Chapter Sixteen

8.6K 33 3
                                    

BASTA na lang hinagis ni Reena ang mga pasalubong na binigay sa kanya ni Kristen pagkapasok niya sa bahay nila.

Naiinis siya sa nangyari.

Pagkatapos ng nangyari sa'tin Niko sa restaurant, sa kanya ka agad pupunta? Hindi pwede.

Pagkausap niya sa kanyang isip. Nagpalakad-lakad pa siya sa kanilang living room habang nag-iisip ng susunod niyang gawin.

Makalipas ang ilang minuto ay tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto.

"HAhaha, akala mo Niko basta basta lang ako." sabi niya sa kanyang sarili.

Binuksan niya ang kanyang laptop at printer at doon ay nagprint siya ng mga pictures.

Napangisi siya habang tinignan ang mga larawan.

"This is very exciting."

PAGKARATING NI Niko sa kanyang condo ay agad siyang nahiga. Iniisip niya ang mga nangyari kani-kanina lang. Lihim siyang nagpasalamat dahil nadala sa takot niya ang dalaga.

Ngunit hindi pa rin nagbabago ang plano niya na makipaglaro dito. Bilang ganti na rin dito...

O bilang pagpuno sa kanyang pagnanasa.

Hanggang sa di niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kaiisip.

"GOOD MORNING, REENA." bati ni Kristen kay Reena.

Kapapasok pa lang ni Reena ng kanilang classroom nang batiin siya ng babae.

"Good morning din." balik niyang bati dito na may ngiti pa sa labi.

Totoong ngiti iyon, walang halong kaplastikan. Maganda kasi ang kanyang gising ngayong araw.

May pasok na naman sila ulit. May thesis na naman. Makikita na naman niya si Niko. Dahil dito kaya siya masaya.

Nginitian din siya ng babae. Nagsenyas siya dito na papunta siya sa kanyang mga kaibigan, tumango ito kaya nagdiretso na siya nang lakad.

Malayo pa lang siya ay naririnig na niya ang tawanan ng mga bakla. Napailing na lang siya.

"Hahahahah!"

"Hanep ka Vince! Ano to?! Langya ka." Sabi ni Alvin kay Vince.

Natatawa siya sa mga ito. Hindi pa niya alam kung bakit pero tawang tawa na agad siya.

"Ano yan? Hahaha." Tanong niya sa mga ito habang umuupo sa naka-reserved na bangko.

"Ano pa, kalokohan na naman ni Vince. Hahaha." Sagot sa kanya ni Niffy.

"Oh, tignan mo itong drawing ni Vince. Napaka-perfect. Ahahha." Sabi ni Dine sabay abot ng papel.

Tinanggap naman niya ito.

"Ahahahhah!" natawa na lang siya sa nakita.

Ang drawing kasi nito ay different kinds of moon. Ang mga ito ay hinalintulad sa kanila.

Full moon- Dine

Half moon- Niffy

New moon- Reena

Quarter moon- Arly

Black hole- Jezzy

Moon- Alvin

Vince- Star

"Hahah, bakit daw naman ganito?" natatawa niyang tanong dito.

My Thesis Partner's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon