Hector

2.8K 171 106
                                    

CHAPTER 22

“Beautiful isn’t?” Victoria heard Hector say. Lumapit ito sa tabi nya at pareho nilang pinagmasdan ang paglubog ng araw. Nakatayo sila sa balcony ng mansyon ng mga Sebastian at kita mula sa kinaroroonan nila ang dagat. “I’m sorry about my Dad. Nagbibiro lang sya.”

“I know.” Tinapunan nya ito ng tingin at hindi mapigilan ni Victoria ang humanga sa gwapong mukha nito. He looked hot on his black button down shirt paired with dark jeans and boots. Ano bang meron sa mga button downs? She wondered. Ang hot din ng dating ni Ramcel sa kanya kapag ganun ang suot nito.

Ramcel. Speaking of her wife. Hindi pa nya ito natatawagan mula pa kaninang umaga. She just sent her a text message letting her know she’d be busy preparing for her father’s victory party. Two weeks na sya sa Batangas at hindi pa sya nakakaluwas ng Manila.

She was supposed to stay only for a week. Kasama sya ng Daddy nya at ng pamilya nito sa araw-araw na pangangampanya hanggang sa dumating ang eleksyon. Her father requested for her to extend her stay and she couldn’t say no. Gusto rin nyang mas makabonding pa ang Dad nya since napaka-busy nito sa campaign.

Kahit hindi aminin sa kanya ni Ramcel, alam nyang nalulungkot itong wala sya. Victoria was thankful because her wife was so understanding. Hindi rin nito magawang magalit sa kanya kapag hindi nya ito natatawagan o kaya naite-text ng madalas.

Muling nanalo bilang Governor si Rodrigo Sebastian, ang ama ni Hector at pinagsabay na ang victory party nito at ni Mayor Alonzo. Sa mansion ng mga Sebastian ginanap ang party, at kasalukuyan pang nagkakasiyahan ang mga tao sa loob. Everyone was accommodating when her father introduced her. The Governor complimented how beautiful she was. Nagkomento pa itong bagay sila ni Hector, na medyo nahiya sa tinuran ng ama.

The party started during Lunch at dumadami ang mga tao habang dumadaan ang oras. She felt suffocated. Some men even tried to flirt with her so she had to escape.

Dito sya sa balcony kung saan malayo sa party sya napadpad. Sumusunod ang buhok nya sa ihip ng banayad na hangin. Tila nag-aanyaya naman ang dagat na hubarin nya ang suot nyang pulang blouse at jeans para lumusong sa tubig. She fought the urge and contented herself staring at the horizon until sunset.

“You are welcome to come here anytime and enjoy the beach.” Parang nabasa ni Hector ang iniisip nya.

“Thank you.” Tinapunan nya ito nang ngiti. Lagi sila nitong magkasama during the campaign dahil bukod sa pagsuporta nito sa ama, suportado ng mga Sebastian ang Daddy nya. Ngayon pa lang, ipinapahayag na ng current Governor kung sino ang napipisil nitong hahalili sa kanyang puwesto.

Humingi na sya nang paumanhin rito about her non-voter comment. Hector just dismissed it. Lagi itong nasa tabi nya during the campaign. Napaka-gentleman nito. Ito ang nag-aabot sa kanya ng towel o kaya inumin kapag nauuhaw sya. Very pleasant itong kausap at wide reader din kaya naman marami silang napag-uusapan during break.

Charismatic din ito pero walang balak si Hector na pasukin ang mundo ng pulitika. Isa itong businessman at pag-aari nito ang ilang gasolinahan sa San Vicente at karatig bayan.

Ilang beses rin syang napagkamalang girlfriend ni Hector. May mga nagsabing bagay raw sila. Nahihiya tuloy sya sa lalaki. Kung pwede nga lang talagang ipagsigawan sa lahat na taken na sya, matagal na nyang ginawa.

“Sabi ni Tita Armando, babalik ka na raw ng Manila in three days?” Tumango si Victoria. “And here I thought may bago na akong kaibigang makakausap na matino,” birong dugtong nito. Napangiti lang si Victoria. “Hinihintay ka na ba ng boyfriend mo?”

“I don’t have a boyfriend,” tugon nya. “But I have a wife,” gusto sana nyang sabihin.

“So, walang magagalit?” He was staring at her intently.

SINCE NINE Book 2: ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon