Chapter Eight

11.6K 36 0
                                    

BINIGYAN sya ng isang basong margarita ni Jezzy at nagtoast. Nakatayo sila at sumasabay sa indak ng tugtog.

Pasimple namang hinanap ng kanyang mata si Niko. Alam nyang hindi ito basta basta aalis ng bar dahil nagreply sya dito kanina sa text nito.

Find me. Iyan ang reply nya sa text nito.

Alam nyang imposible na mahanap sya ng lalaki dahil madaming tao sa bar kaya panatag ang kanyang kalooban.

Nagsaya na lang sya kasama ng mga kaibigan nya at nagkayayaan na sumayaw sa gitna dahil maganda ang kanta.

Sama sama silang sumayaw sa gitna kahit pa nga may mga gustong sumingit sa kanila ay hindi nila ito pinansin.

Nang mapagod sila kasasayaw ay napagdesisyunan nila na umupo na lang ulit at maglaro ng napakausong laro. Ang Shot and Dare.

Para lang itong spin the bottle but with a twist dahil gagawin ang lahat ng dare pero bago nila gawin iyon ay kailangan muna nilang uminom ng alak. Kahit anong alak basta ang importante gagawin yung dare.

Nakapalibot na silang lahat sa mesa. Si Vince, Dine, Reena, Jezzy, Niffy, Alvin at Arly.

Pinaikot na nila ang bote at ang unang gagawa ay si Alvin. Uminom muna si Alvin ng tequila bago gawin ang dare.

Ok, papa Al, I-dirty dance mo si Arly. Hahaha” tawang tawang sabi ni Vince. Napag-usapan na nila kung ano ang ipapagawa kay Alvin habang umiinom ang huli. Matagal na kasi nilang inaasar ang dalawa na magligawan pero choosy parehas. Hayy nako!

Ginawa naman ni Alvin ang dare dahil kung hindi sagot nya ang gastusin nila ngayon. Tawa naman sila ng tawa at ang baklang Vince, kinuhaan pa sila ng video habang ginagawa ang dare.

Nang matapos ang dare ni Alvin ay bumalik na sila sa kanilang table at umupo na ulit upang maikot na ang bottle.

Nakailang dare na sila at puro tawa lang sila. Puro kalokohan kasi ang alam nila.

“Hahaha! You should seen her face.” tawang tawa na sabi ni Dine.

“Yeah! Akala nya totoong lalaki si Vince yun pala Vakla. Nagpipiling vavai.” sabi naman ni Jezzy.

So, what it feels to be a man, Vince?” sabi naman ni Reena na tumatawa.

It’s so ewwwwwwww! Parang ginawa nyo akong tomboy. Yucks!!” malanding sabi naman ni Vince.

Nagtawanan na naman sila sa reaksyon nito. Dinare kasi nila ito na pumili ng isang babae at diskartehan ito.

Oh, simulan na natin ulit. May isa pa jan na hindi nadidare eh.” sabi ni Arly.
Sa haba ng laro nila ay hindi man lang sya natatapatan ng bote.

Nagsimula na ulit silang maglaro at sa wakas naturo din sya ng bote.

Hayy sa wakas.

MAINGAY sa loob ng SBox Bar ngunit ang ingay na iyon ay naghahatid ng kasiyahan kay Niko. Hindi sya madalas makapagbar dahil ayaw nya malaman ng gf nya na may ginagawa syang kalokohan.

Loyal naman sya dito pero hindi nya matiis ang tawag ng kanyang laman.

Enjoy na enjoy sya sa kanyang drinks habang tinitignan ang mga nagsasayawang kababaihan sa ginta ng dance floor.

Ngunit walang syang magustuhan sa mga babaing ito. Parang may hinahanap syang hindi nya mawari.

Napadako ang tingin nya sa kanyang cellphone.

No message napailing sya.
Psh! How do I find her?” sabi nya sa kanyang sarili.

“What bro?” tanong sa kanya ni Daniel, one of his friends. Binulong nya lang yun sa sarili nya pero narinig pala nito.

“Nothing bro!” sabi na lang nya dito. Nagtaka man ito ay binalewala na lang sya at hinalikan ulit ang kasamang babae.

Binasa nya ulit ang text conversation nila ng mysterious girl na nakapukaw sa kanyang atensyon.

Find me. Sabi nito sa kanyang text. Napailing sya ng hindi nito nireplyan ang huling text nya. How?

Binalik na lang nya sa bulsa nya ang kanyang cp at nagpatuloy sa pag inom.

Nakaubos na sya ng dalawang basong tequila ng maramdaman nyang nagvibrate ang kanyang cellphone.

Dali-dali nya itong kinuha at nakaramdam sya ng konting disappointment dahil hindi ito ang inaasahan nyang darating na text. Pero agad din nyang iwinaksi ang nararamdamang ito at binasa ang text.

From: Mahal
Ano gawa mo mahal?
End text

Nakatitig lang sya dito. Nagtatalo ang isip nya kung rereplyan ba ito o hindi.

Pero bago pa sya makapagdesisyon ay naagaw ng isang babae ang atensyon nya.

Bagong pasok ito ng bar. Lumalakad ito na tila sa kanya ang buong daan. Walang pakialam sa mga nakatinging kalalakihan. Napansin nya na halos lahat ng kalalakihan sa bar na iyon ay napatigil sa ginagawa at nakatingin din sa babaing bagong dating.

Nagpalinga-linga ang babae na tila may hinahanap.

Ako yata ang hinahanap ng babae. Nasaisip nya.

“Whoa! Sexy chicks!” napasipol pang sabi ni Daniel. Napatingin sya dito at nakita nyang iniwanan na nito ang babaeng kanina lang ay kahalikan nito.

Yeah he must admit it. The chick is indeed sexy yet not revealing. Humahakab ang kurba ng katawan nito sa suot na damit. Kung lumakad ito ay tila nang aakit na sundan ang bawat galaw nya.

At ganon nga ang nangyari dahil nakasunod ang kanyang mga mata sa bawat galaw nito. Nakita nya itong ngumiti at pumunta sa isang grupo ng barkadahan.

Napalagok sya sa kanyang iniinom na alak ng ngumiti ito. Nakakhipnotismo ang ngiti nito. Gusto nyang matikman ang mga labi nito.

Aaarrrgggh!! bakit ganito ang nararamdaman ko? Matagal na ba akong tigang at ganito ako? Bulong ng isip nya.

Agad na napabaling ang tingin nya sa kanyang cellphone ng magvibrate ulit ito.

From: Mahal
Tulog ka na mahal? Good night! I love you mahal.

Nakaramdam sya ng guilt sa ginawa nya. Nireplyan nya ang kasintahan nya.

To: Mahal
Good night din mahal. I love you too. Dream of me.

Pagkareply nya dito ay uminiom agad sya ng kanyang alak. Nafufrustrate sya sa nararamdaman nya. Unang beses nyang naramdaman ito bukod sa kanyang gf.

Kung kaya’t pinilit nyang ipinagsawalang-bahala na lang ang nararamdaman nya para sa babaeng nakita nya. Mahal nya ang kasintahan nya at loyal sya dito kahit na nga may ginagawa syang hindi maganda sa likuran nito. Pero alam nya na ito lang ang babae sa puso nya.

Nagpatuloy lang sya sa pag-inom dahil sa nararamdaman nya tapos dumagdag pa ang mysterious girl na katawagan nya kanina.

Gusto nyang magpakalasing at malimutan ang nararamdaman nya para sa ibang babae.

Mahal na mahal ko si Kristen. Iyan ang paulit ulit na sinasabi ng isip nya.

--

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon