Chapter Twenty: Ending For Now

1K 44 17
                                    


"Hanggang dito na lang kami, Francesca." Hinimas ng apong niya ang kanyang ulo at tumango ito sa kanya.

Umupo ito sa inilagay na foldable chair ni Kuya Greg sa ilalim ng malaking puno.

"Question," inilibot niya ang tingin sa mabatong daan at malalagong halaman at puno sa paligid, "bakit kailangang sa liblib na lugar po tayo humanap ng hot springs dito sa Laguna? Bakit hindi na lang po sa mga resorts dito?"

"Dahil kailangang sagrado!" Pinandilatan siya ni Aling Ester. "Sige na."

Ngumiti sa kanya si Miss Penelope. "Sacred springs ang pupuntahan n'yo, at kakaunti ang nakakaalam nito. It's less than a kilometer from here, Francesca. Hihintayin namin kayo rito."

"Dalian mo na habang tirik pa ang araw!" paalala ni Aling Ester.

Sinukbit ni Aro ang backpack at inabot ang kanyang kamay. "Halika na."

"Yeah, yeah." Hinimas niya ang ulo ni Loki bago sumunod sa binata.

As expected, three minutes later, nagrereklamo na siya.

"Gaano kalayo pa? Sigurado ba silang may hot spring dito?"

And why did she wear shorts and sleeveless shirt? Dapat ay nagpantalon siya at mahabang manggas na pang-itaas para maprotektahan ang balat niya sa mga halaman at sanga. But no. Dahil akala niya sa hot springs sa isang resort sila pupunta, mas minabuti niya ang light clothing. Because duh, it was freaking summer. Kahit si Aro ay naka-shirt lang at cargo shorts dahil sa init. And this was a guy who controlled fire.

"Tatlong minuto pa lang tayong naglalakad, Francesca."

"Let me introduce you to Einstein's Relativity Theory. Ang three minutes sa 'yo, three hours sa 'kin."

"Sigurado akong mali ang pagkakaintindi mo roon."

"Hindi mo 'ko p'wedeng kontrahin. Hindi mo kilala si Einstein."

"Sige, ipaliwanag mo sa 'kin kung ano ang relativity."

"I just did. Ang tatlong minuto sa 'yo, tatlong oras sa 'kin."

Umiling si Aro.

"So," aniya. "Binili ni Aling Ester 'yung bahay katabi ng amin. Doon kayo titira."

Tumango siya. "Ganoon na nga."

"Marunong ka bang mag-drawing? Arts and design track ako, kaya doon ka–"

Natapilok siya at muntikan siyang sumubsob sa lupa. Of course, nahila siya ni Aro.

"Bakit ba ang lampa mo?" Sumimangot ang lalaki pagkatapos ay tinanggal ang backpack at ibinigay sa kanya. Umupo ang binata patalikod sa kanya.

Nag-angat siya ng kilay. "Gusto mong sabihin kung ano'ng ginagawa mo?"

"Dalian mo na at nang matapos na tayo."

Hinila siya ni Aro pasalabay sa likod nito, saka tumayo bago pa siya makaprotesta.

Pumulupot ang mga braso niya sa leeg ng binata para hindi siya malaglag. Dumampi ang malambot nitong buhok sa ilong niya. He smelled like clean air, a bit like leaves, and a bit of smoke. And muscles, hello!

Muli ay hindi niya mapigilang masahihin iyon nang konti.

Humigpit ang hawak ni Aro sa kanyang mga binti. Magaspang ang palad nito sa kanyang balat. "Ano'ng gingawa mo?"

"Research," aniya. "For art."

Muling umiling ang binata.

"So," aniya, "guess we'll be stuck together for at least a year, huh?"

Katalonan at ang Binatang IsinumpaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang