Thanksgiving

4.1K 199 26
                                    

CHAPTER 11

FALL 2008

“Victoria…Baby, relax,” nangingiting sabi sa kanya ni Ramcel. Hinawakan nito ang mga kamay nya at marahang pinisil to assure and calm her. “You’ll be okay. She will like you. In fact, she’s very excited to meet you.”

Kahit naka-suot na sya ng trench coat over her turtle neck sweater, jeans and knee length leather boots, Victoria was still shivering. Kahit may gloves na ang kanyang mga kamay, nanlalamig pa rin ang mga ito. But the cold weather had nothing to do with it. She was very nervous. Ramcel’s grandmother arrived with Reese three days ago. Gusto syang ipakilala ni Ramcel sa lola nito as her girlfriend.

Paano kung hindi sya magustuhan? Palalayuin ba si Ramcel sa kanya?

“Baby, look at me.” Ramcel stroked her face gently. Tumingin sya sa mga mata nito. “Eleanor will like you. You are beautiful, smart and a wonderful person. If she can’t see that…then she’s blind. Nothing will change how I feel about you.” Ramcel kissed her lips and it somehow reassured her.

Tumingin muna si Victoria sa salamin at inayos ang nakalugay nyang along-along buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto nya kasama si Ramcel. May naghihintay sa kanilang black Cadillac paglabas ng gate. Ipinasundo sila ng lola ni Ramcel at hinatid sila sa Grand Riviera Hotel Manhattan, kung saan nakacheck in ang mga ito.

Mula nang sumakay sila sa sasakyan hanggang sa huminto sila sa harap ng French inspired hotel, hindi binitawan ni Ramcel ang kamay nya. Hawak pa rin sya nito nang mahigpit hanggang sa makarating sila sa tapat ng suite. Nakangiting hinalikan muna sya sa labi ni Ramcel bago ito magdoorbell sa pinto.

Bumukas ang pinto ng suite at ang nakangiting si Reese ang sumalubong sa kanila. Kamukhang-kamukha ito ni Ramcel. Mas matangkad lang ng konti ang girlfriend nya.

“Vi!” Masayang bulalas ni Reese nang makita sya. Mahigpit sya nitong niyakap. “My god! You’re beautiful than ever.” Napayakap din si Vi nang mahigpit rito. Mula nang umalis sa probinsya si Reese para mag-aral sa Maynila, hindi na sila nito nagkita pa. “Totoo bang girlfriend ka ni Ramcel? Hindi lang nya gawa-gawa yun?”

Natawa si Victoria habang sinamaan naman ng tingin ni Ramcel ang ate nito. “Don’t pay attention to my sister. She’s just here to ruin the holiday.” Nagpunta ng New York sina Reese para magcelebrate ng Thanksgiving with Ramcel next week. Hinubad nito ang trench coat na suot saka kinuha ang kanya saka isinabit sa coat rack. “I’ll introduce you to Eleanor.”

Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso nya nang kinuha ni Ramcel ang kamay nya at sabay silang tumungo sa living room ng suite. Tumayo mula sa pagkaka-upo sa pang-isahang sofa, ang isang eleganteng ginang na sa tingin ni Victoria ay nasa 60’s, but according to Ramcel, Eleanor was already in her 70’s. Naka-all white itong sweater at pants, na pinatungan ng black cardigan. May pearl necklace ito at earrings. Nakapusod ang pepper colored hair nito at nakita nyang dito namana ni Ramcel ang grayish eyes nito. Bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahan. Mukha itong intimidating pero nawala ang pangamba ni Victoria nang ngumiti ito sa kanya.

“Lola…” Bati rito ni Ramcel. “I mean, Eleanor,” she corrected herself when Eleanor raised her right eyebrow. “This is Victoria, my girlfriend. Vi, this is Eleanor, my grandmother,” pakilala nito sa kanila.

“It’s nice meeting you, ma’am.” Ngumiti si Victoria at inilahad ang kamay nya sa ginang, na noo’y tinignan sya mula ulo hanggang paa.

“Just call me Eleanor, my dear. It’s nice meeting you too,” sabi nito habang nakikipagkamay sa kanya. Malambot ang kamay ng ginang. “I’m glad my grand daughter has exquisite taste in women. You’re so beautiful. I hope Ramcel is not being difficult. She got her feistiness from me.” 

SINCE NINE Book 2: ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon