Chapter Five: Gypsy Lang Ang Peg

665 56 12
                                    


Now, that's what Francesca called an 'epic fail.'

Padaskol na bumaba siya ng tricycle at binayaran si Manong Driver. Hinagilap niya ang ilang shopping bags saka nag-doorbell siya sa gate ng apong niya.

Malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. Magkaka-PTSD rin yata siya. She was not cut out for this. All these (mis)adventures were screwing with her sanity.

Dinukot niya ang phone sa kanyang bulsa at nag-text siya kay Ate Cely.

Ate Cely, narinig n'yo po 'yung tungkol sa nakawan sa mall? Nagkasunog daw? Wala po bang nasaktan?

Ipinasok niya ang phone sa bulsa.

Sinulyapan niya ang lalaking nakatayo sa kanyang tabi.

Nakatiim-bagang pa rin si Aro at matigas ang titig nito.

Hindi niya ito masisi—amnesia, sensory overload, imprisonment sa isang rebulto, possible tragic past, at ngayon ay introduction sa twenty-first century violence. She would have probably been pissed off, too, if she were in his shoes.

"Great job kanina," mababa niyang saad. "Hindi kita iniinsulto, buti na lang 'and'on ka. Na-save mo 'yung babae. Taga-bayan si Ate Cely. Nag-text na 'ko sa kanya, tinanong ko kung may nasaktan ba."

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Aro sa isang mapait na ngiti. Hindi niya inasahan na tatanggapin nito ang pasasalamat niya, pero hindi rin niya napaghandaan ang mapang-uyam na ngiti nito.

Whatever.

Bumukas ang gate.

Whoa!

Ano ang ginagawa ni Dave Bautista sa bakuran nila? The guy was freaking huge. Mukhang kasya ang buong katawan ni Francesca sa isang leghole ng pantalon nito. And that blue shirt seemed a little too tight for those pecs.

"Err... sino po sila?"

"Ah, ako si Greg. Ikaw si Francesca? Pasok na. Kasama 'ko ng bisita ng apong mo."

Of course, hindi siya naniwala. Paano na kung trap pala ito? Budol-Budol Gang o whatever?

"Sandali lang po." Humakbang siya paatras at tinawagan ang kanyang great .

"Francesca, 'asaan ka na?" bungad nito; normal ang tinig at mukhang walang iniinda.

Hininaan niya ang kanyang boses. "Nasa labas po kami ng gate. May nagbukas po sa amin, si Kuya Greg. Kasama raw siya ng bisita n'yo?"

"Oo. Bodyguard ni Ester. Pumasok ka na."

Bodyguard? Super yayamanin ba ng bisita ng apong niya? Politician? Rockstar?

Ibinaba niya ang phone saka bumaling kay Kuya Greg. "Good afternoon po."

Tumawa ang lalaki. "Sigurista. Mabuti 'yan. Ganyan talaga dapat."

Sumaludo siya rito.

Pumasok sila ni Aro sa gate, at nakita niya ang itim na SUV sa gilid ng bahay.

Pagkapasok sa loob, lumabas ang kanyang apong mula sa dining kasama ang isang matandang babae. And she supposed magkaibigan nga ang dalawa. Pareho ng fashion sense, eh.

"Ikaw!" Itinuro siya ng matandang babae; nakaitim na mahabang palda at matingkad na pulang blouse. At mukhang nag-panic buying ito ng kuwintas. Swarovski crystals galore. Halos umabot din sa siko nito ang mga porselas nito sa magkabilang braso. Buhaghag ang itim na itim at hanggang balikat nitong buhok. May gold itong bandana na may makukulay ring crystals.

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now