Chapter Thirteen: Seriously

290 34 4
                                    


"Here's the manananggal blood, Aling Ester."

Maingat na inabot ni Francesca ang botelya ng dugo sa kaibigan ng kanyang apong nang makapasok sila ni Aro sa SUV.

Maningning ang mga matang tinanggap iyon ng matanda. "Good job, Francesca. Marami tayong nakuhang impormasyon."

"Glad I can be of help."

"'Wag kang mawawalan ng contact sa kanila. Mabuti nang mayroon tayong koneksyon sa kanila," paalala pa nito.

"Gusto n'yo po bang mag-sponsor ng monthly meet-up namin?"

"Bakit hindi? Magandang ideya 'yan."

"Are you sure, Aling Ester? What about a private resort in Quezon on the first month, a shopping spree on the second, at since may long holiday sa third month, three days and two nights na tour sa Palawan."

Tumango ang kaibigan ng apong niya. "P'wede nating gawan ng paraan lahat 'yan."

"Fourth month, abroad naman po–"

"Tumigil ka na, Francesca," putol ng kanyang apong.

"I think seryoso po si Aling Ester."

"Seryoso talaga ako. Walang kaso sa akin ang pera kung mahalaga ang kapupuntahan. At mahalaga ang koneksyon natin sa katulad nila."

"Romeo and the rest will love you, Aling Ester."

"Pero hindi rin talaga nila alam kung saan nanggaling ang aswang," komento ni Kuya Greg. Binuhay nito ang makina at umandar ang sasakyan. "O kung saan talaga sila nanggaling."

"Siguro parang tao rin po 'yan." Inayos ng dalaga ang seatbelt at siniko si Aro para ayusin din nito ang seatbelt nito. "We have the theory of evolution, pero mahirap pa rin talagang i-trace ang family tree ng human specie."

Gumapang si Loki sa kandungan ni Aro papunta sa kanya. Hinimas niya ang matabang ulo ng pusa.

"Pero okay 'yung nakuha natin sa video," patuloy ni Kuya Greg. "Kinilabutan ako."

"Malinaw po ba kahit madilim?"

"It's perfect!" Malawak ang ngisi ni Aling Ester.

Pinili niyang huwag nang mag-comment. "Saan po tayo s'unod?" tanong na lang niya.

"Sa isang bundok sa Antipolo," sagot ng kanyang apong.

"Uh, hindi po ba't bundok talaga ang buong Antipolo?"

"'Wag kang mamilosopo. Dadaan muna tayo para bumili ng ilang gamit."

Bumili sila ng tent at ilang grocery supplies sa sumunod na bayan. Pinadala na rin ng apong niya ang bayad kay Clara.

"I supposed matutulog po tayo outdoors?" untag ni Francesca nang makabalik na sila sa sasakyan.

"Ikaw lang," sagot ni Aling Ester.

Great. "Please tell me may Internet connection po sa pupuntahan natin."

"Tumigil ka na, Francesca."

Umungol siya at nagsimulang mag-download ng mga papanoorin sa kanyang tablet.

Gabi na sila nakarating sa Antipolo dahil sa traffic.

At dahil gabi na, bukas na lang nila napagpasyahang umakyat ng bundok dahil delikado na.

Nang oras na para matulog, natagpuan niya ang sariling nasa loob ng isang silid kasama sina Aro at Loki. Walang bago roon. Noong isang araw pa sila magkasamang natulog ni Aro sa isang kuwarto.

Katalonan at ang Binatang Isinumpaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن