Blue Iris

4.1K 232 29
                                    

CHAPTER 6

“Vi, hindi mo ba talaga sya kakausapin?” Pinandilatan sya ni Irene as soon as makapasok ito sa opisina nya. “Ilang araw mo na syang iniiwasan and she really looks miserable. Kawawa naman sya.” Nakapameywang pa ito. Minsan nakakalimutan nitong sya ang boss. “Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa.”

“W-Walang nangyari samin,” she said hastily and Irene gave her a suspicious look.

Ilang araw na nyang iniiwasan si Ramcel. Kahit araw-araw sya nitong pinupuntahan sa Bistro, hindi nya ito nilalabas para kausapin. Maging ang Mama nya ay nagtataka sa ikinikilos nya. Nagpapasalamat na lang syang hindi sya nito inuusisa. Medyo nagi-guilty sya dahil ginagawa pa nyang kasabwat ang Mama nya. Ito kasi ang humaharap kay Ramcel para sabihing maaga syang umalis o kung anumang maisip nitong idahilan.

Lumalabas lang sya sa opisina para istimahin ang mga customers kapag umalis na si Ramcel. Nagmatigas syang huwag itong kausapin until Ramcel stopped coming to the Bistro. Hindi na rin ito pumunta pa sa bahay nila. Her texts, email messages and phone calls also stopped.

“Inimbita ko si Ramcel this Saturday,” her mother declared while eating her breakfast cereals. Victoria was about to protest when her mother interrupted her. “I don’t care if you two are not talking. It’s my birthday at ako ang masusunod. Isa pa, wala pang kakilala ang kaibigan mong yun dito. Mabuti na ring makilala nya ang ilan sa mga kababayan natin dito. Lalo at yung kaisa-isang kaibigan nya eh hindi sya kinakausap,” pangungunsensya pa nitong dugtong.

Victoria rolled her eyes. Bigla naman syang nainis nang maisip na makakakilala ng bagong kaibigan si Ramcel bukod sa kanya. Naisip nya si Alexa, ang bisexual at malanding anak ng isa sa mga kabigan ng Mama nya. Maganda ang dalaga pero tila laging kulang sa tela ang mga suot nito. Sigurado syang lalandiin nito si Ramcel. Umiinit na agad ang ulo nya kahit hindi pa man nangyayari.

“Vi, who’s that goddess?” Alexa whispered excitedly to Victoria, who was busy grilling sausages, burger patties and marinated meat.

It’s her mother’s birthday and she invited some of her friends from the bank. Dumating din ang ilang kaibigan nito from the Filipino Community na dito rin nagt-trabaho sa New York kasama na doon si Tita Margie, ang mommy ni Alexa.

Naghanda sila ng konting pagkain at nagset-up ng table sa back porch ng bahay. Maluwang kasi ang garden sa likod at may grilling station dun for barbeque. Lunch time dumating ang sampu nilang bisita. Abala ang lahat sa pagku-kwentuhan at ine-enjoy ang masarap na pagkain.

Kahit hindi pa nakikita ni Victoria, alam na nya kung sino ang tinutukoy ni Alexa. Tinapunan pa rin nya ito ng tingin para kumpirmahin. It was Ramcel, who was on her usual white button down tucked on a dark denim jeans, and paired with white sneakers.  Her long sleeves were rolled just below her elbows and her long shiny straight hair was pulled in a ponytail. Bumebeso ito sa Mama nya sabay inabot ang dala nitong champagne at bouquet of red roses.

“You know what, never mind. I’ll just introduce myself,” Alexa said with desire in her eyes. She looked seductive on her very short dress with plunging neckline.

Wala nang nagawa si Victoria nang iniwan sya nito at lumapit kina Ramcel, who was a bit startled when she saw Alexa. Marahil naakit si Ramcel rito. Napasimangot si Victoria at itinuon na lang ang atensyon sa iniihaw. “Ang landi. So, ganyan pala ang mga type nya,” bumubulong-bulong na sabi ni Victoria.

“You know, they say that cooking is tied to your emotions. Sigurado akong mapait ang kalalabasan nyang iniihaw mo,” nanunuksong sabi ni Irene, na kararating lang at hindi nya namalayang nakalapit na pala sa kanya. “Base sa level ng pagkakasimangot mo, Alexa annoyed you again.” Hinanap ng mga mata nito si Alexa. “Kaya naman pala,” natatawang sabi nito. “Close na sila agad?”

SINCE NINE Book 2: ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon