Chapter Two

22.8K 46 0
                                    

"Hoy! Kanina ka pa tulala." Halos maitapon na nya ang kutsang hawak nya sa gulat.

Kanina pa ba sya tulala? Hindi kasi mawala sa isip nya ang nangyari kanina.

"Ha? Hindi naman ah!" Tanggi nya. Baka putaktihin pa sya ng tanong ng mga kaibigan nya.

"Anong hindi? Kanina ka pa namin tinatanong." Wika ni Jezzy.

Walo silang magkakaibigan. Halos lahat sila mga may kaya sa buhay. May masasabi. Ngunit kahit mayayaman sila ay napakahumble pa rin nila. Well, maliban sa kanya. Mababait naman silang lahat pero sya may pagka spoiled brat. Lahat ng gusto dapat makukuha.

"Hindi ko lng narinig. Hehe. Ano nga ulit yung tanong?" Palusot nya. Baka sakaling gumana.

Pero alam nya na imposible. Bukod kasi sa mayayaman sila ay matatalino din. Halos lahat sila ay running for honors.

"Palusot ka pa Reena. Sabi ko, sino yung lalaki kanina na kausap mo bago kita tawagin. Akala mo hindi ko nakita yun ha." May pagkindat at kilig pang sabi ni Vince.

Kilala din ang grupo nila bilang maluko at masayahin. Halos lahat natutuwa sa kanila dahil lagi silang masaya. Maiingay man sila pero napapasaya naman nila ang iba. Lalo na si Vince. Sya ay kilala bilang Dyosa ng mga bakla. Halos lahat ng kalokohan sa kanya nanggaling. Sya ang pasimuno. Lalong lalo na sa kalandian.

"Ewan. Hindi ko kilala 'yon. Nagkabunguan lng kami tapos wala na." Wika nya sabay iwas ng tingin. Tinuon na lng niya ang atensyon sa pagkain.

"Ahh. Si Kristen partner mo sa thesis?" Pag iiba ng topic ni Niffy.

"Oo. Alam nyo naman na magkasunod surname namin. Samson tapos sya Salsa." Sabi nya.

Alam nila na may namamagitan sa pamilya niya at pamilya ng mga Salsa. Mahigpit na magkaaway ang dalawa sa fashion industry.

"Paano iyan? Eh di ba..." may pambibitin na sabat ni Dine.

"Bahala na. Basta gagawin ko lahat para maging maayos ang thesis namin." sabi nya.

Magsasalita pa sana si Vince ng biglang lumipad ang kanilang mga tingin sa bagong dating.

Halos umawang ang kanyang bibig sa nakita.

Yung lalaki kanina. Pero may kasama. Sino?

Hindi nya nakikita ang kasama ng lalaking nakabunggo nya kanina dahil sa ito ay nakayuko at tila busy sa kanyang cellphone.

Bzzt bzzt~~

Napatingin sya sa kanyang cellphone nang magvibrate ito. Senyales na may dumating na mensahe.

Binuksan nya ito. Halos magulat sya sa nabasa.

Reena Thea Samson this is Kristen May Salsa. Nasa canteen ka ba? Andito kasi kami eh. May itatanong lang sana ako sayo.

Kami? Hindi kaya?

Napaangat ang tingin nya ng biglang may nagsalita.

"Hi! Nareceive mo text ko? Pasensya ka na ha iistorbohin kita sa pagkain mo." Si Kristen.

Nakatingin lang sya dito. Medyo hindi pa pumapasok sa utak nya ang nalaman.

"Ahem!" napalingon sila lahat sa lalaking nasa likuran ni Kristen.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon