Chapter Six: Refusal of the Call

572 52 0
                                    



Ano ang dapat gawin kapag naipit sa isang sitwasyon na mahirap labasan? Simple: magsumbong kay mudra at pudra. At iyon ang gagawin ni Francesca.

"'Wag mong sasabihin 'to sa mama at papa mo, Francesca."

Umiling siya sa kanyang apong at hinintay pumasok si Aro sa silid bago isinara ang pinto. Iniisip pa lang niya ang mga gustong ipahanap sa kanya ni Aling Ester ay namamanhid na ang ulo niya. Manananggal, kapre at sirena? She'd like to call those BS. Pero sa mga nakita niya mula kagabi? Malamang ay totoo rin ang mga iyon. And ngayon ay gusto ng mga ito na hanapin niya ang mga iyon? Har-har-har.

"No, Apong, I'm going to tell Mama and Papa. I'm a minor. I need my parents' consent."

"Hindi ka nila papayagan!"

"Exactly. Dahil delikado po ang gusto n'yong gawin natin. We can't do this."

Dugo ng manananggal, buhok ng kapre, at kaliskis ng sirena? They didn't sell those on Amazon.

Umupo siya, binuhay ang computer at nag-log-in sa Facebook. Oras na para mag-video call sila ng mga magulang. It was time to get a responsible adult to put a stop to her great grandmother and Aling Ester's insanity.

Bumukas ang pinto ng silid at sumilip ang huli. "Ano'ng ginagawa n'yo?"

Umiling ang kanyang apong. "Mag-vi-video call kami sa mama at papa ni Francesca."

"O, tamang-tama. Sabihin n'yo sa kanila ang gagawin natin."

Hindi niya gusto ang tono ni Aling Ester.

Umiling ulit ang kaibigan nito. "Kapag sinabi namin sa mga magulang ni Francesca, hindi siya papayagan ng mga 'yon sa gagawin natin."

"Bakit?" It was disconcerting how Aling Ester looked genuinely confused. "Bakit hindi nila papayagan si Francesca?"

Oh, let me count the ways. One: siguro kasi puwede siyang mamatay sa gagawin niya?

"Responsibilidad ni Francesca 'yon. Siya ang nagpakawala sa mga Hantu."

Now, that's just not right.

"Aksidente po 'yon," kalmado niyang sagot.

"Aksidente man o hindi, nangyari pa rin. May mga tao pa ring maaapektuhan. Hindi n'yo ba naisip kung nasaan ngayon ang mga Hantu? Kung sino ang binibiktima nila ngayon? Seryoso 'to. P'wedeng may mamatay dito."

Way to put pressure on a teenager. "Kaya nga po kailangang malaman ng mga magulang ko 'to. Hindi p'wedeng iasa sa 'kin ang ganito kabigat na responsibilidad. Kailangang may ibang tumulong sa atin. Masyado pong delikado 'to. Teenager lang po ako. Wala po akong kakayahang harapin 'to."

"Totoong wala kang kakayahan. Pero nand'yan si Aro, 'andito kami. Kami ang tutulong sa 'yo. Alam kong mabigat na responsibilidad 'to, Francesca. Ayoko ring iatang sa 'yo lahat, pero wala tayong ibang magagawa. Hindi namin 'to pinapagawa sa 'yo dahil gusto ka naming pahirapan. May mga taong naapektuhan, at ikaw lang ang makakatulong sa kanila. Hindi natin alam kung gaano katagal na oras ang mayroon tayo bago magkaroon ng epekto na hindi na natin mababawi. Kailangan nating magmadali. Kailangan mong harapin 'to, Francesca."

Now, how's that for freaking pressure?

. Calm down, Francesca. Screaming ain't gonna help.

Naramdaman niya ang mainit na palad ng kanyang apong sa balikat niya. "Tama na," mahinahon nitong sabi. "Sige na, Francesca, hahanap na lang tayo ng ibang paraan. Tama ka. Masyado 'tong delikado. Masyado ka pang bata."

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now