Your Maid 45

1.7K 54 2
                                    

One last moment.

Pagkababa ng elevator ay humahangos akong lumabas ng building. Nagtanong pa nga ang gwardiya namin sa umaga na si mang nestor kung bakit ako nagmamadali, ngunit nilampasan ko na lamang siya.

Lakad takbo ang ginagawa ko sa malaking parking lot habang palinga linga ako sa aking likod. Ayoko lang talaga na maabutan niya ako dahil hindi ko siya kayang harapin ngayon.

Pagkarating sa gilid kalsada ay wala parin si min. Nakahawak ako sa aking dibdib habang panay naman ang lingon ko sa kalsada at sa parking lot.

Hindi parin magkamayaw ang pagpatak ng aking luha, hindi ko inaasahang magagawa ito ni andrew sa akin.

"Layla!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumatakbo si andrew sa parking lot. Napapikit akong nananalangin sa harap ng kalsada na sana ay may dumaang taxi manlang, punuan ang jeep na nakikita kong dumadaan kaya malabong makasakay ako doon at isa pa, pahinto hinto ang jeep kaya madali ako maaabutan ni andrew gamit ang kotse niya.

Min, nasaan ka na ba?

Habang nakapikit at taimtim na nananalangin ay may humigit sa aking kamay. Manlalaban sana ako ngunit nang mapadilat ako ay nakita ko si min ang nasa harap ko. Tumango siya sa akin habang seryoso ang kaniyang mukha.

Nakabukas ang pinto ng shotgun seat at agad akong sumakay doon. Natanaw ko na malapit na si andrew kaya agad ko itong sinarado at nilock, habang si min naman ay paikot na papunta sa driver's seat.

Kinakatok ni andrew ang sasakyan sa aking banda. Hindi ko siya nilingon dahil ayaw kong makikita niya akong apektado sa ginawa niya.

"Layla, please mag usap tayo." Rinig kong pagmamakaawa niya.

Nakikita ko ang mga tao sa paligid na pinagtitinginan na siya dahil sa tanggal niyang mga butones at kalat na lipstick pati na ang gulo niyang buhok. Ngunit kahit ganoon ay gwapo parin siya kaya naman ang iba ay kinikilig pa.

Samantalang ako ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Dahil.. nagsinungaling siya sa akin.

Pagkapasok ni min sa sasakyan ay agad na umandar ito. Narinig ko pa ang sigaw ni andrew sa labas pero nawala rin iyon nang pinaharurot ni min ang jaguar.

This is nostalgic. Noong umalis ako sa bang boys.

But now the tables turned, dahil yung mga taong hindi mo aakalaing gagawa nito sayo ay siya pa ang unang makakagawa nito..ulit.

I should really learned from my past mistakes.

Hindi na ako nadala, ngayon nasaan nanaman ako? Nandito ulit, lumuluha. This is frustrating!

Nararamdaman kong pasulyap sulyap sa akin si min na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Nang mapatingin ako sa kaniya ay halata ang pag aalala sa kaniyang mga mata. Narinig ko pa ang ilang buntong hininga niya.

Naalala kong si steven ang nagda-drive sa akin palayo kay min. Years after si min naman ang nagda-drive sa akin papalayo kay andrew, funny life isn't it?

Walang tigil na nagri-ring ang cellphone ko. Si andrew at kirsty ang mga missed calls, agad ko itong shinutdown at ibinulsa.

Ganito nalang ba eksena ko lagi? Mahuhuli kong niloloko ako ng taong nangangako sa akin tapos lalayo ako?

Marahan lamang akong ngumiti sa kaniya. "Thank you." Pagkasabi ko niyon ay umiwas agad ako ng tingin.

Pinunasan ko naman agad ang luhang nagbabadya nanamang tumulo. Narinig ko pa ang iilang mura niya at mahigpit ang hawak niya sa manibela. Umiigting ang kaniyang panga na parang gusto niyang manuntok anytime.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon