Trust & Faith

3.1K 185 9
                                    

CHAPTER 18

“Nakakaloka talaga yang girlfriend mo. Aalis na nga lang tayo para magbakasyon, naisingit pa talaga ang trabaho!” Umiiling-iling na komento ni Jenny habang lulan sila ng van papunta sa Studio 11 para sunduin si Ramcel.

“Tinawagan kasi sya kagabi. Urgent daw,” sagot naman ni Victoria. Magkatabi sila ni Jenny sa likod ng driver. Nasa likod nila sina Helena at Samantha. Pumuwesto naman sa likod ng mga ito si Liezle.

Katatapos lang nilang mag-impake last night, when Ramcel got the call. Direk Remy needed her help on revising a script and was asked to come immediately. Hindi ito umuwi buong magdamag. Kinabahan pa si Victoria dahil baka hindi sila matuloy sa lakad nila hanggang sa tumawag si Ramcel na sunduin na lang ito sa Studio 11 ng umaga.

“Demanding naman talaga sa oras pag nasa entertainment business ka. Kailangan mo syang intindihin.” Automatic na umusbong ang inis ni Victoria nang magsalita si Liezle lalo at napaka-condescending ng tono nito.

Kung hindi lang ito kaibigan ni Ramcel, pinatulan na nya ito. Sa lahat ng mga friends ng girlfriend nya, kay Liezle talaga mabigat ang dugo nya. Kahit nung high school pa lang sila, alam na nyang may gusto ito kay Ramcel. Noon pa mang bagong lipat ito sa school nila, malagkit na ang mga tingin nito sa bestfriend nya.

“Liezle, sanay na yan. Di ba, Vi?” Pumihit sa upuan nya si Lauren, na noo’y nasa tabi ng driver, para tumingin sa kanya. “So how’s living with Ramcel? Buti hindi ka nabaliw sa kasungitan nya.”

Victoria threw Lauren a grateful smile. “Naco-compensate naman ng pagiging malambing nya.”

Pinagselosan din nya ito dati dahil lagi itong nakaakbay o kaya nakahawak kay Ramcel noon. Victoria thought she had feelings for Ramcel too but she was wrong. Magkaibigan lang talaga ang mga ito.

During high school, noong hindi pa sila nag-uusap ni Ramcel, nilapitan sya ni Lauren sa library para kausapin.

“Why are you being stupid, Vi? Bakit natitiis mong hindi kausapin si Ramcel?” Naalala nyang bungad nito sa kanya. Nagbabasa sya ng paperback novel at that time at nakasalampak sa sahig ng library nang bigla itong lumitaw sa harapan nya. Tinabihan sya nito. “Nakaka-frustrate kayong dalawa. Lalo ka na.” Napakunot ang noo ni Victoria at tinapunan ito ng masamang tingin. Ano bang pakialam nitong babaing ito sa kanya? “Obvious naman na mahal mo si Ram.”

“W-What do you mean mahal?” Inalis ni Victoria ang tingin rito.

“In denial,” bumulong na sabi ni Lauren. “Hahayaan mo bang maghiwalay kayo nang hindi nagkakaayos? Itatapon mo na lang ba talaga nang tuluyan ang friendship nyo? Malapit na tayong maghiwa-hiwalay, matitiis mo bang hindi kayo nag-uusap?”

“What’s in it for you?” Sa halip ay tanong ni Victoria.

“Ramcel is my friend and I care for her a lot. Kahit kami ang laging kasama nya, sa puso nya ikaw pa rin ang bestfriend nya. Kung hindi mo masuklian ang feelings nya, at least be there as her friend. Kuntento na si Ramcel dun.”

“I want to be friends with her again but how? Sa laki ng kasalanan ko sa kanya, hindi ko na alam kung paano ko sya lalapitan.”

“How? Sus, madali lang yun, Vi!” Natatawang sabi ni Lauren. “The way to Ramcel’s heart is through her stomach.”

That night, Victoria cooked seafood kare-kare for Ramcel. Kay Lauren nya inabot ang tupperware para kainin ng bestfriend during lunch. Araw-araw syang nagluluto para kay Ramcel, na for some reason kaya nitong i-identify ang luto nya.

SINCE NINE Book 2: ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon