Chapter One

32.2K 79 0
                                    

"Lahat may partner na. Walang makikipagpalitan. Yan na ang forever nyo. Wahaha." Pabirong sabi ng kanila ng Prof.

"Buti pa sa Thesis may forever!" Banat naman ng isa sa mga kaklase nya.

"Awww." Pakikisakay ng lahat.

Kasalukuyang naghahanda sila para sa kanilang huling requirement. Nasa huling semester na sila sa huling taon nila sa kolehiyo. Malapit na silang magtapos ngunit kailangan muna nila magpasa ng isang thesis o research paper.

"Iwan ko muna kayo. Mag usap kayo tungkol sa thesis problem nyo wag sa chismisan ubusin ang oras" bilin ng kanilang prof bago lumabas.

Nagkanya kanya ng ingay ang lahat. Nag uusap kung anong magandang topic patungkol sa kanila ng research.

"Reena! Buti na lng at magpartner tayo.!" Biglang lapit sa kanya ng kanyang partner.

"Kaya nga buti na lng magkasunod apelyido natin, Kristen." Ngumiti sya dito.

"Ano kayang magandang topic?" Wika nito habang may kinakalikot sa cellphone nito.

"Ikaw? Ano ba maganda?" Nagsimula na din syang magkalkal ng gamit nya. Naalala nya bigla ang kanyang cellphone.

"Wala akong maisip eh. Penge nga ako ng number mo." Inabot nito ang cellphone sa kanya.

Kahit apat na taon na silang magkaklase wala pa rin itong number nya. Hindi naman nya ito kaclose kahit na nga araw araw silang magkasama sa loob ng classroom.

Block section sila. Naging magkagrupo na din sila noong mga naunang activity pero ngayon lng ito humingi ng number nya. Hindi rin sila friends nito sa fb pero may group chat silang buong magkaklase doon lang sila nagkakausap patungkol sa kanilang activity.

Habang nagtatype sya, Hindi nya sinasadyang mapindot ang chat heads ng messenger. Biglang nagpop out ang mensahe.

Mahal ko?
"Sunduin kita mamaya pag uwian na kayo. I love you."
Dali dali nyang inexit ang message at tinapos ang pagtatype.

"Ahh, Kristen? Sorry nabuksan ko yung chat sayo. Di ko sinasadya." Hinging paumanhin nya sabay abot ng cellphone nito.

"Ha? Ok lng. Hehehe" sagot nito habang nakatingin sa cellphone.

"Ano nga kayang magandang topic para sa thesis natin?" Pag iiba nya ng usapan.

Medyo nahiya sya sa kanyang nagawa. Sumulyap sulyap pa sya sa ginagawa nito nakangiti ito habang nakatingin sa cellphone nito. Parang kilig na kilig!

"Ha? Wala pa akong maisip eh" wika nito habang abala pa rin sa pagtatype sa cellphone.

"Hmm, magresearch na lng muna tayo ng mga topic na trend ngayon  tapos bukas natin pagpilian lahat kung alin ang maganda." Wika nya habang inaayos ang kanyang gamit.

Malapit na rin naman ang kanilang break kaya mas mabuti na magprepare na sya.

"Sige." Sagot nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Ayos lng naman sa kanya yun, wala siyang pakialam dito kahit medyo nakakabastos na ito.

"Restroom lng ako." Paalam na lng nya dito.

Hindi na nya hinintay ang sagot nito at dali daling nagtungo sa restroom.

Bago sya lumabas ng restroom ay tinignan nya muna ang kanyang make up. Maganda naman sya kahit wala noon pero sa kailangan iyon dahil sya isang modelo. Bukod sa pagiging estudyante ay nagmomodelo din sya. Pero hindi nya ito madalas gawin.

Nag aaral sya sa isang kilalang unibersidad sa buong bansa. Halos lahat sila ay galing sa mararangyang pamilya.

Msasabi niyang isa ang pamilya nila sa sampung pinakamayaman sa buong bansa. Ang kanyang ama at ina ay parehong sikat na modelo noong mga bata pa ito pero ngayon ay nagmamanage na lng sila ng isang modelling agency at clothing company. Ang kompanya nila ang pinakasikat sa larangan ng fashion at ang kanilang modelling agency naman ang isa sa sikat na ahensya.

Madami dito ang naging sikat na modelo na madalas ay naipapadala sa ibang bansa at ang iba naman ay nagiging artista sa mga sikat na network.

Kaya ngayon ay nag aaral sya ng business ad dahil alam nyang sa mga susunod na panahon ay sya naman ang hahawak ng kanilang kompanya.

Nagmamadali na syang lumabas pagkatapos niyang masiguro na maayos ang kanyang make up.

Malapit na ang break nila at marahil ay hinihintay na sya ng kanyang mga kaibigan.

Paliko na sya papuntang pasilyo ng kanilang room ng may nakabunggo sa kanya.

"Aahh!" Napadaing sya.

Hindi naman gaanong masakit. Tumama pala ang kanyang ulo sa dibdib nito. Nahimas nya ang kanyang ulo.

Umaangat ang kanyang tingin at handa na sanang bulyawan ito ng mapatitig siya sa mukha nito.

Natulala sya at napipilan.

"Sorry." Wika nito. Ang ganda ng boses!

"Ahh. O-ok lng." Medyo nautal pa sya. Titig na titig siya sa mukha nito.

Diyos ba 'to? Greek God? O Anghel? Ang gwapo na maamo ang mukha! At ang mata! Kulay bughaw!

"Reena!" Nagising sya sa biglang pagtawag sa pangalan nya.

Nanggaling ito sa likod ng lalaki kaya napasilip sya sa balikat nito.

Ang tangkad din tsaka ang lapad ng balikat. Tapos ang masel! Parang labintador! Namumutok!

"Ano?" Tanong nya kay Vince.

"Tara na! Break na natin. Ano pang ginagawa mo jan?" Sabi niya.

Napatingin siya sa nakabunggo sa kanya ngunit wala na ito. Hindi nya namalayan na nakaalis na pala ito.

"Wala. Sige hintayin nyo ako kunin ko lng yung bag ko." Wika niya habang kinukuha ang kanyang bag sa loob ng room nila.

Napapaisip pa din sya sa lalaking nakabunggo sa kanya habang naglalakad papuntang canteen kasama ng mga kaibigan nya.

Sino kaya iyon?
-------
Comment. Vote. Follow!
Thank you!

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon