VICTORIA

31.1K 534 219
                                    

CHAPTER 1

1994

Inis na inis si Ramcel habang nagbabantay ng sari-sari store nila. Nakasimangot syang nililipat- lipat ang pahina ng komiks na binabasa nya habang nakapangalumbaba. Gustong-gusto pa sana nyang matulog kaso ala-sais pa lang nang umaga, ginising na sya ng Mommy nya para magbantay ng tindahan. May kasama pang sermon ang almusal nya na kesyo bakasyon naman kaya tumulong sya sa bahay at huwag maging tamad.

Pagkatapos nyang hugasan ang pinagkainan nila, naligo sya at nagbantay ng tindahan. Antok na antok pa sya at inip na inip din. Ang boring kasi. Lalo’t naririnig pa nya ang masayang sigawan at tawanan ng mga naglalarong kapit-bahay sa may basketball court. Ayaw syang palabasin ng Mommy nya kaya nagkasya na lamang syang basahin ang mga lumang komiks nya.

Kaso hindi mapawi nina Tinay Pinay, Eklok at Combatron ang boredom nya. Gusto nyang maglaro sa labas o kaya matulog. Nanlumo din sya nang maalalang hindi rin sya makakapanood ng paborito nyang cartoon na A Dog of Flanders. Hindi rin sya makakapunta kina Jenny para sabay silang manood ng Conan the Barbarian at G-Force.

“Hoy Ram! Nakabusangot ka na naman dyan! Malas yan sa negosyo,” natatawang pukaw ni Jenny sa kanya. Inirapan nya ang kaibigan. “Kapag nakita ka ni Tita Jo makakatikim ka na naman ng kurot.”

Kilala na nito ang Mommy nya. Bukod kasi sa magkapit-bahay sila, magkaklase din sila ni Jenny mula pa nung kinder sa catholic school na pinapasukan. Seatmates sila. Mula kasi nang magpalit sila ng baon- corned beef with rice sa kanya at spaghetti ang kay Jenny- naging magkaibigan na sila.

“Bibili ka ba?” Inis nyang tanong rito.

“Ang sungit,” nakangiting komento ni Jenny saka pinaikot ang almond shaped eyes nito. “Pabili ako ng tig-limang pisong suka at toyo.” Walang ganang nagsukat si Ramcel ng suka at toyo saka sinalin sa plastic. “Excited na ako sa pasukan kasi Grade 4 na tayo. At pwede na tayong gumamit ng ballpen!”

Inirapan nya ang kaibigan saka ibinigay ang binibili nito. “Sa ballpen ka talaga excited?”

“Bakit, ikaw ba hindi?” Pandidilatang banat ni Jenny sa kanya.

“Hindi.” Nakasimangot nyang sagot. Syempre hindi nya aaminin rito na nagpabili na sya sa Mommy nya ng iba’t- ibang kulay ng scented ball pen last week pa kahit isang buwan pa bago mag-umpisa ang susunod na pasukan.

“Kunwari ka pa.” Binigyan sya ni Jenny nang nanunuksong tingin. Kilala na kasi sya ng kaibigan nya. Inirapan na lang nya ito. “Pupunta ka ba samin mamaya?”

“Hindi. Kita mo naman, bilanggo ako rito.” Umirap na naman si Ramcel.

“Wag ka ng umirap dyan. Sasamahan na lang kita dito mamaya pagkatapos kong magwalis sa bahay,” malambing na sabi ni Jenny. 

Ngumiti na rin si Ramcel. At least may karamay sya sa kanyang pagdurusa. “Bilisan mo ah.”

“Ang demanding mo,” naiiling na sabi nito. “Uwi nako. Balikan kita mamaya.”

Bumalik naman si Jenny after 2 hours. Pumasok ito sa loob ng sari-sari store at tinabihan sya sa malapad na upuang yari sa kawayan. Dala nito sina Barbie at Ken na padala ng tatay nito galing U.S. Pinaglaruan nila ang mga ito at ginawan ng kwento. Niligawan ni Ken si Barbie hanggang maging mag-asawa sila.

“Tapos, malalaman ni Barbie na isa palang aswang si Ken saka sila maghihiwalay,” sabi ni Ramcel.

Sinamaan sya nang tingin ni Jenny. “Bakit naging horror na?”

“Para hindi boring,” pagdadahilan ni Ramcel. “Puro ka kasi love story. Ang korni nun. Napaka-predictabe ng kwento. Alam mong pagdating sa huli, magkakatuluyan din sila.”

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon