Chapter Thirteen

10.3K 36 8
                                    


KARARATING lang ni Niko sa sinabi niyang lugar kung saan sila magkikita. Maaga siya ng sampung minuto sa napag-usapang oras.

Napailing siya sapagkat hindi naman siya ganito sa mga babae. Madalas on time o di kaya ay late siya dumating pag may mga meet up siya.

Sobra ba ang pagka-excite niya? Kasi kahit kay Kristen hindi ganito ang nararamdaman niya sa tuwing magkikita sila.

Kristen!

Bigla niyang naalala na may usapan nga pala sila ng kasintahan. Nakalimutan na niya ito ng dahil sa babaeng gumugulo sa isipan niya.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Nang buksan nya iyon ay nagulat siya nang makita na maraming beses siyang tinawagan ni Kristen.

Paano'ng hindi ko man lang ito narinig o naramdaman?

Nagtaka siya pero ng makita niya na naka-silent mode ang kanyang cellphone ay alam niya kung bakit. Hindi niya siguro napansin na na-silent mode niya ito.

Tinawagan niya ito pero hindi naman sinasagot ng babae.

Nagdadalawang-isip siya tuloy kung pupuntahan niya ito o makikipagkita sa babaeng misteryosa.

Tumayo na siya upang umalis na pero natigilan siya sa kanyang nakita.

NAKATULOG si Kristen pagkatapos nitong magwala kanina. Dali dali siyang bumaba sa kanilang sala para magtanong sa mga katulong kung dumating na ba si Niko.

"Ate Fifi, dumating ba si Niko kanina? Nakatulog ako eh." tanong niya sa katulong na nagwawalis.

"Ay, bebe gerl, hendi siya dumating kanena." Sagot nito sa kanya.

"Ahh, sige ate salamat." nanlumo siya sa sinabi nito.

Umakyat na lang siya ulit sa kanyang kwarto. Tinignan niya ang kanyang cellphone na nakapatong pa rin sa kanyang kama. Kinuha niya iyon at binuksan.

Npangiti siya sa kanyang nakita. May missed calls sa kanya si Niko.

Tatawagan niya sana ito pero may dumating na text mula dito.

Mahal Ko

I'm sorry love, baka hindi ako makapunta jan sa inyo. Bawi na lang ako ha? I love you. Rest ka muna jan.

Nagtaka siya sa text nito.

"Bakit hindi siya makakapunta? Ano kaya ang nangyari?" tanong niya sa sarili.

Agad naman niya itong nireplyan.

Mahal Ko

Bakit hindi ka makakapunta? May nangyari ba sayo? Okay ka lang ba?

Pagkasend niya dito ay naupo soya sa kama upang hintayin ang reply nito. Ngunit limang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagreply.

Nararamdaman na naman niya ang pagkainis pero pinipigilan niyang magwala. Ayaw niyang magduda siya sa kasintahan. Ayaw niya.

Pero sana lang wala talaga siyang ginagawang kagaguhan.

NANG malapit na si Reena sa lugar ng tagpuan nila ni Niko ay tinawagn niya ang kanyang mga kaibigan. Gumamit siya ng bluetooth headset para safe at sosyal.

"Hello, mga bullhangss." sabi niya ng sagutin nito ang kanyang tawag.

"Yes, tigang?" sagot naman ni Vince. Nakarinig pa siya ng tawanan sa kabilang linya. Nakaloud speaker siguro ito.

Napanguso siya.

"Hindi naman ako tigang ahh. Whahaa. Virgin ateng!" natatawa niyang sabi.

"Virgin na gusto nang madiligan!" sabi naman ni Niffy.

"Pupunta sa hardinerong magdidilig sa kanya." singit naman ni Dine.

"Na may 8 inches na pandilig. Wahahhaahaha." dugtong pa ni Vince.

"Hahhahaha. Baliw kayo. Hahahha" sagot naman niya sa mga ito.

Sama-sama ang mga ito sa isang kotse. Hindi nga lang nakasama sina Arly at Alvin. Siguro'y nagdidate ang dalawa.

"Ang tanong, magdidilig kaya ang hardinero? O baka mabokya pa?" sabi naman ni Jezzy.

"Wahhahaa" tawanan na naman sila.

Parang sarap na sarap silang pagtripan si Reena.

"Hindi pa naman ako magpapadilig eh. Ang bilis naman wahhaha." sagot na lang niya sa mga ito.

"Huwag kami Reena, wahahaha" sabay sabay pang sabi ng mga ito.

"Hahaha balakayo jan. Saan na pala kayo?" pag-iiba na lang niya ng topic.

"Malapit na kami, ikaw ba?" sagot naman ni Niffy. Siguro ito ang nagmamaneho sa kanila.

"Malapit na din. Hintayin ko na lng kayo sa parking lot." sagot niya sa mga ito.

Isang liko na lang at mararating na niya ang restaurant na sinabi ni Niko sa text nito.

"Sige." sagot ng mga ito.

Pinatay na niya ang tawag bago tumingin sa salamin kung ayos na ba ang hitsura niya.

Nag-apply siya ng konting make-up kanina bago umalis ng bahay. Light lang iyon. Naka crop top at skinny jeans lang siya na humuhubog sa maganda niyang katawan.

Bumaba na siya ng kotse nang makita niyang ayos naman ang kanyang hitsura. Nagshades pa siya at nilock ang kanyang kotse.

Nilibot niya ng tingin ang mga gusali sa tabi ng restaurant. Napangiti siya sa napansin.

Baka gustong magdilig ng hardinero na may 8 inches na pandilig. Nasa isip niya.

Puro hotel ang nakapalibot sa restaurant na sinabi ni Niko kaya naisip niya iyon.

Well, I am sorry Niko for being a tease. Ngunit hindi ka magdidilig ngayong gabi, gwapong hardinero. Hahaha.

Beep! Kumaway siya sa mga kaibigan niya ng bumusina ang mga ito.

Kasama ang mga ito sa plano niya na paghintayin si Niko sa kanilang meet up sana.

Pagkapark ni Niffy sa kotse ay bumaba na ang mga ito at naglakad papunta sa kanya.

"Mukhang may gustong magdilig ngayon ah. Ang daming hotel!" sabi agad ni Jezzy.

"I know right? Wahhaah." wika naman niya.

"Papayag ka ba?" wika naman ni Niffy.

"Syempre hindi. Wala iyan sa plano ko." sagot naman niya.

"Good, mahalaga sa ating mga babae ang virginity." sabi ni Dine.

Tumango naman silang lahat sa sinabi nito.

"Super mahalaga talaga yan sa atin ghorls." sabi naman ni Vince.

Natawa na lang sila sa sinabi nito. Feeling girl din kasi itong baklang ito. Hehehe

Pumasok na sila sa restaurant ay nagtatawanan pa rin sila.

Pasimple niyang inikot ang loob ng restaurant gamit ang kanyang mga mata.

Nakita niyang nakatayo si Niko na tila aalis na. Nagtaka siya sa ayos nito.

Pero nabasa niya sa mukha nito ang pagkagulo, gulat at lito.

Nakakahalata na ba ito sa kanya?

A/N:

Sana all may hardinero. Wahahaha.

Bitinin muna natin. Hehehe.

Vote. Comment. Follow. Recommend.

Thank you mga tigang hahahha! Lablats!!!

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon