Chapter Eight: Aswang

1K 58 17
                                    


"May nakitang manananggal sa bayan na ito noong isang linggo lang," sambit ni Aling Ester.

Napataas ng tingin si Francesca mula sa binabasa niya sa kanyang tablet. Seryoso ang mga mata ng matanda habang nakatitig sa labas ng bintana ng SUV.

Kinusot niya ang mga mata. She wanted to sleep. Halos mga puno at maliliit na bundok lang ang nakikita niya kanina pa. Dalawang oras na silang nagbibiyahe at tirik na tirik na ang araw sa langit, pero hindi nabawasan ng liwanag ang pagiging creepy ng lugar.

"Nasa Quezon pa rin po ba tayo?"

Ibinaling ni Aling Ester ang titig sa kanya. "Ano naman?"

"Di ba po sa Capiz usually nakikita ang mga aswang at manananggal?"

"Saang century ka ba naiwan, Francesca? Hindi ka ba nakarinig ng water at air transportation?"

May point ito.

Nag-meow si Loki sa kanyang kandungan at hinimas niya ito. Her cat had always been good with travelling. Mukhang mas komportable pa ito sa biyahe kaysa kay Aro.

Sinulyapan niya ang huli na nasa kanyang tabi.

Tuwid na tuwid ang likod ng binata at hindi nito mapigilan ang manigas sa tuwing uuga ang SUV kapag may nadaanang lubak. Poor guy.

Napatitig siya sa profile ng lalaki. Panalo talaga ang cheekbones nito.

"Sa palengke sa bayan tayo magsisimulang maghanap." May kinuha si Aling Ester na mapa sa dashboard saka binalingan ang nagda-drive. "Matagal pa ba, Greg?"

"Mga forty-five minutes pa, Ma'am."

Humarap sa kanila si Aling Ester mula sa passenger seat. Kumikinang ang golden bandana nito mula sa pagtama ng sinag ng araw sa bintana. "Ganito ang mangyayari, Francesca. May ilalagay kaming bote ng langis sa bag mo, at lilibot kayo ni Aro sa palengke."

"Langis?"

"Special oil 'yon," paliwanag ng apong niya sa kanyang likuran. Nakipagkumpetensya ang shocking orange blouse nito sa bandana ni Aling Ester. "Gawa 'yon sa langis ng niyog at ilang mga halaman. Kapag may malapit na aswang o manananggal, kukulo 'yon at aawas."

She hoped it wouldn't stain her shirt. She's wearing her favorite yellow Avengers shirt for good luck.

"Makakatulong 'yon para mahanap natin ang isang manananggal," paliwanag ni Aling Ester"Hindi tayo magpapahalata at susundan natin siya at maghihintay tayo hanggang sa magdilim. Hihintayin natin siyang mag-transform, at hahanapin natin ang kalahati ng katawan niya. Doon tayo kukuha ng dugo."

"Paano po kung hindi siya mag-transform?"

"At bakit hindi siya magta-transform?"

"Baka busy po siya at hindi siya naka-schedule maghati ng katawan. Baka once a month lang siya nagta-transform at tapos na 'yun last week."

"Magta-transform siya, sigurado ako."

"One more question, Aling Ester."

"Ano?"

"Paano po kung hindi umawas ang langis? Paano kung wala 'yung aswang sa palengke?"

"Bakit ba ang negative mo?"

She preferred 'realistic.' Tumunog ang tablet niya, at sinipat niya iyon. Pinadala ng kanyang kuya ang app na nabanggit nito kahapon.

"Pagkatapos noon," patuloy ni Aling Ester, "lalagyan natin ng asin, abo at bawang ang kalahati ng katawan niya para mapatay siya."

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now