Chapter Fourteen

10K 33 7
                                    

HANDA na sanang umalis si Niko upang puntahan si Kristen ng maagaw ng isang grupo na nagtatawanan ang kanyang atensyon.

Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito. Ngunit hindi iyon ang kanyang unang napansin kundi ang isa pang babaeng gumugulo sa kanyang isipan.

Bigla siyang kinabahan ng tumingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya dito. Marahil ay dahil sa nangyari sa kanila nung nakaraang gabi.

Hindi pwede na ganito siya lagi sa tuwing magkikita sila ng babae.

Muli siyang napaupo.

Nag-aalala siya sa kanyang nararamdaman.

Mahal ko si Kristen. Mahal ko si Kristen! Mahal ko si Kristen!

Paulit ulit niyang pagsambit. Baka kasi nakakalimot lang siya sa nararamdaman niya para sa kasintahan.

Pero nang mapatingin siya kay Reena ay iba na naman ang nasa isipan niya.

Gusto niya itong lapitan at muling halikan.

Iba ang epekto nito sa kanya kahit nakasimpleng crop top at skinny jeans lang suot nito.

Nakasunod ang kanyang mga mata sa babae sa tuwing gagalaw ito.

Ang pagtawa nito. Nakakaakit.

Ang pagsimangot nito na tila parang gusto niyang suyuin ito. Amuin gamit ang labi niya.

Manyak ka na Niko! Sigaw ng kanyang isip.

Ano magagawa niya? May iba sa babaeng ito eh.

Minsan natutukso siya pero hindi ganito katindi.

Isa pa ang babaeng misteryosong nagtetext sa kanya.

Siguro kailangan lang niya ng kasagutan sa mga gumugulo sa utak niya. Siguro once na masagot na itong lahat ay titigil na ang kanyang nararamdaman.

Muling napatingin siya sa babae at nagtaka siya kung bakit tumayo ito. Naglakad papunta sa kanya at nakatitig pa sa kanya.

Titig na parang nang-iimbita na sundan ito.

Sa akin ba ang punta niya? Siya nga kaya ang babae na nagtetext sakin?

Hindi niya alam pero isa lang ang alam niya.

Susundan kita kung saan ka man pupunta.

NAKAUPO NA sina Reena ay nakatulala pa rin si Niko. Medyo malapit lang sila sa pwesto ng lalaki. Sinadya nila iyon para mapansin sila nito.

Ganito pala ang feeling nang nagpapapansin sa crush. Mahirap, buti na lang at maganda siya kaya napansin siya nito.

"Bakit pala hindi nakasama ang dalawa?" tanong niya sa mga ito.

Ang kanyang tinutukoy ay sina Arly at Alvin.

"Bubuo na daw sila ng pamilya. Wahhahha" Pabirong sabi ni Vince.

"Selos ka? Hahahaha." Pang-aasar naman ni Dine kay Vince.

"Yucksss! Me? Eww, over my gorgeous body." maarteng sabi ni Vince.

Natawa na lang sila sa kaartehan nito.

"Sos! If I know, may gusto ka talaga sa kanya. Wahahaha" Sabi naman ni Niffy.

"Kanino? Kay Alvin?" Sagot naman ni Vince.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon