Chapter Three: Aro

618 58 6
                                    



"I'll call Mama and Papa," pantay na saad ni Francesca habang nakatitig sa lalaking nakahiga sa kama ng kanyang apong. Hinigpitan din niya ang yakap sa fire extinguisher. If he so much as started a spark, she would douse him like crazy.

"'Wag, hintayin natin siyang magising."

"No. We should keep him unconscious, apong. May sedatives po ba kayo d'yan? Painumin natin siya."

"Umupo ka."

"Apong–"

"Shh!" Tumiim-labi ang kanyang great grandmother habang nakatitig sa nasa kama. Seryosong-seryoso ito, isang malaking kabaligtaran sa rainbow-colored night shirt nito. "Ang s'abi mo, nabahiran ng dugo mo 'yung rebulto tapos nabuhay siya?"

Tumango ang dalaga. "Nagkaugat muna siya tapos parang nagkaapoy siya sa loob. Tapos, gumalaw na siya."

She'd have nightmares about that.

Tumango rin ang kausap. "Ito ang teorya ko. 'Yung kuwento sa pamilya natin tungkol sa mga Katalonan, 'yung tungkol sa singsing, ito 'yon. Ito ang nilalang na kailangang pigilan, gamit ang kapangyarihan ng singsing. Siguro kinulong ang binatang 'to ng isa sa mga ninuno natin at ginawang bato. Napakawalan mo siya dahil sa dugo mo."

Great job, ancestors! Bakit hindi nilagyan ng warning label ang rebulto? They should have left a freaking manual!

"Great. Paano natin siya ibabalik sa pagiging bato ulit, apong?"

"Hindi mo 'ko magagawang bato ulit."

Muntik silang mapasigaw nang magsalita ang lalaki. Pati si Loki ay nagising at napatalon patungo sa kandungan niya.

Nanlalaki ang mga matang napatitig sila sa lalaking nasa kama. Para itong sinasapian. Nagniningas ang mga mata nito at tila may apoy na dumadaloy sa ilalim ng balat. Did she actually think he kinda looked normal? Hah! Walang normal sa estranghero. Those deep golden eyes screamed cray cray.

But she gotta admit, though, he was freaking gorgeous. Yeah, yeah, naisip pa niya iyon? But she's an artist. She knew goodlooking when she saw one. And this guy was a freaking hunk. Golden tan skin, dark hair, chiseled jaw, perfectly sculpted nose and cheekbones, dark golden eyes, the hell. Para itong Middle Eastern prince. Kahit ang damit nito ay parang sa isang maharlika noong lumang siglo. Seda iyon na kulay ng malalim na orange gaya ng mga mata nito. And she had to talk about his jewelry. Panalo. Shining shimmering splendid ang arrive. K'wintas, bracelet, singsing, belt, leg jewelry, dagger–mukhang gold lahat. At mabusisi pa ang disenyo.

"Katalonan," dura nito sa salita na para bang lason iyon. "Hukluban!"

Muling nagningas ang apoy sa mga palad nito. Dahil nakapatong sa kobre kama ang mga kamay ng lalaki, mabilis na dumila ang apoy sa tela at nagliyab.

Okay, Dark Phoenix, time to take a bath.

Hinila niya ang pin at itinuro ang nozzle sa kamay ng lalaki. Pinisil niya ang trigger at bumulusok dito ang fire extinguisher gas.

Sumigaw ang lalaki. "Sumpain ka! Tamapalasan! Magbabayad ka!"

Malutong siyang humalakhak.

"Sumpain ka! Sumpain ka! Itigil mo 'yan!"

"Yeah, yeah. Shut up."

Agad itong tumikom.

Hindi niya napigilang ngumisi. Peace at last.

"Tama na, Francesca." Hinila ng apong niya ang kanyang kamay. "Utusan mo na lang siyang 'wag gagawa ng apoy hangga't di mo sinasabi."

"You're very calm about this, Apong."

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now