Your Maid 38

1.5K 50 2
                                    

Faith wrecker.

"I'll go with you, baby." Naramdaman kong hinawakan ni min ang kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya at agad umiling.

"I will tell manager about us. Do you remember what I said before? If I say it, I mean it." Napaiwas ako ng tingin at agad nag init ang aking pisngi sa kaniyang sinabi.

"Baby, trust me this time, will you? I'll break this all for you. Let's fight together." Para akong napipi sa kaniyang sinabi. Seryoso ang kaniyang tinig, hindi ko mawari kung seryoso din ba siya sa kaniyang sinasabi.

Ngunit kahit ganoon, hindi ko maintindihan ang saya at pagbubunyi ang aking puso kahit na nasa gitna kami ni min ng pagsubok ay kumakapit siya. Kailangan naming lumaban.

Tumango ako at ngumiti bilang sagot.

Sa ngayon, gusto ko munang maniwala sa kaniya. Gusto kong bigyan ng chance ang sarili ko naman. Ayoko muna mag isip ng iba. Kahit ngayon lang.

Gusto ko lang maging masaya.

"You should go to the company." Sambit ko.

Agad napakunot ang kaniyang noo.

"You understand hangul now baby?" Napatitig ako sa kaniya.

Oo nga pala, wala siyang alam doon. Pero, ano naman? Wala naman mawawala diba?

Dahan dahan akong tumango. Wala, nabuko na rin naman ako.

"When?"

"It doesn't matter. You go there, I'll follow rey." Pag iiba ko ng usapan, kaso pag tingin ko ay nakatitig lamang siya sa akin.

Ngumiti ako ng marahan at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay.

"Everything will be fine." Sambit ko pa kahit na wala namang kasiguraduhan. Ito nalang talaga siguro ang masasabi ko sa lahat ng kumplikadong sitwasyon.

Ilang segundong napatitig si min sa akin saka ngumiti at tumango. Akala ko ay hindi ko siya makukumbinsi, ngunit alam kong pinagkakatiwalaan niya ako.

Sa ngayon ay kailangan namin ng pagtitiwala sa isa't-isa. Gusto ko lang malaman kung gaano ka-seryoso si min sa mga sinasabi niya. Gusto ko lang kumpirmahin kung totoo ba iyon, gusto ko lang masigurado kung talagang mahal niya ako.

Gusto kong subukan naman ngayon ipaglaban ang pag ibig ko sa kaniya. Tama na ang pagpipigil, pagod na ako.

"Okay, I'll call you after. Pick it up." Tumango na lamang ako bilang tugon.

Kilala ko siya bilang isang taong matigas ang ulo kaya dapat ay pumayag ka kaagad sa kaniyang sinasabi. Dahil kung hindi, hindi niya rin gagawin ang mas importanteng bagay. Ganiyan katigas ang ulo niya.

Ngumiti siya sa akin kaya agad akong napangiti. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya.

Mahal din ba talaga ako ng gwapong singkit na ito?

Natauhan ako nang siya ay papalapit at hinawakan ang aking ulo, akala ko kung ano ang gagawain niya, iyon pala hinalikan lang niya ang noo ko ng ilang segundo.

Lumayo siya ng kaunti pagkatapos. Akala ko ay aalis na siya ngunit nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi, tatlong beses iyon saka niya ako nginitian muli. Ngiti na mas nagpapahulog sa akin.

Nag init ang aking pisngi, totoo ba ito? Nananaginip ba ako?

"Baby, I love you." Aniya sa malambing na boses.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon