Your Maid 15

2.1K 64 0
                                    

Her.

"tae! nae deung-eul geulg-eo jwo!" tae! Scratch my back! Umiiling iling at nagkakamot ng batok na pumunta si tae kay jin saka kinamot ang likod ni nito na prenteng nakadapa sa higaan dito sa bakuran.

Hindi pa nakuntento si jin may pa-massage at lotion pa nga kay tae, samantalang si tae umuusok na ang ilong sa inis sa kaartehan ng ka-miyembro na kasalukuyang tumatawa sa kalokohang ginagawa niya.

Samantalang sa loob ng bahay ay nag vacuum naman si yoong na inutusan ni hob. Mamaya nga daw pati rooftop dapat walang alikabok. Nakakaawa kaso pinapalo lang kamay ko nang dalawang nanalo pag nagpi-prisinta ako na ako na gagawa dahil trabaho ko naman iyon.

Malayang umutos-utos ang dalawa dahil hindi ko naman naiintindihan tulad ng sinabi ni hob kay jin. Ang hindi nila alam ay nakakaintindi na ako, kung anu-anong trabaho pinapagawa nila kay yoong at tae nakakaawa na talaga.

Mula sa paglinis ng bahay, pag papantay ng damo, pagluto, paglaba, sila na lahat lahat ang gumawa. Kung tamad ako malamang masaya ako, kaso nakokonsensya na rin dahil sila na gumagawa ng trabaho ko. Dahil amo ko rin sila, hanggang tingin nalang tuloy ako dahil piangababawalan nila ako kahit na halos lawit na dila ng dalawa kakautos ni jin at hob.

Napapunta nalang ako ng kusina at inayos ang mga gagawin. Pinag aralan ko na talaga ito ng maayos kaya ewan ko nalang kung sumablay parin ang lasa. Nilapag ko na ang mga kagamitan na gagamitin at mga ingredients. Nakita ko pa si yoong na pagod na pagod mag-vacuum sa salas, napailing nalang ako. Bibigyan ko nalang sila ng reward dahil sa ginawa nila.

Nagsimula ko nang halu haluin ang mga ingredients at nilagyan ng hugis puso, star, bilog, parisukat, bulaklak at iba pa. Nilagay ko na sa oven ang mga iyon.

Nakaraan ang ilang minuto at kinuha ko na iyon. Kinakabahan akong tinikman ang cookies sa ginawa ko, pikit mata ko kinain ang cookies na nananalangin na sana ay masarap.

"Omg! Thanks god!" Mangiyak ngiyak kong saad sa cookies na gawa ko. Finally! Masarap siya! Nakakatuwa, salamat diyos ko! Tagal ko ipinalanganin ito!

Dahil doon ay gumawa rin ako ng chocolate cupcakes. Hindi rin ako nabigo dahil maayos na ang lasa. Nilagyan ko pa ng design ng icing ito saka kinain. Maraming salamat lord! Marunong na ako!

Iniligpit ko ang lahat ng mga nagamit ko saka inayos ang mga cookies at cupcakes. Marami rami ito at hinati ko na baka kasi mag agawa pa sila. Nagtimpla na rin ako ng pineapple juice, siguradong matutuwa sila dito dahil hindi sila maarte sa pagkain.

"Yeorobun!" Everyone! Sigaw ko. Hapon na kasi kaya ito nalang ang meryenda ko para sa kanila.

Agad naman nagsipuntahan ang apat. Nagtanong pa nga sila kung bakit pero tinuro ko ang lamesa, agad nagningning naman ang kanilang mga mata. Kani-kaniya sila ng upo saka nila kinain ang ginawa ko.

"i kukiwa keob keikeuga choegoibnida!" This cookies and cupcakes are the best! Tinuro pa ni hob ang cookies na hawak hawak niya.

"aju mas-iss-eo!" It's very delicious! Saad naman ni yoong habang punong puno ng bibig. Natawa nalang ako sa inasal nila.

Pagkatapos nila kumain ay nagulat pa ako dahil naubos nila lahat ng iyon. Marami kasi ako na-bake at isa pa mabigat sa tiyan, grabe mga halimaw kumain mga amo ko.

Sinabi ko nalang na umakyat na sila at maaga pa sila bukas gamit ang cellphone kong translator. Ayoko parin ipakitang marunong na ako umintindi at magsalita paunti-unti, sinabi ko rin na ako na bahala sa lahat. Hindi pa dapat papayag si jin at hob kaso inunahan ko na, na pagod na iyong dalawa at maawa naman sila at maaga pa sila bukas, mas mabuti nang mag empake nalang sila ngayon.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon