Chapter Seventeen

9.1K 53 3
                                    

NAPASANDAL si Reena sa kanyang inuupuan ngunit ang kanyang tingin ay nasa rearview mirror ng kotse ng lalaki.

Titig na titig siya dito habang busy ito sa pagmamaneho. Kasalukuyan silang nasa byahe papuntang bahay nina Kristen.

Saglit na napapigil siya sa kanyang paghinga ng sumulyap ang lalaki sa kanya. Tumingin ito sa salamin kung kaya't nagsalubong ang kanilang mga mata.

Saglit lang iyon sa pagkat nag-iwas na ito agad ng tingin. Napangisi siya kasabay ng pagpakawala ng kanyang hininga. Nakita niya itong napalunok ng sariling laway.

Tahimik sila sa loob ng kotse. Busy din sa kanyang cellphone ang kasintahan nito.

"Love? Nagmeryenda ka na?" tanong ni Kristen kay Niko.

"Hindi pa. Sa bahay nyo na lang."Nakangiting sagot naman ni Niko dito.

Umiwas na lang siya ng tingin sa dalawa at inabala ang kanyang sarili sa kanyang bag. Hinahanap niya ang kanyang cellphone ngunit iba ang kanyang kanyang nakita.

Pictures.

Iyon yung pri-nint nya. Muntik na nyang makalimutan yun. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinext si Niko.

I have a present for you. Hope you like it.

Message sent!

Muli siyang napangisi.

Tumingin na lang siya sa labas ng bintana at iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki sa kanyang ibibigay dito.

NARAMDAMAN ni Niko na nagvibrate sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito pinansin. Mamaya na lang niya iyon titignan baka mag-usisa pa ang kanyang kasintahan kung sino iyon.

Nagpatuloy siya sa pagdadrive hanggang sa makarating sila sa bahay ng babae.

Pagkapark niya sa sasakyan ay bumaba na agad si Kristen.

"Love, Reena, una na ako sa loob magpapahanda pa ako ng meryenda nyo tsaka magbibihis." paalam nito sa kanilang dalawa.

Abala naman si Reena sa kanyang bag. Naalala niya na may nagtext pala sa kanya kaya tinignan niya iyon.

Nang mabasa niya iyon ay dali dali niyang tinignan si Reena. Nakababa na pala ito ng kotse kung kaya't sinundan niya ito.

Hinigit niya ang braso nito at dinala sa tagong lugar ng garahe. Nakasandal ang babae sa pader habang siya ay nakaharang dito.

"Ano'ng ibig sabihin ng text mo?" may gigil sa boses niya.

Napangisi ang babae. Mukhang inaasar pa siya nito.

"Hmmm, are you mad? Hahaha." sabi nito na may mapang-akit na boses. Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi na nagbigay ng libo-libong kuryente sa kanyang katawan pagtungo sa ibaba.

Hinuli niya ang kamay nito at idiniin sa pader.

"I'm serious." nasa boses niya ang kaseryusohan at pagkairita.

"Me either. You are so hot being serious. Hahaha." sabi pa nito sa kanya.

"Sh*t!" napamura na lang siya sa inakto nito.

"Wahaha. Hush, hush. Here look." sabi ni Reena sa kanya.

Pag-abot nito sa kanya ng picture ay tinulak siya nito at nagsimulang maglakad papasok sa bahay ni Kristen.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon