Chapter Twelve: First Ingredient

270 34 7
                                    


Nakatanggap siya ng text mula kay Romeo ilang oras pagkabalik nila ni Aro sa kubo. Nakausap na raw nito ang kaibigan at pumayag daw ito.

Nanatili ang pagdududa nina Aling Ester at Aro.

"Paano kung patibong 'yan?" paalala ng una.

"Isasama ko po si Aro. Apong, p'wede bang cash natin ibigay ang pera?"

Tumango ang matanda. "P'wede."

"Okay lang po sa inyo na maglabas ng gan'on kalaking pera? Wait. Hindi n'yo po 'yun p'wedeng ibawas sa mamanahin ko."

Umiling ang kanyang great granny. "Tanungin mo na kung saan kayo magkikita."

Tinanong niya iyon kay Romeo, at pinadala nito ang address kung saan sila magkikita. Isa iyong maliit na apartment sa bayan. Sila lang ni Aro ang makikipagkita dito pagkatapos ng tanghalian dahil kailangan pa nilang mag-withdraw ng pera.

Aro remained moody.

"Chill," usal niya sa lalaki habang hinihimas ang likod ni Loki. Nakadapa ang alaga sa kanyang tiyan.

Nakahiga siya sa kawayang upuan habang nasa sahig si Dark Phoenix. Di-kalayuan dito, nakahiga rin sa sahig ang kanyang apong, sina Aling Ester at Kuya Greg. Siya ang nasa upuan dahil siya lang ang kasya roon.

"May kasabihan nga, sometimes it's better to use lemon than vinegar to catch flies. Or was it honey? Or sugar? But why would you want to catch flies anyway? Better kill them with bug spray. Anyway, mas mabuting maging diplomatic kaysa mang-away."

Tumalim ang tingin ni Aro sabay tumalikod sa kanya.

Tumaltak siya. She was trying to be friendly.

Maaga silang nagising at nagpaalam sa pamilya nina Aling Delia. Lumungkot ang mukha ng mga bata, pero nang sabihin nilang babalik sila at magdadala ng laruan, ngumisi na ang mga ito.

She loved those toothless smiles. Damn, she was getting sappy.

"P'wede ba tayong magtayo ng health center malapit dito, Ester?" untag ng kanyang apong nang nasa daan na sila.

Napatingin si Francesca rito.

"P'wede nating gawin 'yon," sagot ng kaibigan nito. "May kakilala 'kong p'wedeng mamahala. May mga kakilala rin ako sa gobyerno para mapabilis lahat."

"Mag-usap tayo tungkol d'yan mamaya."

"Ang hirap lang talaga ng ganitong sitwasyon," saad ni Kuya Greg. "Kahit magpatayo ng health center sa lugar na 'to, ang dami pa ring lugar sa bansa na kagaya nito. Hindi naman kaya ng isang tao na gawin lahat 'yon."

"Totoo 'yan," sang-ayon ng kanyang apong. "Systemic talaga ang ganitong problema. Gobyerno ang pinakamabisang makakagawa ng paraan para matugunan ang ganitong pangmalawakang suliranin. Pero kung may magagawa naman tayo, kahit maliit lang, gawin na rin natin. Ganoon lang talaga. Hindi talaga natin kayang sagipin ang lahat."

That's true, isip niya. Even Angelina Jolie couldn't save everyone.

Matapos mag-withdraw ng pera, dumerecho sila sa address na binigay ni Romeo. Pero tumawag ang kanyang ina sa FB kaya napilitan silang ihinto muna nang ilang minuto ang pagpunta kina Romeo. Nakauwi na ang Lolo Theo niya at nakausap na nila ito. Mabilis din nilang tinapos ang tawag dahil sinabi nilang may pupuntahan sila.

Muling umandar ang SUV papunta kina Romeo. Pero huminto ang sasakyan ilang bloke ang layo sa apartment.

Humarap sa kanya si Aling Ester mula sa passenger seat. "Kayo lang ni Aro ang p'wedeng pumasok. Pero 'wag ninyong tatanggalin ang earpiece at camera n'yo."

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now