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. Kung alam ko lang na napapalapit na pala ang loob ko sa kaniya, sana lumayo na ako dati pa, bago pa ako magkaroon ng nararamdaman sa kaniya.

Mali ako. Kasalanan ko naman ito diba? Pero deserve ko ba ang ganito? Ano bang masamang nagawa ko? Kung pwede ko lang pigilan ang nararamdaman ng isang tao ay matagal ko na rin ginawa.

Ilang araw na akong ganito, nakatitig sa kawalan at nag iisip ng kung anu-ano. Ilang araw naglalaro sa aking isipan kung ano bang masamang ginawa ko kay min para ganituhin niya ako. May nagawa ba akong hindi niya gusto? Sana sinabi niya nalang, hindi iyong ganito.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon