Inseparable

8.4K 349 92
                                    

CHAPTER 3

Sa mga sumunod na araw, laging magkasama sina Jenny, Victoria at Ramcel. Lagi silang tumatambay kina Victoria, pero nang gumaling na ito, kung hindi nila sinasamahan si Ramcel sa tindahan, kina Jenny naman sila pumupunta para kumain ng miryenda.

Kasalukuyan silang nasa bubong ng bahay nina Ramcel sa tapat ng kwarto nya. Naglatag sila ng banig doon at naglabas ng unan. Kung hindi sila nagbabasa ng kani-kaniyang paboritong babasahin, masaya silang nagku-kwentuhan. Dahil maagang nagigising si Ramcel araw-araw at masarap ang simoy ng hangin, nakatulog sya nang hindi namamalayan.

Nagising si Ramcel maya-maya pero hindi sya nagmulat ng mga mata. Gusto pa rin nyang bumalik sa pagtulog. Narinig nyang mahinang nag-uusap sina Victoria at Jenny.

"Ikaw lang pala ang makakapagpangiti dito kay Ramcel eh," narinig nyang komento ni Jenny. "Ang sungit-sungit kasi lagi nyan. Ako lang ang nakatagal dyan. Buti dumating ka na. May kasama na akong iintindi sa kanya." Saka sila naghagikgikan.

"Lagot ka sakin mamaya," banta ni Ramcel sa isipan nya pero natatawa sya kay Jenny. Totoo naman ang sinasabi nito. Si Jenny lang ang kaibigan nya sa school. Kahit maraming gustong makipaglapit sa kanya, hindi pinapansin ni Ramcel ang iba nyang kaklase. Kontento na sya kay Jenny.

"Bakit nga ba lagi syang nakasimangot?" Curious na tanong ni Vi.

Hindi agad sumagot si Jenny. Hinintay ni Ramcel ang sasabihin ng kaibigan. "Malalaman mo rin, Vi. Sya na lang ang magsasabi sayo. Basta, friend ka na namin ah. Wala ng bawian."

Nailing na lang sya sa mga ito. Nakaidlip ulit si Ramcel pero naramdaman nyang may tumabi kanya. Si Victoria. Nalanghap nya ang amoy vanilla na nagmumula rito. Yumakap ito sa braso nya. Parang may kiliting dumaloy sa katawan ni Ramcel at awtomatikong bumilis ang kabog ng puso nya. Nagmulat sya ng mata at sumalubong sa kanya ang magandang mata ni Vi, na nakatitig sa kanya. Nginitian sya nito. Ang lapit ng mukha nito sa kanya.

"Friends na tayo habam-buhay. Pangako," bulong ni Victoria saka ito pumikit at lalong sumiksik sa kanya. Napatitig na lamang si Ramcel sa mukha nito. Akala nya nakatulog na ito nang biglang itong magsalita. "You should smile more often, Ram, because I like your smile. Your dimples are cute." Buti na lang at nanatili itong nakapikit kundi makikita nito ang pamumula ng mukha nya.

"Umi-english ka pa dyan," komento ni Ramcel. "Pwede ka namang humanap ng ibang kaibigan sa school. Maraming mas mabait dun." Naisip nya ang nasabi ng ate nya. Maganda si Victoria. Paniguradong maraming magkakandarapang maging kaibigan nito. She'd be one of the popular girls. Nakikita na nyang lagi na itong isasali sa mga beauty contest. Baka ito na rin ang instant Muse ng klase nila.

"Ayoko. Ikaw lang at si Jenny ang gusto ko."

True to her words, kahit friendly si Victoria, kina Jenny at Ramcel lang ito laging nakadikit nang mag-umpisa ang klase. Medyo nailang pa ito noong unang araw ng klase dahil pinagtitinginan nila ito.

"Huwag mo silang pansinin. Ngayon lang nakakita ng tao yang mga yan," sabi ni Ramcel at hinila sa kamay si Victoria palayo sa mga estudyanteng nakatitig sa magandang mukha nito nang pumasok sila sa gate ng school. Hinatid sila ni Tita Isabelle sa harap ng school gamit ang kotse nito pero hindi na sila nagpahatid sa loob. Nangako si Ramcel na sya na ang bahala kay Victoria.

Bukod sa bagong mukha si Victoria, natatangi rin kasi ang ganda nito kaya hindi masisi ni Ramcel na mapanganga ang lahat lalo na ang mga boys nang makita ito. Kita rin ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng mga kaklase nya dahil may bago na syang kaibigan bukod kay Jenny.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon