Chapter Seven: Kasunduan

541 50 2
                                    



"Okay na si Papa, Lola." Pagod ang hitsura ng kanyang ama sa screen ng computer. "It's a mild heart attack, pero under observation pa rin siya. Bukas na siya ilalabas ng ospital. He's sleeping right now."

Ramdam ni Francesca ang paghihina ng katawan ng apong niya nang marinig iyon. "Mabuti naman. Si Alicia?"

Niyakap niya ang isang braso sa balikat ng matanda at marahan itong pinisil.

"Ngayon pa lang uuwi si Mama. Hindi na namin pinagbiyahe kagabi dahil umuulan. Bukas," patuloy ng kanyang ama, "kapag tumawag ulit kami, makakausap n'yo na si Papa."

"Sige, sige. Matulog ka na rin, mukhang pagod ka na. Six o'clock na ng umaga d'yan, hindi pa kayo natutulog lahat."

"Sige, Lola, Francesca. Bukas na lang ulit. Si Mama mo, nasa nurse station lang. Si Kuya mo nagbabantay sa Lolo Theo mo. Ingat d'yan. God bless."

"Ingat din, Pa. God bless."

Tinapos nila ang tawag, at napasandal ang apong niya sa backrest ng couch. Mukha tumanda ito ng ilang taon dahil sa stress. "S'abi ko kasi kay Theo, mag-exercise nang tama. Ikaw, mag-exercise ka."

Niyakap niya lang nang mahigpit ang apong niya.

Natanaw niya si Aro sa may teresa. Nakatayo ito malapit sa railing, nakatitig sa mga bulubundukin. Alas seis na ng gabi pero may kaunti pang sinag ng araw. Pinapaliguan ng naghihingalong liwanag na iyon ang lalaki. Mukhang sampung metro ang distansya kung saan puwede itong mapalayo sa kanya nang hindi nakakaramdam ng sakit.

Tumalon si Loki sa kanyang kandungan kaya hinimas niya ang ulo nito. "Lolo Theo's going to be okay."

Tumango ang kanyang apong. "Sige na, titingnan ko na muna 'yung niluluto ni Cely. Dito na muna kayo ni Aro."

"May nakita na po kayong ibang paraan para makulong ulit 'yung mga Hantu?"

Umiling ang kausap. "Wala pa. Pero may tinatawagan si Ester, baka may matulong din sa 'tin. Sabi nga pala ni Cely, wala raw nasaktan sa robbery at sunog sa mall. 'And'on pa kayo ni Aro nung nangyari 'yon?"

Tumango ang dalaga. "Long story. Mamaya ko na lang po ikukuwen–"

"Nanay Milagros! Nanay Milagros!"

Napatayo sila. Si Ate Cely iyon.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang may-edad na ginang. Namumutla ito at nanlalaki ang mga mata.

"Nanay Milagros, nasasapian daw 'yung pamangkin ni Tessie."

"Ano!"

"Katatawag lang, Nanay. Umiiyak na. P'wede n'yo raw bang tingnan?

Nagmamadaling lumabas ng silid ang kanyang great granny. "Nasaan sila? Ester!"

Nilingon niya si Aro. "Aro! Lalabas ako ng kuwarto."

"Bakit?" Lumabas si Aling Ester mula sa isang guest room. "Ano'ng nangyari?"

"Mukhang nasasapian daw 'yung pamangkin ng kapitbahay namin. Sumama ka." Binalingan ng apong niya si Ate Cely. "Nasa bahay ba sila ni Tessie?"

"Hindi, Nanay. Nasa kabilang barangay."

"Puntahan natin. Kukuha lang ako ng gamit." Tumakbo ang apong niya sa silid nito.

"Teka! Teka!" Tumakbo pabalik sa guest room si Aling Ester. "Magdadala rin ako ng gamit!"

Ikinuyom niya ang palad. Dapat ba siyang sumama?

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now